Chapter 82

47 3 0
                                    

Zylie's POV

Kasama ko si Chris ngayon,pupunta kami sa burol ni kuya Elijah. Hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap ang pagkawala ni kuya Elijah,hindi pa namin tanggap lahat. Lahat kami turing sa kanya isang "KUYA" dahil lagi siyang nanjan para sa amin,nasakanya na halos lahat. Mabait,gwapo,mapagtanggol,mapagmahal,at siya rin ang joker sa barkada namin. So hindi madaling tanggapin ang pagkawala nya,sa kadahilanan na kami ang dahilan kung bakit siya nawala.

Naramdaman ko namang may humawak sa kamay ko.

"Crying again baby? Stop crying." Sabi niya,umiiyak na pala ako.

"Hindi ko lang matanggap ang pagkawala ni kuya Elijah, tinuring ko siyang totoo kong kapatid." Sabi ko

" lahat tayo tinuring siyang kapatid. Pero kase hindi naman tayo makakapagdesisyon kung hanggang kailan nalang tayo dahil hindi natin hawak ang buhay natin. Makakamove on din tayo." Sabi niya. At buntong hininga nalang ako at tumingin sa asul na langit.

Kuya Elijah,namimiss ka na namin, ikaw kasi e iniwan mo agad kami di pa kayo nakakapagpakasal ni Sapphire,baka makahanp yon ng mas gwapo sayo bahala ka hahaha! Sorry kuya Elay ah? Kung naging mas mapagmatsag lang talaga kami hindi mangyayari to,hindi ka pa sana nanjan,edi sana happy happy parin tayo ngayon. Alam mo ba kung gaano kasakit ang dinadanas namin ngayong wala ka na? Sobrang sakit,lalo na si baby sis mo,your parents and your soon to be wife sana. Sana tulungan mo kaming tanggapin lahat ng to,kung nasan ka man sana masaya ka jan. Mahal na mahal ka namin kuya Elijah!

Pagkaparking ni Chris ay pinagbuksan niya ako ng pinto at lumabas na kami. Pagpasok namin ay sobrang bigay ng awra and tahimik, may mga maririnig kang iyakan. Linapitan ko sila Lauren at bumeso sakanila,pati kila tita. Mahigpit din ang securities dito dahil nga sa mga nangyayari ngayon.

Si Lauren tulala lang,tila ba parang wala sa sarili at tumutulo ang mga luha,magkagawak sila ng kamay ni Stanley habang nakasandal ang ulo ni Lauren sa balikat ni Stanley. Si Sapphire magisang nakaupo sa isang sulok, habang tumutulo din ang mga luha. Ang parents nila Lauren ay nakikipagusap sa mga nakikiramay. Sila Sabrina and iba pa naming barkada nakatungo lang at umiiyak rin.

Maraming tao dito,puro mga katrabaho nila tito and tita.

This is the one of the saddest week in our life. Bata palang magkakakilala na kami ni Lauren,and nakakasama nanamin si kuya Elijah. Nung mga bata kami,hindi pa kami ganap na matapang,mafia,gangster at kinakatakutan. Ang totoo niyan ay isa lang kaming simpleng tao noon na maraming fears sa buhay,walang umaaway samin sa school dahil kay Kuya Elijah

Flashback:

"Hoy! Ang panget mo na nga ang pangit mo pa mag drawing!" Sabi ng isang batang lalaki sakin at pinunit ang drawing ko.

"Huhuhu! Bakit mo pinunit? Drawing ko yun eh! Ibibigay ko sa parents ko yun pag nakita ko sila." Sabi ko at umiyak.

"Parents? E wala ka namang parents! Ahh kawawa!! Bleeh" sabi niya sakin at mas lalo akong naiyak.

"Hoy! Wag mo ngang awayin ang friend ko! Kalalaki mong tao inaaway mo ang friend kong girl! Are you fucking gay?!" Galit na sabi ni Lauren. Nagulat ako ng tinulak siya nung kaklase kong pumunit ng drawing ko

"Anong bakla?! Hindi ako bakla! Magsama sama kayo! Mga pangit!" Sabi niya at umiiyak na din si Lauren.

"Hoy! Anong ginawa mo sakanila ha?! Matapang ka na ba ngayon?! Diba sabi ko wag mo silang aawayin?!" Nandito na pala si kuya Elijah

"S-sorry kuya elijah." Sabi nung lalaki

"Anong sorry?! Ako magsosorry sayo dahil simula bukas hindi ka na makakapasok pa sa school na to! At sa iba pang school sasabihin ko yan kay mommy and daddy!Ales! Choo!" Sabi niya kuya Elijah at nilapitan kaming dalawa.

The Gangster Princess is the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon