Chapter 7

63 1 0
                                    

[Vanished Memory]

Tinahak ko ang hallway papunta Main lobby. Nasa dulo na ako ng makita ko ang isang grand staircase. May naririnig na din akong taong nag uusap.

'Ano ba ito? Isang salo-salo? Isang party?'

Pinatuloy ko ang aking paglalakad. Ng makarating ako sa dulo ng hagdan. Bigla akong kinabahan. Lahat ng atensiyon nila'y nakatingin sa akin. Tiningnan ko ang paligid at may nakita akong isang malaking entablado. May Isang tao na nakaupo sa pinaka gitna. Nasa kanan naman nito ang tatlong lalaki. Dalawang babae naman ang nakaupo sa kaliwa nito.

'Mukhang may kulang pa..'

Napansin ko kasing tatlo ang upuan sa kaliwa nito ngunit wala pang umuupo sa dulo.

"Oh!? There she is.. Ms. Serenity Ashford.. Lets welcome her.." nag palakpakan naman ang mga tao.

May lumubas sa gilid ko na isang lalaki. naka suit ito.

"Ma'am, tayo na po.." inilahad niya ang mga kamay niya sa akin.

"huh!? ako??" turo ko sa sarili ko.

"Opo Ms. Ashford." kinuha niya ang kamay ko at naglakad kami pababa ng staircase.

"Ang ganda niya."

"She look's so elegant."

"She's pretty huh!?"

Rinig kong bulungan nila. Ano ba? teka... eh??

Hinatid ako ng lalaking naka sama ko sa pagbaba patungo sa entablado. Ayoko pa sanang umakyat pero tinawag na ako nung matandang nakaupo sa pinaka gitna kaya wala na akong nagawa. Akalain mo yun, ako pala ang kokompleto sa kanila. teka.. sino nga ba sila?

"Ms. Serenity Ashford, welcome." saad ng matandang nakaupo sa gitna.

Siya ang makakatabi ko. Siya ang bumisita sa akin sa kwarto ko. Tinignan ko siya ng maigi.

"Oo ako nga ang nakausap mo kanina." nagulat naman ako sa sinabi niya.

Gosh. mind reader ba to!?

Napatawa naman siya at muling nagsalita.

"Im not a mind reader Serenity.. sadyang halata lang talaga sa mukha mo. Now, look at the crowd." Sinunod ko nanaman ang sinabi niya at..

'Geez, sana di ko nalang ginawa..>_<'

Nakita ko kasi ang mga tao na nakatutok sa amin. Hindi ko na nga marinig ang sinasabi ng emcee na nasa harapan. Bigla namang nagpalakpakan ang mga katabi ko pati na ang mga tao. kaya nakipalak-pak nalang din ako.

Nabigla ako ng tumayo si Tatang, yung kausap ko kanina. Sorry naman, hindi ko kasi alam ang pangalan niya.

"Goodmorning. Im Helium Driffen. CEO of Majestic Incorporated. Now, behold. The new molder of our future. The Examiners!!" Tumingin siya sa amin at pumalakpak. Pumalakpak din naman ang mga tao.

Kami ba ang tinatawag niyang examiners? Ano? Examiners? Bigla namang kumirot ang ulo ko.. Ah.. Sumasakit ang ulo ko. Napahawak ako dito at narinig kong nagsalita ang babaeng nasa tabi ko.

"Ok ka lang ba?" tanong ng babaeng katabi ko.

Nakapurple dress siya na above the knee.

"Oo.. ok lang ako.." ngiti ko sa kanya..

'pero damn it! ang sakit ng ulo ko..'

"ahh.. ganon ba.. siya nga pala. Emerald Sky Freniere. You?" ngiti niyang tanong sa akin

"Serenity.. Serenity Ashford I think.."

Napa chukkle naman siya sa sinabi ko.

"As if naman di mo kilala sarili mo. Your a joker Serenity.. Lets be friends ok?"

"Ahh.. Oo.. "

"Hey, Im Samantha.. Samantha Grey.. Sam-sam nalang for short. Nickname ko.." smile nung babae na nasa tabi ni Sky

"Serenity.."

Sam-sam? san ko ba narinig yun?

Natapos ang program. Wala namang nangyari. Pinakilala lang kami. Pero, Serenity Ashford? yun nga ba ang pangalan ko.?

Nandirito kami sa isang room. Parang living room. Nakaupo kami sa sofa. Nag uusap kami ni Sky at Sam-sam. Ang dalawang lalaki naman ay nakaupo sa harap namin. Pumapagitna sa amin ang isang mesa. Nahagip ko yung isang lalaki na nakasandal lang sa pader.

'Sino kaya siya?'

Nagulat ako ng natapon ang tingin niya sa akin. Sa unang pagkakataon, nagtama ang mga mata namin. He has this strong dark aura who can make him kill you in an instant. He's presence was full of authority. Mukhang wala siyang balak iiwas ang mga tingin niya kaya nailang ako at nag iwas na ng tingin..

"Uiyy, Gio.. (Jiyo.. short for Giovanni) anong minumura mura mo jan?" tanong sa kanya ng isang lalaki na mukhang jolly.

"By the way girls, Im Van Sebastian Cast. "

"Im Emerald. Nice to meet you bro!^_^"

"Im Samantha. Sam-sam for short.. hihi^_^"

Tiningnan ko lang sila.

"Im Henry.. " sa tingin ko siya ang pinaka inosente sa kanila.

"and.. that is Hoy! Giovanni!!! umayos ka ah!.. ayun, siya si Giovanni..^_^"

Napa tss nalang si Gio.. so, Giovanni..

hmm? So his name is Giovanni..

"and whos this pretty girl wearing mattique gold gown.." tanong sa akin ni Van.

Napatingin naman ako sa kanila at.. HolyCow! kelan pa ako naging eye catcher.. nakatingin silang lahat sa akin including him.

"I-Im... S-serenity.." nauutal kong sabi..

"hmm? so, whats your gift?" tanong ni Henry..

Giovanni's World~

What is this strange feeling? Nung nagtama ang mga mata namin.

"Wake up, Gio! You're freaking out!" my mind said

As if, you're gonna help me. You are just my mind.

"hmm? so, whats your gift?" tanong ni Henry dun sa Serenity na yun.

Yeah.. kanina ko pa binabasa ang ikinikilos niya pero hindi ko talaga malaman kung ano ang gift niya. She's acting like a normal girl. Isa ba talaga siya sa examiners. And the way, Mr. Driffen talk to her. This girl must be hiding something..

'Who are you Serenity Ashford?.. Why are you making me thinking of you the way Im making right now?'

My Last SenseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon