Chapter One

190 2 0
                                    

NO PLUGGINGS|NO COMPILATIONS|NO SOFT COPIES

Chapter One

Hayyy!Good morning Philippines Umaga nanaman ano ba yan parang away ko pang bumangon. Ang sarap kasing matulog lalo na't umuulan sa labas. Anyway highway subway ako nga pala si Iyang Kin oooops wala akong lahing instik,koreano o ano pa man yan nasa bunbunan niyo sadyang nang-aasar lang talaga ang buhay kaya yan ang apelyido ko.Yang first name ko ? Masyado kasing mabait at sunod sa uso ang nanay ko kaya yan ang naisip niyang ipangalan sakin *sarcasm*

Hindi ko nga lubos maisip kung bakit yan pa ang nagustuhang ibigay saakin ni inay sa dinami dami ba naman ng pangalan diyan. Amp ang ganda talaga ng taste ng nanay ko .

Sabi naman ng mga kaklase ko bagay daw saakin kasing cheap daw ng mukha ko ang pangalan ko. Well agree naman ako sakanila 53kgs ang weig

ht ko to think na 2nd year highschool palang ako , may malawalis tambo akong buhok na may bonus pang split ends tinadtad na pimples sa buong mukha , may pares ng malaking tenga at may height na hindi mo mareach.Joke lang , basta pandak ako wag niyo ng alamin kung ano ang saktong height ko at baka pagtawanan niyo lang ako. Kung tatanungin niyo naman kung mayaman ako,hindi po isa lang akong working student though binibigyan din ako ng pera ng nanay ko yun ay kung trip niya lang , tulad na lang kahapon binigyan niya ako ng tatlong libo.

Sa paaralan kasi namin madaming rinequire na project kaya ubos ang milyon ko

Mabuti nalang talaga at sabado ngayon pwede lang akong magextend ng kaunti sa pagtulog. Maglalaba at mag-aayos pa kasi ako ng apartment dahil ilang dekada na ang nakalipas at hindi man lang dinaanan ng walis at mop ang apartment ko.

"Baby ang ganda ganda mo talaga , wala kang kasing ganda." Sabay hawak sa pisngi ko. Pero nakapagtataka ang ganda ko raw . HAHAHA nagapapatawa ba siya ako maganda o baka bulag na. Wow last joke niya na yan. Tsk! Alam ko nanaman ang trip nito,iinisin naman ako pasalamat siya't mahal ko siya ng lubusan.

*Lafang lafang lafang* tunog ng bell hudyat na tapos na ang break time

"Andros tara na baka malate pa tayo .Mapagalitan pa tayo ni Sir" Inalis ko ang kamay ni Andros at kinuha sa table ang bag ko , aalis na sana ako ng hilain niya ako .

"Iyang I'm telling the truth you're beautiful in your own little way kaya wag mong isipin na hindi ka maganda dahil lahat ng mga babae ay may kanya kanyang kagandahan hindi lang kasi naappreciate ng iba dahil napapangunahan sila ng insecurity" linapit niya ang mukha niya saakin sabay hawak naman sa mukha ko. OMG ilang inches na lang ang pagitan ng mga mukha namin nararamdaman ko na ang init ng hininga niya. Ayan na, ayan na ang kanyang kissable lips ng .....

"Iyang , bumangon ka na nga diyan at labhan mo ang lingerie ko gagamitin ko yan mamaya. Dalian mo ha" sigaw saakin ng auntie ko .

Ano ba naman yan akala ko kung totoo na kahit ba naman sa panaginip nganga parin. Masyado lang ata akong stressed kahapon at kahit anu-ano ang napapanaginipan ko . Iyang maghunus ka dili kailanman hindi magkakagusto ang isang prinsipe sa tulad mo,matuto kang magising sa katotohanan. Mas magandang tanggapin ang katotohanan kaysa sa magbulag-bulagan sa kasinungalingan. Aish truth hurts

Bumangon na ako at nag toothbrush. Psh kahit naman anong gawin ko hindi parin pumuputi ang ngipin ko. Sinungaling tong toothpaste na to kesyo raw puputi ang ngipin pag ginamit to eh walangya ilang taon ko ng ginagamit wala paring epekto.

Anyways , naligo na rin ako at nagsimula ng maglaba ng mga damit sinama ko na din ang lingerie raw ng aking auntie at ng maiseduce niya daw ang kanyang beloved husband dahil yoon na raw ang birthday gift niya rito . Syempre isa iyong kasinungalingan , may nabasa ba kayong ganun kanina? Ang tanging sinabi lang ni Auntie ay labhan ko raw dahil gagamitin niya ito mamaya.

*Whistle* Yey malapit na akong matapos maglaba what to do next? Maglilinis ng kwarto . Tumingin ako sa wall clock sa maliit na kusina sa apartment ko . 9:30 palang madami pa akong oras para maglinis at magreview mamaya.

Mga ilang oras lang at natapos na din akong maglaba at maglinis. Mamayang gabi nalang siguro ako magrereview tutal mas nakakafocus ako kapag gabi dahil tahimik ang paligid at mas fresh ang utak ko. Nahiga na muna ako para makidlip saglit pero hanggang ngayon hindi ko parin makuhang matulog , iniisip ko nanaman kasi ang prince charming ko. May pag-asa kayang magkagusto yrin siya saakin?

-End of chapter one-

Edited:February 01,2014

Ang Prince Charming Ng PangetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon