[Friends be like]
Serenity's World~
Bakit? Bakit kailangang mangyari to? Ano bang nagawa kong mali para mahirapan sila ng ganito?
"Apo.. Kumain kana muna.. " saad ni Lolo
Nakaupo kami sa isang napakalaking dining table. Nasa dulo siya at nasa bandang kanan niya naman ako, kaharap kong kumakain si Sir Nick o Tito Nick.
Hinanda ng mga kasambahay ang mga pagkain namin.
"Maam.. Ano pa ang kailangan niyo?" tanong nung isang maid
"I need my parents back.. "
Ramdam kong natigilan si Lolo sa pagkain pati na rin si Sir Nick. Hindi ko talaga mapigilan ang luha ko at bigla nalang itong bumagsak.
"Im sorry.. If you'll excuse me.. "
Hindi ko na sila hinintay pang sumagot at dali-dali akong umakyat papuntang kwarto.
Nailibot ko kaagad ang paningin ko sa buong kwarto ko sabay ng pagbagsak ng katawan ko sa isang malaki at malambot na kama.
Isang napakalaki at napakagarang kwarto. Kung tutu-us tuusin.. Ay hindi raw nangangalahati ang laki ng kwarto ko dati sa bahay namin dati nila Mama at Papa.. Pero wala namang saysay ang malaking kwarto at kama ko kung hindi ko naman sila kasama sa pagtulog. Napatingin ako sa bandang kanan ko na malapit sa dereksyon ng bintana. Isang malaking book shelf. Ayon kay Papa, hilig na hilig daw ako sa pagbabasa pero hindi niya raw ako mabilhan-bilhan ng bagong babasahin dahil sa paghihikahos namin ng pera. Pero ngayon? Aanhin ko naman ang isang malaking book shelf na puno ng libro kung wala naman si Papa para magbasa sa akin.
Mas lalong nawalan ng saysay ang aking buhay.
'Babalik si Papa.'
'No .. wag mong gagawin yan!! wag maawa ka.. '
'Lapastangan!'"Ahh.. "
Napabalikwas ako ng bangon. Isa nanamang panaginip. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Anong panaginip iyon? pangitain ba ng nakaraan? kasalukuyan? o hinaharap?
Biglang tumunog ang telepono ko. Si... Giovanni.. tumatawag..
"H-hello..??"
[Serenity?]
"ahh? May kailangan ka?" tanong ko
Ngunit bigla akong napahawak sa lalagyan ng telepono sa tabi ng kama ko. Mabuti nalang ay malapit lang ang kama, napa upo ako duon dahil sa sakit ng ulo ko. Nanaman...
[Hello! Serenity? Are you there?]
"Yes .. y-yes.. Im still here.."
[Kanina kapa hindi sumasagot. May nangyari ba?]
"Wala.. w-wala to.. Ano nga?"
[Wala to? So it means may nangyari nga?]
"Nagliligpit ako ng kama.. " wala na akong maisip na rason eh, "Kaya hindi ako nakatugon.. pasensya na.." saad ko
[Ganon ba.. Wala yun, ang sinasabi ko lang naman kanina ay tumawag si Henry.. Nasa bahay siya ni Samantha ngayon. Alam mo namang mag isa si Samantha diba?]
Agad akong natigilan. Si Samantha ang tinutukoy sa palaisipan na nakalagay sa sulat. Hindi siya pwedeng mapag isa. Nanganganib siya.
[Kaya pansamantala, doon muna maninirahan si Henry.]
Agad naman akong napabuntong hininga.
"Salamat naman at may kasama na si Samantha. Hindi siya pweding mapag isa. Delikado para sa kanya."
BINABASA MO ANG
My Last Sense
خيال (فانتازيا)Seeing... Smelling... Hearing... Tasting... Touching... ... ... The evolution of human kind is now more generated. Welcome future holders of the land. Let us see how the world looks like when this year comes. ~YEAR 2999 Modern time? Future? Here we...