Chapter Ten

73 0 0
                                    

NO PLUGGINGS|NO SOFT COPIES|NO COMPILATIONS

Chapter Ten

Alam niyo yung feeling na monday nanaman. Nakakainis no, nakakawalang gana makikita ko nanaman ang mga classmates kong wala nalang alam gawin kundi ang mambully

Naligo na ako at nagpalit baka abutan pa kasi ako ng ulan,wala pa naman akong payong dahil naiwan ko sa tricycle, si manong naman hindi man lang marunong magbalik tig-50 pesos na nga lang na payong pag-iinteresan pa, nakalagay nga pa ang buong pangalan ko dun bold letters pa. Aish ang daldal ko nahahawa na ako sa kadaldalan ni Gian

Naglalakad lang ako papuntang school walking distance lang naman kasi kaysa naman sa magsayang lang ako ng 7 pesos para sa pamasahe, ilang barnuts at choco choco din yun no

After 10 minutes nakarating na rin ako. Umupo na ako sa upuan natural alangan naman sa lap ni Gian ay shet ni Andros pala *blush*

"Ma'am may you excuse Iyang Kin pinapatawag po kasi siya ng Principal" hmmm wala namang Kin dito ah, alangan naman kasi ako eh Payne ang apelyedo ko

Maya maya pa may kumalabit saakin

"Huy tawag ka ms.kin" ano ba naman tong classsmate ko ang praning hindi naman ako si Ms.Kin

"Payne po ang apelyedo ko Miss" ngumiti ako sakanya narinig ko namang tumawa ang mga classmate ko. Ay anak ako ng nanay ko ano ba ang pinagsasabi ko

"Oops joke lang mga classmates naniwala naman kayo. Hahaha" peke yung tawa ko. Hingang maluwag sana hindi nila napansin na nagsisinungaling ako kasi naman pati sa school nagdedaydream ako,ang lakas na talaga ng tama ko,tama ko kay Andros

"Ate bakit daw po ako pinapatawag ng princepal ayy principal pala" tanong ko sa babae p.j ata ni Mr.Payne personal julalay

"Hindi ko din alam miss try mong pumunta nalang don para malaman mo" aba sumasarcastic tone si ateng

"ang sungit naman" bulong ko

"May sinasabi ka ms.Kin" wala po te

"Wala po ate kinakausap ko lang po yung i.d ko, ganda niya no" pinakita ko pa sakanya ang i.d ko

"Madaming unwanted facts ang nasa mukha ng kausap mo miss"narinig ko pa siyang tumatawa ng mahina. Mapanghusga siya, kaasar to

"Ms.Kin ano pang hinihintay mo, hindi ka pa ba papasok" nandito kasi kami sa harap ng pintuan ng office ni Mr.Payne.Gusto ko sanang paunahin siya baka kasi sabihin niyang napakabastos ko

"Baka gusto mong ako pa ang magbubukas ng pinto para sayo Ms.Kin" mahinahon niyang sabi pero halatang deep in side kumukulo na ang tiyan este ang dugo niya sa inis

Pumasok na ako nakakahiya naman kasi sakanya

"Goodmorning Mr.Payne magalang na bati ko. Tsk walang kupas ang gwapo parin hindi halatang matanda na. Sakanya din nagmana si Andros

"Yes ija, didiretsohin na kita. Gusto kong ikaw ang maging tutor ng anak ko"

Kanina ko pang gustong putulin ang sinasabi ni Mr.Payne kaso dalawang malaking papaya kulang nalang tumumbling na ako sa sobrang saya

"Seryoso po ba kayo sa sinasabi niyo Mr.Payne hindi parin kasi ako makapaniwalang ako ang kukunin niyang tutor ni Andros

"Oo naman iha may tiwala kasi ako sayo kaya ikaw ang napili ko.Ano iha payag ka ba" paano na yan kung nagkataon dalawa na ang part time job ko sa auntie ko

"Pag-iisipan ko po muna Mr.Payne"

"Sige iha hindi naman ako nagmamadali at kung sakaling papayag ka, 15,000 ang magiging sweldo mo at sa bahay ka na rin namin titira para hindi na hassle para sayo.Libre na din ang lahat"

"Naku po Mr.Payne ang taas naman po ata masyado tapos libre pa lahat"

"Tama lang yun ija,basta if ever na papayag ka just call me okay" inabot niya saakin ang isang calling card

Ito na ba ang pag-asa kong mapalapit kay Andros Payne na ultimate crush ko simula ng ipanganak ako

-End of chapter ten-

Edited: April 5,2015

Ang Prince Charming Ng PangetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon