NO PLUGGINGS|NO SOFT COPIES|NO COMPILATIONS
Chapter Twelve
Monday nanaman at malapit na rin ang second periodic test namin kailangan kong mag review ng mabuti hindi pwedeng mawala ako sa top dahil baka bawiin ang scholarship ko,ayaw ko namang mangyari yun paano nalang ang future ko kung nagkataon
Naligo na ako at nagbihis ng uniform 9:00 palang 12:00 pa ang klase ko pero kailangan ko pang dumaan sa library para humiram ng mga libro,ayaw kong malate strikto pa naman ang 1st period teacher ko
Kinuha ko na ang literature book na hihiramin ko,ito nalang kasi ang kulang,nahanap ko na ang Chemistry at Algebra book
Pumunta na ako sa librarian at pinakita ang school indentity card ko at pumirma sa isang sheet
Pagkatapos kong manghiram ng libro pumunta na ako sa favorite kong spot sa friendship park,sa ilalim ng punong mangga.Linabas ko ang libro kong The Kissing Booth ni Beth Reekles,nandito na ako sa part na habang nagswi-swimming si Shely natanggal ang top niya(brassiere),nakakatawa talaga at nakakakilig ang story napapahalakhak at napapatili na lang ako ng mahina
Nagising ako ng may narinig akong halakhak ng isang lalaki,hinanap ko ang boses at nakita ko si Andros na halos gumulong sa tuwa
"Bakekang favorite mo pala ang dagang si Jerry dahil sa sobrang fan mo siya pati panty mo dinamay mo" lumaki ang mata ko sa sinabi niya,oo nga pala hindi ako nakacycling nakalimutan ko kasing labhan
"Napakapervert mo talaga,sinasamatala mo ang pagtutulog ko para masilipan ako napakawalang modo nito" ngumisi siya saakin at tumayo saka pinagpag ang pantalon niya
"Aba kasalanan ko bang nakabukaka ka habang natutulog,sino ba naman ang hindi mapapatingin sa panty mong head turner" ano daw,nakakarami na ang lalaking to
"Hindi ko rin naman kasalanang malimutan na gumamit ng cycling no" tumayo na rin ako at kinuha ang backpack ko
"Tsk,buti hindi mo nakalimutang magsuot ng underwear"pinulot niya ang bag niya at umalis pero hindi pa siya nakakalayo,bumalik ulit siya saakin at inabutan ako ng panyo
"O,ito pakipunas ang laway mong kanina pa tumutulo" I swear namumula na ako ngayon sa sobrang kahihiyan,agad akong tumakbo papuntang lavatory at nag-ayos
Grabe sobra na ito,hindi ko na ata kayang magpakita kay Andros.Sa 1% chance na magkagusto siya saakin naging .02% nalang
-End of chapter twelve-
Posted: April 6,2014
BINABASA MO ANG
Ang Prince Charming Ng Panget
Novela JuvenilSi Iyang Kin isang babaeng laging binabangungot at nangungulangot.Mahilig magdildil ng asin pero amoy naman ay maasim.Isang nerd na wala namang braces,bookworm kuno pero isa lang naman ang libro sa shelf at higit sa lahat siya ay isang babaeng nag...