[Wide Awake]
Narrator's
"Still, the examiners are unconscious. Wala pa pong nagigising sa kanila sa loob ng chamber." Saad ni Eric sa kanyang Master
"Hmm? Get ready.. I want to finish this thing."
"But what if we dont succeed?" Tanong ni Eric sa kanyang Master
"Eric,.." tumayo ang kanyang Master at nagpalakad lakad sa kanyang opisina. Matatagpuan ito sa pinakamataas na floor ng hotel.
Napahinto ito sa paglalakad ng makita ang buong syudad ng Metro Manila sa bintanang yari sa isang salamin.
"Hinding hindi ako matatalo. Ngayon pa? Na nasa itaas na? Hinding hindi ako masasatisfy. Alam mo yan Eric." Saad ng lalaking natanaw sa bintana
Inabutan naman siya ni Eric ng isang glass of wine.
"Heto po Master. Patawad at naghinala ako sa kakayahan niyo. Maaari niyo na pong kitilin ang buhay ko.." seryosong saad ng lalaking nagngangalang Eric
"No. I still need you.."
"Thank you Master.. " saad ni Eric.
Makikita mo naman sa mga chamber ang mga naglulutangan katawan ng mga examiner.
"Sino kaya Ang unang bibigay?"
"Hindi ko din po mawari kung Sino.."
"Magtatagumpay ba ito?"
"Makikita't makikita natin iyan.."
Naputol Ang pag uusap ng dalawang tao ng..
"Sir, the Antidote is ready."
"We dont have a choice but to wait. We cant force them to be conscious. "
Ilang araw na din and nakaraan. Matapos ang naganap na abduction.
'Wag kang lalabas kahit na anong mangyari..Serenity.. Mangako ka.. naiintindihan mo ba?? Nakikinig kaba?'
'Papa.. papa.. please don't leave..'
'Mahal kita'
Napadilat ang dalaga at saka niya naramdaman ang oxygen na nakakabit sa kanyang ilong. Ang banayad na pagyakap sa kanya ng tubig. Ang pag sagway ng buhok niya sa tubig. Nakita niya Ang mga kasamahan niyang gising na. May mga nakikita siya tao sa labas ng chamber kung nasaan siya naroroon.
"You May start." Saad ng lalaking nakaupo sa sulok. Madilim Ang parte nito kaya hindi niya maaninag Ang mukha nito.
Unti unting bumababa ang tubig sa loob ng chamber na kinalalagyan ng dalaga. Napalingon siya sa kanyang mga kasama at ganon din ang mga nangyayari sa mga ito. Tinanggal ni Serenity ang oxygen na nakakapit sa mukha niya at ang mga wires na naka kabit sa katawan niya.
Nagbukas ang chamber at isa isa silang sinundo. Nanghihina parin ang dalaga pati na ang mga kasama nito. Inaalalayan sila ng dalawang mga doctor at inihiga ulit sa kama. Ipinasok ulit sila sa kwarto.
Ngayong, naipasok na sila ay may kinuha ang mga doctor na isang likido sa isang safety volt. Kinabahan ang dalaga ng makita ang isang injection na may lamang asul na berdeng likido. Hindi niya maipaliwanag ang kanyang naramdaman ng makita iyon.
Sa kabilang kwarto naman ay binisita ng isang lalaki ang mga examiners. Pumasok siya sa huling kwarto. Kung saan makikita ang isang dalaga na nagngangalang Serenity.
"Isang hindi ko kilalang tao.." saad nito ng matanaw ang dalaga na nakahiga sa kama.
"Serenity ang pangalan niya Master.."
"Isa siyang espesyal.. espesyal na tao.." saad naman nito.
hindi na naintindihan ng kanyang kanang kamay ang pinagsasabi niya. Naguluhan. ang binata sa mga binitiwang kataga ng kanyang sinusunod.
Serenity's World~
Kinuha na nila ang bagay na iyon at itinutok sa pulso ko. Nag activate ulit ang bakal na nagsisilbing posas sa dalawang kamay at paa ko, pati na rin sa leeg ko.
"Ano.. ano po iyan??" tanong ko sa kanila.
"sagutin niyo ako.." pag uulit ko
"Bakit niyo ginagawa ito!?" singhal ko.
Unti-unti akong nanghina ng itinurok nila ang karayom sa bandang pulso ko. Naramdaman ko ang mga likidong nag uunahan sa ugat ko. Ng unti-unting...
"ahhh!!!!!!"
"aray!!!!"
"ahhh!!!!!,"
BINABASA MO ANG
My Last Sense
FantasiSeeing... Smelling... Hearing... Tasting... Touching... ... ... The evolution of human kind is now more generated. Welcome future holders of the land. Let us see how the world looks like when this year comes. ~YEAR 2999 Modern time? Future? Here we...