Chapter 2

103 3 0
                                    

[Cage]

Nagising siya sa isang malaking hawla. Hindi niya na alam ang gagawin. Sisigaw ba siya sa takot o iiyak? Matutuwa ba siya o hindi? Magagalit ba siya o magwawala? Naghalo-halo na ang emosyon na nararamdaman niya.

'Nasaan ako?' Tanong niya sa sarili

Tumingin siya sa paligid at nakitang may natitira pang pito na walang laman. Biglang pumasok ang Dalawang nakaputing mga lalaki na parang nakasuot ng hospital gown. May mga mask din sila na tinatakpan ang bibig at ilong nila.

'Ang amoy na yun..'

Nagsisimula nanaman ulit siyang mahilo ng maaninag niya ang dala-dala nung lalaki. Isang babae, babaeng may makinis na balat. Bago siya nakatulog ulit dahil sa amoy na nagpatulog sa kanya kanina. Nabanggit niya ang mga katagang ito.

'Sino kayo? .. Nasaan ako..' and then black out.

Sa kabilang banda ay maririnig mo ang iyak ng isang babae na nagmamaka-awa sa kanyang mga magulang.

"Mom.. D-dad.. I know you cant do this right??" Pahikbing tanong ng babae..

"Atleast once, Samantha.. make us proud of you." Singhal ng kanyang Ama.

'Magulang ko ba talaga kayo?' Pag iiyak niyang tanong sa sarili

Hindi siya makapaniwala na pinapabayaan siya ng kanyang mga magulang ng ganito nalang. Para siyang basura na itinapon lang kung saan-saan.

Napayuko nalang siya at hinayaan niya ang sarili niya na kuyugin ng mga taong nakaputi. Wala na siyang pakealam kung saan siya dadalhin ng mga ito. Wala na siyang nararamdamang takot. Nagpakuyog nalang siya sa mga ito habang nakaduko at umiiyak.

Unknown's World~

*tok tok tok*

"Mama, ako ng bubukas!" Sigaw ko kay mama na nasa kusina.

"Oh sige anak."

Dinaanan ko lang ang kapatid ko na nakaupo sa hapagkainan at binuksan ko ang pinto. Nagulat ako ng may makita akong mga taong nakaputi.

"Ikaw ba si Emely Freniere?" Tanong ng isang lalaki base sa boses nito.

"Sino ba yan.. Jusko po!" Hinila ako ni Mama papunta sa likod niya.

"Wag na wag kang hihiwalay sa akin Sky,.. Anong sadya niyo dito!?" Tanong ni Mama sa dalawang lalaki na nakaputi.

"Naatasan po kaming kunin ka, Emely Freniere sa Magandang usapan o Marahas na daan .. Utos ng Presidente na isa sa pamilya mo o ikaw ang makakaranas ng unang eksaminasyon sa Elixir of Life." mahabang litanya ng lalaking nasa kanan

"Ano?? Bakit ang nanay ko pa!? Naka drugs ba kayo? Adik ba kayo? High ba kayo? Ok kayo ah!?" Singhal ko sa kanilang dalawa.

Humarap naman si Mama sa akin. At hinawakan ako sa pisngi. Naramdaman ko naman na kumapit sa laylayan ng damit ko si Sirach. Ang nakakabata kong kapatid.

"Wala tayong magagawa anak. Kukunin at kukunin nila ako. " tumulo ang luha ni Mama sa amin.

"Pasensya na anak, iniwan tayo ng ama niyo at mukhang iiwan ko na din kayo." Umiiyak na sambit ni Mama

Umiyak na din ako. Paano kami ni Sirach? Paano ang kapatid ko? Hindi ko pa siya kayang buhayin.

"Mama.. mama.. ako nalang po.. a-ako nalang.. p-po.. " humarap ako sa mga lalaking nakaputi at sinabi ito ng buong tapang.

"Sir.. " pinahid ko ang mga luha ko bago ulit magsalita.

"Ako po ang kunin niyo.. " pinosasan na nila ako ng hinila ako ni Mama pabalik.

"EMERALD!!! ANO SA TINGIN MO ANG GINAGAWA MO!!? " bulyaw ni Mama sa akin.

"Alisin niyo ang posas sa anak ko!!" Hinawakan niya ang kwelyo ng isa sa mga lalaki.

"Ako.. " inilahad niya ang dalawa niyang kamay. Umiyak na ako.

"Ako ang posasan niyo. Ako ang kukunin niyo diba? Ako diba!!!?" Sigaw ni Mama

"Ma'am, nailagay nanamin ang posas.. hindi na iyan mabubuksan.." saad ng lalaking nakahawak sa kaliwa kong kamay.

Parang binuhusan naman ako ng malamig na tubig at ginising sa katotohan. Parang sinabi na din niya na wala na akong takas sa kamatayan. Umiyak na ako at tumingin sa kapatid ko.

"Sirach.. magpapakabait ka ah.. " hikbi kong saad sa kanya

"Ate, babalik ka diba? Aalis ka lang diba? " inosenteng tanong ni Sirach sa akin. Tumango naman ako bilang sagot.

"Then, kung babalik ka? Why are you crying?" Tanong ng kapatid ko, limang taong gulang pa nga talaga siya..

"Mamimiss ka lang ni ate kaya ganito ako.. " napatawa ako ng marahan..

"Hindi!!!! Anak.. alisin mo yan!! " kinuha ni mama ang kamay at pilit na tinatanggal ang posas. Hinawakan ko ang kamay niya at saka inilagay sa pisngi ko. Ang init ng kamay ni Mama, kasing init na pagmamahal niya sa amin.

"Emerald.. " umiiyak na banggit ni Mama

"Hanggat nabubuhay kayo, magiging masaya ako mama.. " umaagos ang luha ko pero pinilit kong ngumiti sa kanya at kay Sirach.

"Bye bye na kay ate,.." tinignan ko si Sirach. Nag bend ako ng kaunti para maging kalevel ko siya.

Pinahid niya ang luha ko.

"Ate, dont cry na ah. Bye bye.. " saka niya hinalikan ang noo ko.

"Halika na po.. " saad ko sa mga lalaki at isinakay na nila ako sa isang puting Van.

My Last SenseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon