Chapter 26

44 1 0
                                    

[Dare Devil]

Nasa room kami at kumakain. Celebration raw ng pagkapanalo namin.

"Congrats Gio... You look very hot in that night." saad ni Courtney kay Giovanni sabay cling sa kamay nito

...

Gusto kong magsaya pero.. bakit naaasar ako?

"Hot din naman si Serenity ah! Maswerte ka Gio... Pagnagkataon, kami ang magpapanalo ngayon. Pero ayos na rin to.." saad ni Weather

"Whatever!" sagot nila Courtney at Maven

Umupo ako sa upuan ko dahil biglang nawala ang gana ko para kumain. Hindi ko alam. Ewan! baka siguro sa pag aalala ko kay Mama at Papa.. Maawain ang Panginoon at sigurado akong hindi niya pababayaan sina Mama at Papa.

"Anong nangyari sayo?" Samantha

"Wala." sabay duko ko sa desk ko

"Ehh.. Bat parang galit ka?" Sky

"Di ako galit."

"Yan? Di galit? maniwala ako?" Samantha

"Pwede ba, mamaya na.. Kailangan ko lang ng pahinga. I need a rest. Sumasakit naman ang ulo ko.." pagpapaliwanag ko

Pero pagkatapos na pagkatapos nun ay agad kong nakita si Giovanni na papalapit sa amin.

"Are you hurt?" tanong niya.

Bigla namang uminit ang ulo ko. Oh come on! Parang kanina lang dun siya nag e-entertain sa mga babaeng yun tapos ngayon nandito siya! AHHHH!!! BAT BA AKO NAAASAR!

"Hey? what's wrong?" Giovanni

"Ahem! maiwan muna namin kayo.^_^Y... Kayo! Labas!" sigaw ni Samantha sa mga tao sa loob ng room.

"Walang problema.. Magpapahangin lang ako." saka ako naglakad palayo.

May parte ng utak ko na umaasang sana.. sana habulin niya ako.. Na sana pigilan niya akong umalis o di kaya ay samahan niya nalang ako.. Pero may parte din na gusto kong lumayo.. lumayo sa kanya at iwan siya kahit hindi ko kaya para wala ng gulo...

Teka, ano bang pinagsasabi ko? Ahmmm.. Ewan! di ko na alam! ang dami ko ng problema.. Daragdag pa ba siya? Teka?..... Bakit ko ba siya pinoproblema?

Lumabas ako ng room para makalanghap ng sariwang hangin. Ng may mahagip ang mata ko.

Anong ginagawa niya rito?

Lalapitan ko na sana siya ng nag iba ang ekspresyon ng mukha niya.

Sigurado ako na nakatingin siya sa akin at..

Feeling ko ay hindi ko maigalaw ang katawan ko. Nakita ko pa siyang nakangisi na wari ay nagtagumpay siya sa kanyang mga plano.

Na istatwa ako ng wala sa oras at tila ba nilamon ako ng aking takot sa ngiti niyang iyon.

"Mamamatay ka." saad niya habang nakangisi

Kinilabutan ako sa mga katagang sinabi niya.

Hahabulin ko na sana siya ng mawala siyang bigla.

Ano yun? May gamit ba siyang teleportation relo? Ahh.. Kahit na ano pang gamit niya. Kailangang malaman ito ni Lolo, Mama at Papa.

Pumunta ako sa office ni Lolo para sabihin iyon.

"Lolo, kinakabahan ako.. Ayokong may mangyaring masama sa inyo nina Mama at Papa.."

"Apo, walang mangyayari sa atin. Walang mangyayari sa mga magulang mo dahil gwardyado ang palasyo.." saad ni Lolo

My Last SenseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon