Chapter 21

37 1 0
                                    

[De javu]

Serenity's World~

Naglalakad kami papuntang room. Pagbukas namin ng pinto. Nakita namin sina Maven at Courtney at dalawang babae tapos isang lalaki.

"Excuse me Sir.. Who are they?" tanong ni Van habang inaayos ang gamit niya sa kanyang silya

"They're your new classmate.." Sir Gin

"Obviously.." dagdag pa ni Sky

Nagkatinginan nanaman sila ni Sky at Van. May namumuo nanamang kuryente sa bawat mga noo nila.. Hay ewan.

Etong katabi ko. Tulog nanaman.

Napatingin ako sa mga transferee.. Yung isang babae.. Parang masungit. Tapos Sky blue ang eyes.. ang cute nga eh!^_^ pero bigla nalang nag iba yung atmosphere ng napatingin yung babaeng yun sa akin. Tinaasan niya ako ng kilay.

Ahhhh??? Okay???

Nagiwas naman ako ng tingin at nagawi ang tingin ko sa isa pang babae na kausap ni Samantha ngayon. Pala ngiti ito pero there must be something in that smile of her..

Napailing ako. Ano ba ito!! Nang huhusga na ako ahh!!>///< asar!

Nagulat ako ng mapatingin yung babae sa akin. Saka kumaway. Kumaway naman din ako pabalik sa kanya at nagpatuloy na siya sa pakikipag usap kay Samantha.

Pagtingin ko dun sa transferee na lalaki. Kausap nina Maven at Courtney. Kahit kelan talaga etong dalawa.. Good looking kasi yung lalaki at katipo nila Van at Henry.

Ibinalik ko na ang mata ko sa mga libro. Our Written Examination have a big possibility na ngayong week gagawin. And speaking of the hell topic.. May pumasok na teacher sa room namin. May ibinulong ito kay Sir Gin saka lumabas.

Nagthank you naman si Sir dun sa prof.

"Class.. Your written examination will be this afternoon.. Except for the new comers. Now, continue your studies." Sir Gin

Nagbasa basa pa ako hanggang sa mapawi ng attention ko ang pahina ng aklat na History ng school na to. Hayst! kakaloka .. pero binasa ko pa din. May mga kaibigan pa pala si Tatang na nagtatag nitong academy. Hindi ko alam yun ahh.. At yung Crest. Yung crest ng academy ay katulad ng crest ko. Ano ang ibig sabihin nito?

"Is there something wrong?" tanong ng katabi ko

Ipinasok ko naman ang kamay ko sa loob ng uniform ko sa bandang leeg..

"H-hey.. h-hey.. w-what are..." si Giovanni

"Relax. May ipapakita ako sayo. " inilabas ko ang pendant ng kwintas ko. "Diba? magkaparehas na magkaparehas. Maliban lang sa burda. Amare Et Servire ang sa school. Sa akin naman, Love and Serve. " saad ko

"That's the meaning of Amare Et Servire.. Love and Serve." saad niya.

Ahhh ganon ba?

"Sa tingin mo? bakit ako may ganito?" tanong ko sa kanya

Nagkibit balikat lang siya at dumuko ulit sa upuan niya.

Weird.

Someone's POV

"Kamusta na kaya siya Bernard?"

"Nasisigurado kong okay lang siya Emily.."

"Pakawalan niyo kami dito!"

"Ano ba nagugutom na kami ahh!!!"

"parang awa niyo na po.."

"Tahimik!!!!" saka niya kinuryente ang lalaking kanina pa nagrereklamo. "Makarinig lang ako ng reklamo at higit pa dito ang maabot niyo!" sigaw nung lalaki

My Last SenseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon