Chapter 93

36 1 2
                                    

Lauren's POV

"Ms.Young, lumilipad nanaman ang isip mo." Tek! Di ko pala napansin nawawala nanaman ako sa sarili ko.

"Sorry ma'am." Sabi ko at nagpatuloy na sya sa paglelesson.

Hanggang ngayon iniisip ko parin kung sino yung may initial na ES, tiningnan ko na rin yung member na mga nakalaban namin sa mafia noon,wala sakanila ni ES na initials sa pangalan nila.

Nabalik ako sa diwa ko nung biglang nagring ang bell. Lunch na pala.

"Wifey, ok ka lang ba? Kanina ka pa tulala." Bungad sakin ni Stanley.

"Ok lang, hanggang ngayon iniisip ko pa rin talaga kung sino yung ES nayon. By the way,hubby mag pupuntahan ako mamaya ah?" Pagpapaalam ko

"San naman??" Tanong nya at nakataas pa ang ang kilay.

"Hmm puntahan ko sila mommy maya yayain ko magdinner, di na kasi ako nakakadalaw sakanila eh,naging busy kasi tayo,gusto ko sana kaming tatlo lang, ok lang ba?" Tanong ko. Huminga sya ng malalim.

"Fine, but text me,kada minuto dapat magtetext ka kung anong ginagawa nyo,para sure na safe ka." Sabi niya

"Grabe naman yung kada minuto hubby, diba pwe--"

"MINUTO. end of the conversation,tara na." Sabi nya sbaay ngiti sakin at hawak ng kamay ko. Hayy ano pa nga bang magagawa ko,imbis na sya ang under sakin eh.

Pag dating naming cafeteria nandon na sila Sabrina kaya umupo na kami.

"Tagal nyo maglampungan huh." Bungad samin ni Georgina.

"Lampunga nagpaalam lang ako duhh." Sabi ko

"OMG?! MAMAMATAY KANA?!" Jonas

"Ikaw kaya unahin ko?" Sabi naman ni Stanley sakanya

"Sabi ko nga ako una eh,pero di pa pwede ngayon, di pa kami nagpapakasal ni Sabrina my loves eh, di ko pa sya naaanakan." Sabi ni Jonas sabay kindat kay Sabrina

"Kingina mo manyak! Wala kang kiss ng isang linggo!" Sabi sakanya ni Sabrina at pinalo sya

"Buh gara naman! Sorry na,sabik lang" sabi ni Jonas

"Lul!" Sabi ni Sab. Natawa naman kami sakanilang dalawa,kahit na lagi silang naggagaganyan ang tatag ng relasyon nila.

"May pupunatahan lang ako mamaya." Sabi ko

"Saan nemern?" Sapphire

"Kela mommy,tagal ko nang di nadadalaw eh." Ako

"Ahhh. Bat di mo isama tong si Stanley? Tingnan mo parang puwet ng bibe ang labi oh." Zylie. Napatingin ako kay Stanley at tama nga si Zylie

"E family time yun." Sabi ko

"Magiging part of the family din naman yang si Stanley eh." Zandra.

"Oo naman. Pero gusto ko bigyan ng quality time sila mommy,maiintindihan naman ni hubby yun eh, diba hubby?" Sabi ko

"Sige na nga! Kung hindi lang kita mahal eh,basta text ha?" Sabi niya

"Opoooo." Sabi ko at tama naman na dumating na yung pagkain namin.

---after class--

"Oh wifey,bilin ko sayo ah. Ingat ka sa pagdrive iloveyouuuu!!" Sabi nya sabay hug sakin.

"I love you too. Mamaya nalang. Ingat ka din. Ingat kayo lahat ah,byee." Sabi ko

"Byee." Sabi nila at bumesa sakin lahat. Umalis na din silang lahat kaya sumakay na ako sa kotse ko.

Ang totoo nyan hindi naman talaga kela mommy ang punta ko,magiimbistiga ako. Ayokong isama sila Stanley dito kasi mas mapapadali kung magisa lang ako. Naisipan kong pumunta sa pinaggaganapan tuwing may gang fight kami.

Pag karating ko ay bumaba na agad ako. Bumungad sakin ang mga grupo na naglalaban. Nang makita nila ako ay nag bow silang lahat sila sakin at tinanguan ko lang.

"Nandito po pala kayo queen. Bakit po kayo pumunta dito?" Tanong ni Nadine na namamahal dito.

"Nasainyo pa ba yung list na mga nakalaban ng The Dark Knights?" Tanong ko

"Ah,meron pa po saglit lang po kukunin ko lang po." Sabi nya at nag bow sakin. Naupo lang ako sa isang tabi at pinapanood ang mga naglalaban. Maya maya ay dumating nadin si Nadine.

"Thank you" sabi ko. Binuklat ko ang folder at tiningnan isa isa ang mga pangalan ng mga nakalaban namin.

Sa pagbabasa ko ay wala akong nakita kahit isa na ES ang initial. Fuck! Sino ba tong ES nato. Nakakainis letche! Kung sino man to,di ko makakailang magaling tong lalaking to o babaeng to. Maski isang clue wala akong akong makita o malaman. Papatayin ko talaga kung sino man to.

"Bigyan mo ko ng isa or grupo na pwede kong kalabanin." Sabi ko kay Nadine. Naiinis ako gusto ko ng pang parelax.

"Maam eto na po, 5 po sila 3babae 2lalaki." Sabi ni Nadine at sumalang na ako sa arena.

Nagsimula na ang laban,isa isa silang sumugod at ako naman suntok at sipa ang ginagawa ko. Natapos ang laban ako ang nanalo, nagkaroon ako ng isang sapak sa labi. Shit makikita to ni Stanley.

"Salamat, alis nako" paalam ko sakanila at nabow sila. Naiinis padin ako,sa lahat ng nakabangga namin eto pinakamahirap imbistigahan.

Pinaharurot ko ng mabilis ang sasakyan ko, magiikot ikot ako habang nagiisip ako.

Napatingin ako sa salamin na nasa kotse ko na kita ang likod ng kotse ko, kanina pa tong sasakyan na to ah? Hindi ko makita ang nasa loob dahil gabi at tinted ang salamin. Mas bibilisan ko ang sasakyan ko,pero sinasabayan nya ako. Hinanap ko ang baril sa kotse ko pero wala akong nakapa na baril,shit wrong timing!

May bigla akong narinig na putok ng baril at naramdaman ko rin sa kotse ko na nawawalan na to ng preno, FUCK! Pinaputukan nya ang gulong ko.

I can't control it!

The Gangster Princess is the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon