Chapter 33

29 0 0
                                    

[Battle II]

Tumayo ako at lumapit sa bintana, sana bukas ito. Laking tuwa ko ng ma-open ko ito. Habang ginagawa ni Sky ang mga gawaing nasa isip niya ngayon. Pinagkakatiwalaan ko siya kaya hinayaan ko siyang gawin iyon, dahil alam kong magagawa niya ito ng maayos.

Habang nakatingin ako sa maraming lab gown dito ay napa-ngiti ako, aanhin ko pa ang pagiging Special Section ko kung hindi ko gagamitin ang utak ko.

Isa isa kong hinablot ang lab gowns at kumuha ng isang arrow sa likod ko. Pinunit-punit ko naman ang mga ito hanggang sa marami na rin ang napunit ko.

Ibinalik ko ang arrow na ginamit ko sa likod at saka binaling ang tingin kay Sky, pero imbes na kay Sky ako mapatingin dumeretso ang tingin ko sa seryosong nakatitig sa aking lalaki, bumilis naman ang tibok ng puso ko at kahit gustuhin ko mang umiwas ng tingin.. pero di ko magawa, para bang naka-magnet ang mata ko sa mata niya. Agad naman itong napa-iwas ng tingin ng mapagtantong nagkakatitigan na kami.

Muli kong ibinalik sa aking plano ang atensyong ko. Mahigpit kong itinali at ipinagkakabit ang mga telang pinangpunit-punit ko. Muli kong sinilip ang bintana at itinansya ang haba nito. Nang matansya ko ito ay bumalik ako rito. Kitang kita ko rin na tinutulungan na nina Weather at Helia si Sky sa ginagawa nito. Habang si Giovanni ay halatang lutang.

"G-giovanni." pabulong kong tawag but enough for him to hear me.

Napatingin ito sa gawi ko at tinaasan ako ng dalawang kilay. Naga-alangan pa akong sabihin iyon pero siya ang makakatulong sa akin rito.

"Can you h-help me?" wika ko

Hindi ko makita ang ekspresyon sa mukha nito at hindi ko rin malaman kung pumayag ba siya o hindi. Pero nahimasmasan naman ako ng makita kong umupo ito sa harap ko.

"What can I do to help you?" seryoso at nanatili ito sa cold at walang ekspresyon nitong sabi.

"Itali mo ang mga telang ito, higpitan mo ah. Baka kasi maputol. kailangan dapat mahigpit ..." Naka-tungo parin ako at patuloy sa pag-kabit ng tela habang sinasabi ang mga katagang iyon.

Nakikita ko ring sinimulan na niya ang pag-ka-kabit ng mga tela. Mas madali sa kaniyang i-kabit ito dahil mas malakas siya sa akin.

"AHHH!" Automatikong na napa-angat ang ulo ko sa taong sumigaw.

"Shhh. Helia.." pagpapatahimik ni Mama kay Helia na ngayon ay may sugat na kamay nito. Hindi masyado ito matatantya pero base sa pag-agos ng dugo.... masasabi mong malalim ito.

Natapos na namin ang pag-tatali at itong huling tela na lang ang itatali. Kukunin ko na sana ang telang hawak-hawak ni Giovanni ng kukunin niya rin ang telang hawak ko.

"sige.. itali mo.. na." agad akong kinabihan na tila ba'y nahihiya rin.

Ano bang nangyayari sa akin hah!? Teka-- hindi ngayon ang oras para isipin ang sarili.. Muli akong napatingin sa aking plano.


Nag-ning-ning naman ang mga mata ko ng makita kong konting-konti nalang ay mapuputol na ito.

Gusto kong maiyak, gusto kong tumalon sa tuwa. pero hindi pa ito ang kasiguraduhan ng lahat. Pero nananatili akong nag-papasalamat.

"Yes!" dali-daling kinuha ni Sky ang susi at pinasok na ito sa lock. Dahan-dahan niya itong pinihit hanggang sa mabuksan na ang kandado nito.

"Tara na.." wika ko at lumapit sa telang ginawa namin ni Giovanni.

"Giovanni ikabit mo ito sa pinaka-alam mong hindi mapuputol" saad ko, agad naman nitong sinunod ang sinabi ko at kanya-kanya kaming kumilos.

My Last SenseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon