Chapter 41

65 2 0
                                    

"Hulaan ko,siya yung dahilan ng pagiyak mo kahapon no?" Tanong ni Louis sakin

"Oo." Sagot ko

"Bakit?kwento nga."

"Nung una kasi para kaming aso't pusa lagi kaming magkaaway,nag aasaran. Then one day hindi ko alam nahuhulog na pala ako sakanya,so umasa ako dahil lagi kaming magkasama dahil hindi namang imposibleng hindi niya rin ako gusto dahil nagbibigay siya ng motibo para umasa ako sakanya, kahapon niyaya nya ako ng dinner at nilibre ako yun pala magpapatulong,dinescribe niya yung babae at yung dinecribe niya parang tumugma sakin so unasa talaga ako pero nung sinabi niya yung pangalan,nasaktan ako and worst best friend ko pa talaga,at sakin siya magpapatulong" pagkekwento ko sakanya

"Pareho lang kayong mali, mali siya dahil nagbigay siya ng motibo sayo para umasa ka sakanya. Ikaw naman umasa ka agad hindi mo muna inalam kung sino talagang mahal niya. Alam mo kaya mahirap umasa eh,masasaktan kalang" sabi niya at tama naman siya pero ako yung pinaka nasaktan sa ginawa niya eh.

Pagkarating namin sa bahay nila kumain lang kami ng dinner at hinatid niya na ako pauwi.

"Wag na sad bina, maghanap ka nalang ng ibang paglilibangan mo para kahit kaunti maibsan yang sakit na dinadala mo and remember just call my name and i'll be there." Sabi niya sabay kindat pa.

"Hahaha! Chupi na nga! Bye ingat ka ah." Sabi ko sakanya at umalis na siya. Pagpunta ko ng condo ko nagulat ako nandon sila Sapphire wow kumpleto kami.

"What are you doing here?" Tanong ko

"Binibisita ka, napansin namin na parang ang lungkot mo mula kanina. Ano bang problema bessy? Ha?" Tanong si Zandra

"Oo nga kwento mo samin" sabi naman ni Lauren. Mabuti nga sigurong sabihin ko na sakanila para makapag labas ako ng sama ng loob. Umupo ako sa tabi nila at kwinento ko ang nangyari pero hindi ko kwinento yung about sa ligaw ligaw na yan.

"What the? Ang isang Sabrina Levine nafall na?" Sabi ni Lauren

"Wow naman! Lumelevel up!" Zandra

"Naks lumalablayp" Sapphire

"Anong plano mo ngayon?" Georgina

"Naks naman parang pick up line "bangin kaba? Bakit? Kasi nahulog na ako sayo eh. Hahaa! Yiee ang dalawa kong best friend nagka inlove-an" asar naman ni Zylie

"Ako lang naman ang nainlove eh, hindi siya" sabi ko.

Zylie's POV

Habang sinasabi ni Sab lahat ng yun hindi ko alam ang irereact ko kaya inasar ko nalang. Ok aamin narin ako pero sainyo muna. Mahal ko rin si Jonas,mahal ko ang best friend ko. Pero hindi ko alam kung pareho kami ng nararamdaman at umaasa akong may gusto siya sakin dahil nagpapakita na siya ng motibo para mahlin ko siya,sana lang hindi ako masaktan sa pag-asa ko sakanya.

Pagtapos namin magusap usap umuwi narin agad kami. Nasa condo na ako ngayon at biglang nagtext si Jonas

From: Bespren Jonas
Hi bespren Zylie! Kamusta?

To: Bespren Jonas
Ok naman bespren! Ikaw?

From:bespren Jonas
Kung ok ka ok na rin ako hahaha! Joke :p tulog kana bespren gabi na!

To: Bespren Jonas
Sige bespren tulog kana din goodnight!

From: bespren Jonas
Goodnight bespren ko sweet dreams!!!

Pagtapos kong basahin ang text niya ay natulog na din ako. Paggising ko nagshower muna ako at nagbihis,kumain at nagayos. Pag sakay ko sa kotse ko ay tiningnan ko ang cellphone ko at may nagtext.

From: Bespren Jonas
Hi bespren goodmorning! Ingat ka sa pagdadrive ah!

Napangiti ako sa text niya,pinaandar ko na ang kotse papuntang school. Pagdating ko pumunta na ako ng room at nakita ko na din sila Sab.

"Wow! Blooming ah!" Sabi nila.

"Hahaha! Loko loko!" Sabi ko at umupo na.nakita ko naman na papalapit si Jonas sakin at bumilis ang tibok ng puso ko

"Hi bespren!" Bati niya sakin

"Hello bespren" bati kong pabalik sakanya.

"Mamaya samahan mo naman ako sa mall! Treat kita." Sabi niya at pumayag naman ako kasi kapagka hindi baka magtaka kasi ako lagi niyang sinasama pag nagmomall siya eh.

Nagstart na ang class pero mabilis lang iyon natapos. Recess na kaya pumunta na kami sa cafeteria kasama nanamin palagi ang barkada ni Jonas at si Chris and Elijah

"Guys ano gusto niyo? Treat ko." Sabi ni Lauren

"Yam ako nalang ayoko gumagastos ka pa" sabi naman ni Chris,baka mamaya langgamin sila.

"Sige na nga yam." Pagpayag ni Lauren. Sinabi nanamin ang order namin at Umorder na silang dalawa at nakikita ko kay Chris na mahal na mahal niya si Lauren dahil hindi niya binibitawan ang kamay ni Lauren,kung minsan pa nga naka akbay pa si Chris.

Pagdating ng pagkain ay syempre kumain na kami,alanganamang titigan lang namin,baka maubos yon diba? Katabi ko nga pala si Jonas lagi naman kaming magkatabi eh. Nagulat ako ng punasan ni Jonas ang bibig ko.

"May ketsup ka sa bibig bespren Zylie" sabi niya. Pasimple kong tiningnan si Sabrina pero umiwas lang siya. Ang hirap naman neto.

Zandra's POV

Uwian na kaya napagdesisyunan ko nang mag mall, ayaw sumama ni Sapphire at Georgina dahil tinatamad daw sila, Si Zylie naman kasama si Jonas,si Sab ayaw din, and si Lauren jusko may date yon,araw araw ba namang i-date ni Chris eh. Kalerki.

Nandito na ako sa mall at as expected all eyes on me,sanay nako buwhahaaha! Nagshopping ako ng mga damit,sapatos,bags and make up. Syempre binilhan ko rin sila Lauren,hehehe. Nagugutom na ako kaya kumain muna ako sa Vikings.

Kuha lang ako ng kuha ng pagkain,pagkakain ko nag pahinga muna ako at umalis na. Naglilibot libot pa ako hanggang sa may nakita akong katawan na sobrang pamilyar sa akin. May kaakbay siyang babae bumibili sila sa J.CO Donuts,ang sweet nila at ang saya nilang tingnan. Napansin ko na pinagtitinginan ako ng tao dito,at narealize kong lumuluha na pala ako kaya tumakbo ako papuntang parking,sumakay ako ng kotse ko at dun ako umiyak. Naiinis ako na nasasaktan. Parang pilit na pinipiga ang puso ko. Ang lalaking lang naman na yon ay nagngangalang Axcel Mendoza, na ang tawag sakin ay HONEYBUNCH. Tangina lang ang lakas niya magpaasa, honeybunch pa tawag niya sakin? Pero nakita ko siya na may kasamang iba? Umasa ako dahil lagi siyang sweet sakin at yung tawag niya pa sakin. Naggu-goodmorning pa yan, nag gugoodnight,kaya pala ngayon minsan nalang dahil meron nang iba.

So ano ako sakanya? Pampalipas ng oras? Isa lang pala ako sa mga laruan niya! Siguro mas mabuting layuan ko muna siya.

The Gangster Princess is the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon