Chapter 23

32 0 0
                                    

[Clearing]

Mr. Driffen's World~

"Master, are we going to continue our plan? Are we going to sell this antidote? Base naman ho sa nakikita ko ay naging successful naman po ang mga examiners." saad ng kanang Kamay ko, si Eric

"Iho, ayoko ng ituloy pa ang paghihiganti ko. Ngayong nakita ko na ang apo ko." saad ko habang nakangiti sa kanya.

Nilalaro ko ang ballpen na hawak-hawak ko.

"Ngunit Master.. Malawak ang masasakop ng kumpanya kung ilalabas mo ang makapangyarihang antidote na ito. Maaari mong matalo ang kumpanya ng mga Miller kapag nagkataon katulad ng plano mo noong una.." saad ni Eric.

Ang binatang ito, siya ang umagapay sa akin sa lahat ng aking ginagawa. Isa siyang mapagkakatiwalaang bata. Napulot ko siya sa tabi ng daan noong araw ng abduction. Inalagaan at bilang kapalit raw ng lahat ng kabutihang napakita ko sa kanya ay pagsisilbihan niya raw ako. Hanggang sa kanyang kamatayan.

"Maraming pwedeng mangyari pag inilabas ko ang antidote na yan. Alam na iyan ng gobyerno kaya hindi natin ito pwedeng isubasta nalang. Isa pa, nirerespeto ko ang aking mga yumaong kaibigan. Sina Calry at Mio. Sila naman talaga ang nag mamay-ari ng antidote na iyan. Si Mio at ang babaeng minahal ko na si Calry."

Eric's World~

Ano?

"Master? Mahal mo si Calry.. Teka, naging kayo ba??? Master hindi naman sa nanghihimasok ako sa sarili niyong buhay pero bakit hindi ko alam iyon? " saad ko na may pagtataka.

Walang hiya kang matandang hukluban ka! May tagapagmana ang akademyang ito!? Hindi maaari!

"Oo, minahal ko siya pero... Hinayaan ko silang dalawa na makipaglaban sa halip na tumulong ako. Dala-dala ko ang anak namin noon ni Calry at isinuot ko sa kanya ang crest. Saka ko siya inilagay sa isang basurahan. Ng balikan ko si Calry matapos ang digmaan sa pagitang ng gobyerno natin at ng ibang bansa, natagpuan ko nalang na iniligpit na ang bangkay ni Mio. Ngunit, sa mahabang oras na paghahanap ko sa bangkay ni Calry ay wala akong nakita. " saad ng matanda. "Nagsisisi akong iniwan ko silang dalawa sa magkakaibang lugar. Planado na ang pagpapakasal namin sa west kasama ni Mio ngunit nangyari ang digmaang iyon na humadlang sa aming masasayang plano. Ng paimbestigahan ko kung sino ang mga nagpapasok ng mga bandido sa ating bansa nung digmaang iyon.. Tatlong pamilya ang nakita kong may sala. Una, ang pamilya ng Malfoy.." pamilya ko iyon. Sila ang mga pamilya ko na pinapatay mo! " ang pamilya ng Uchingco, at ang pamilya ng Miller.. Kaya nag karoon ako ng balak na maghiganti.."

Mukhang mahihirapan akong kunin ang loob mo tanda sa pagkakataong ito.

"Nakita niyo na po ba ang Nawawala niyong anak?" tanong ko.

Kailangan kong malaman kung sino ang anak niya at lahat ng mga kalahi niya para mabura na sila sa mundong ito. Mga walang kwenta!

"Oo.. ngayon ay kasalukuyan silang namamahay sa palasyo." saad ni tanda

Agad naman akong nakaramdam ng galit at tila ba parang nag karoon ako ng lakas ng loob na pumunta sa bahay nila kahit na mag isa ako at pagpapatayin lahat ng pamilya nitong matandang ito. Para naman maramdaman niya ang sakit na nararamdaman ko simula noong iniwan ako nila Mama at Papa. Sisiguraduhin kong magbabayad lahat ng kadugo mo! at ni dulo ng kuko niyong mag kakamag anak, papahirapan ko!

Serenity's World~

Kinakabahan ako!

Napakagat ako sa labi ko at naipukpok ko ang kanang kamay ko sa aking dibdib.

"Anong nangyayari sayo? " saad nitong katabi ko na kanina pa aburidong-aburido dahil sa mga ikinikilos ko.

"Wag mo nalang kasi akong alalahanin." saad ko

My Last SenseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon