NO PLUGGINGS|NO SOFT COPIES|NO COMPILATIONS
Chapter Six
Para akong binagsakan ng langit at lupa pagkalabas ko ng NBS. Wala na ang mga librong bibilhin ko sana kinuha na ng kumag na yun.Hindi man lang talaga siya naawa saakin at ipaubaya nalang
Inikot ko ang tingin ko sa buong mall at nahagilap ko ang pinakafavorite kong parte sa mall bukod sa bookstore yun ay ang Candy crush.Talaga namang nakakakuha ito ng atensyon dahil sa makukulay na pintura nito at mapang-akit at magarbong disenyo sa labas palang
Pumasok na ako sa loob ng store, suminghap ako nakakaadik ang amoy dito kumbaga para siyang isang illegal drugs na once na natry mo na parang ang hirap ng tigilan sa sobrang sarap
Muli akong lumakad lakad,ang sarap tignan ng buong store lahat na siguro ng iba't ibang klase ng matatamis nandito na.Halos mayayaman rin ang mga pumupunta dito,nao-out of place tuloy ako
Kumuha na ako ng maliit na tray at naghanap ng budget-friendly na cupcake,isa kasi akong dakilang poorita kaya ito lang ang kaya kong bilhin sa ngayon, kapag may trabaho na ako bibili ako ng malaking cake hindi na cupcake.Hehehehe
Nagbayad na ako sa cashier at nagsimula ring i-wrap ng isa pang babae ang cupcake ko,kahit ang lalagyan bongga kaya naman tuwing galing ako rito lagi akong umuuwing may sakit,may sakit sa
bulsa
Sa 200 pesos na inabot ko sa cashier,piso nalang ang sukli ko
Naglalakad ako papuntang exit,alas tres na kasi kailangan ko ng umuwi sa bahay para makapag-ready na ako sa part time job ko mamayang gabi
Bumuntong hininga ako,malapit ng maubos ang perang binigay saakin ni inay,saan nanaman akk kukuha ng pang-kain ko araw-araw
"Wazzup Iyang" nagulat ako dahil may biglang nagpat sa balikat ko,si Gian lang pala
"Uy,Gian anong ginagawa mo dito" ngumiti ako sakanya
"Petiks lang,I'm with my team mates,ikaw?"
"Ako lang mag-isa,sige uwi na ako madami pa kasi akong gagawin" sumimangot siya,naku ang cute na nilalang
"Ay" tumabi siya saakin saka ako inakbayan
"Sige next time nalang kita ayain magdate" ginulo niya ang buhok ko at pinat ang ulo ko,ginawa pa akong aso tsk
"Date" bulong ko sa sarili ko nakaalis na kasi si Gian,gusto ko sanang sabihin kay Gian na ayaw ko kaso umalis na siya kaagad
Kahit na parang menopause si Andros hindi ko parin siya kayang lokohin no,loyal ata akong stalker
-End of chapter six-
Edited: April 04,2014
Dedicated kay Ate Mia,she's one of my favorite authors here on wattpad
BINABASA MO ANG
Ang Prince Charming Ng Panget
Teen FictionSi Iyang Kin isang babaeng laging binabangungot at nangungulangot.Mahilig magdildil ng asin pero amoy naman ay maasim.Isang nerd na wala namang braces,bookworm kuno pero isa lang naman ang libro sa shelf at higit sa lahat siya ay isang babaeng nag...