Chapter 74

55 3 0
                                    

Elijah's POV

Tinatawagan ko si Sapphire pero hindi siya sumasagot,ang baby sis ko din hindi. Nagaalala na ako. Pumunta ako sa condo ni Sapphire pero wala siya don,sila Georgina hindi sumasagot. Matawagan nga si Chris.

"Pre,kasama mo ba si Zylie?" Tanong ko sakanya

"Bakit? Anong pagnanasa mo sa girlfriend ko ha?!" Aba gago to

"Gago! May Sapphire nako pwe! Ano nga alam mo ba kung nasan sila?" Me

"Hindi ko din alam,wala bang sinabi sayo? Kagabi pa hindi nagtetext si Zylie,hindi siya natulog dito kagabi. Aish lagot sakin yon!" Sabi niya. Bigla akong kinutuban.

"Tawagan kota mamaya,may pupuntahan lang ako." Sabi ko at binaba ko na. Nagmadali akong pumunta sa condo ni Baby sis,may susi ako neto syempre para surprise na dadalawin ko siya,lagi nandito si gagong stanley eh! Baka mamaya may gawing kagaguhan yon,ang libog pa naman daw non. Tadyakan ko yun eh.

Pagpasok ko wala si Lauren,naglibot ako sa kwarto niya,may isang papel ang nahagip ng mata ko. Pagkatingin ko bahay?

"The Black Mamba"

Shit! Wag mong sabihing map ng black mamba to?! Kaya pala ako kinabahan bigal. Nasa panganib sila ngayon! Aish! Pasaway! Tinawagan ko agad si Chris

"Pumunta ka sa ***** dun tayo magkita,nasa panganib sila Sapphire bilisan mo baka mahuli tayo! Saka ko na ipapaliwanag sayo." Sabi ko at binaba ko na. Buti may address na nakalagay dito, nagmadali akong pumunta sa kotse ko at pinaharurot yon papunta sa mansion ng black mamba.

Lauren's POV

"THIS IS ALL YOUR FAULT! THIS IS ALL YOUR FUCKING FAULT!" Sigaw ko kay Stanley habang sila Georgina bumaba na dala si kuya. Lumapit siya sakin at niyakap ako ng mahigpit pero pilit kong inaalis yon. Ngayon naramdaman ko na lahat ng sakit sa katawan ko lalo na yung sa tiyan ko,ang daming dugong mawawala sakin neto.

"I-im sorry,hindi ko namang alam n-na kayo kalaban namin. W-wifey im sorry please.. Hindi namin alam na kayo pala,ngayon ko lang n-narealize lahat. W-wag mo kong iiwan,hindi ko kaya. Sorry.. I love you." Sabi niya habang umiiyak din. Napapikit ako ng mariin,nahihilo ako. Kaya ba halos pagaalis kaming dalawa nitong mga nakaraan halos sabay kami?

"B-bakit hindi mo sinabi ang about jan?" Mahina kong sabi nanghihina na ako,unti unti na akong inaantok.

"Kasi gusto kong sabihin sayo pag tapos na ang laban,kasi inaalala ko nun na baka pag sinabi ko agad sayo sumunod ka lagi sakin,baka mapahamak ka. Im sorry wifey." Sabi niya. ANG TANGA KO! BAKIT HINDI KO AGAD NAISIP NA SILA YON?! Dahil sakin ang daming napahamak,dahil sa katangahan ko.

"S-sorry kanina h-hindi ko kayang mawala si k-kuya." Sabi ko

"Ssh,it's ok I understand."

Stanley's POV

"Ssh,it's ok I understand." Sabi ko. Nakayakap parin ako sakanya. Bakit hindi ko agad naisip yon? Na yung Lay na codename ay Lauren Agatha Young?! Ang tanga ko bwiset! Naramdaman kong unti unting bumibigat si Lauren. Nakita kong may dugo ang damit ko. Shit! Nabaril ko nga pala siya kanina! Agad ko siyang binuhat papunta sa kotse at pinatakbo ito papuntang hospital. Pagkarating ko dinala ko agad siya sa emergency room at nakita ko dito sila Sapphire. Ang bigat ng awra.

"K-kamusta si Elijah?" Tanong ko.

"Wala pang balita inooperahan pa siya." Sabi ni Axcel. Ibinagsak ko ang sarili ko sa upuan at inilagay sa mukha ko ang dalawang kamay ko. Bakit ba nangyayari lahat ng to?

"W-where's Lauren?" Sabrina

"Nasa emergency room." Sabi ko. Maya maya dumating ang doctor na nagopera kay Lauren. Agad kaming tumayo.

"How's my girlfriend?" Tanong ko.

"Natanggal nanamin ang bala na natamo niya. Masyado siyang naubusan ng dugo kailangan natin siya ng dugo. Isang volunteer ang kailangan, type ab siya" sabi ng doctor.

"Type AB ako." Sabi ko at pumuta na kami sa room kung saan ako kukuhanan ng dugo. Pagtapos bumalik na ako sa pinaghihintayan namin. Pumasok na ako sa loob ng room ni Lauren kasi ok na daw siya. Pagpasok ko hinalikan ko agad siya sa labi na namumutla pa ngayon.

"Stanley yung doctor ni Elijah may report na about sa kundisyon ni Elijah." Sabi ni Jonas kaya agad akong lumabas.

"K-kamusta siya doc? M-mabubuhay pa naman siya diba? M-masamang damo yan k-kaya niyang mabuhay." Sabi ni Sapphire,nakakaawa siya tingnan ngayon ko lang siyang nakitang ganyan. Huminga muna ng malalim yung doctor bago magsalita.

"Comatose siya ngayon, tanging machine na lang ang nagpapabuhay sakanya. Sa oras na tanggalin ang machine na nakakabit sa katawan niya,pwede na siyang mawala. Tanging milagro nalang ang makakapagpagising sakanya. Sorry to say,mukhang malabo nang gigising siya da--" hindi na natuloy ng doctor ang sasabihin niya dahil nasuntok siya ni Lauren. Hindi ko siya namalayan bakit siya bumangon? Delikado pa. Agad ko siyang pinigilan. Galit na galit ang emosyon niya pero nangingibabaw parin ang sakit na nararamdaman niya. Kwinelyuhan niya ang doctor.

"Doctor ka diba?! Anong klase kang doctor kung hindi mo kaya makapagpabuhay ng tao ha?! Kala ko ba magagaling kayong doctor?! Ang laki ng binabayad sainyo tapos hahayaan niyong mamatay ang pasyente niyo?!" Sabi niya,umiiyak din siya. Agad ko siyang niyakap,hinawakan ko ang ulo niya at hinagod ko ang likod niya.

"Doc im sorry, basta please do everything para mabuhay si Elijah,please." Sabi ko sa doctor at tumango siya at umalis na. Si Sapphire parang si Lauren,iyak din siya ng iyak at pinapatahan siya ni Sabrina halos lahat kami umiiyak. Bakit kailangang si Elijah pa ang ganituhin? He's so innocent and ang daming maaapektuhan kapag napahamak siya,halos lahat kaming close niya kaya sobrang hirap para samin. Ibinalik ko na sa kwarto si Lauren at sabi ko ako nang magbabantay sakanya. Ayoko siyang nakitang nahihirapan at nasasaktan dahil tuwing nakikita ko siyng ganyan nasasaktan din ako.

"Ssh wifey stop crying please.." Sabi ko at hinawakan ko ang pisngi niya at hinalikan sa noo.

"M-mabubuhay p-pa naman si k-kuya diba h-hubby?" Sabi niya. Mukha siyang bata ngayon,sobrang lungkot ng mukha niya.

"Oo mabubuhay siya kaya pagaling ka muna p-para pag gising ng k-kuya mo magbonding kayo diba? Tulog kana,dito lang ako.iloveyou." Sabi ko at hinalikan ko ulit siya. Unti unti naman siyang natutulog,nakatulog narin ako habang hawak ko ang kamay niya

The Gangster Princess is the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon