7: Nevermind

57 2 1
                                    

Airah

Its 5:29 in the morning and Im already up.

Ang aga aga ng gising ko ngayon. Pero, sige nalang, para makahanda nalang ako agad.

Ewan ko nga kung bakit ang aga aga ng gising ko eh. Parang excited lang ako pumasok ngayon. Hayst.

Bumangon na ako sa kama ko at dumiretso na agad sa bathroom. Ginawa ko na yung daily routine ko at tuluyan nang bumaba para kumain ng breakfast.

"Goodmorning, Airah. Kakaalis lang nina Ma'am at Sir." Pagbati saakin ni Manang Fe habang paupo na ako sa upuan. Alam ko namang umalis na sina mom and dad. Pero okay lang, sanay naman ako.

"Goodmorning rin sayo, Manang Fe." Bati ko naman sakanya tapos ngumiti.

"Ay wow? Ba't parang goodvibes ka ngayon?" Tanong niya saakin at inilapag na yung ulam ko sa table sa harapan ko.

Yay! Bacon and eggs.

"Hala? Bakit? Bawal bang ngumiti Manang Fe?" Sabi ko naman at nagsimula nang kumain. Masarap talaga. Good start for my day. Mas lalong nakakagoodvibes. Yie!

"Hindi naman. Sige na at kumain ka na dyan. Ang aga mo ngayon ah." Sabi ulit ni Manag Fe habang pinapanood akong kumain. Tumabi na rin siya saakin. Kain parin muna ako ng kain.

Tumigil muna ako sa pagkain at uminon ng orange juice.

"Ewan ko nga rin po eh. Feel ko lang yata na masaya tong araw na to." Sagot ko naman.

Nagtango tango naman si Manang Fe. "Wow naman." Maikling sagot ni Manang Fe.

Sige lang, kain pa more nalang ako dito.

"Airah..."

"Po?"

"Yung si pogi pala, kagabi, bumalik dito eh." Ha? Sinong pogi?

"Luh? Manang Fe, sinong pogi?" Tanong ko sakanya at sunod sunod nang kumain.

"Yung si pogi. Yung naghatid ba sayo kahapon." Hmm. Sino ba naghatid sakin? Si Noel?

"Ah. Si Noel po?" Tanong ko.

"Oo. Siya nga. Si pogi nga."

Bakit naman siya babalik dito? Like, dumiretso na agad ako sa kwarto ko nun at nakita ko pa nga siyang umalis eh.

"Bumalik nga siya dito kagabi." Pagsasalita ulit ni Manang Fe.

"Bakit naman po?" Sa pagkakaalam ko, wala naman siyang naiwan eh. Hindi na nga siya nakapasok sa bahay.

"Hinahanap ka eh. Pinuntahan kita doon sa kwarto mo pero knock out ka na. Parang kakatapos mo nga lang kumain nun." Sabi ni Manag Fe.

"Bakit niya naman ako hinahanap?" Tanong ko sakanya.

"Ang sabi niya saakin, siya nalang daw maghahatid sayo sa school ngayon."

"HUWEH!?" Hindi ako naniniwala. Si Noel? Ihahatid ako sa school? Sus!

"Ay nako, Airah. Oo nga. Bakit?"

"Sus Manang. Wag ka ngang magjoke dyan. Hindi niya naman yun ginagawa eh."

"Hindi naman ako nagjo-joke eh. Totoo nga. Siya na nga nagsusundo sayo dun sa is-skul ninyo eh."

Hindi nalang ako nagsalita ulit at tinapos na yung kinain ko.

Inubos ko na rin yung orange juice at nagtoothbrush na sa kwarto ko.

Pababa nako ng hagdan.

Kinuha ko yung bag ko na nasa living room at sinuot na ito. Papunta na sana ako sa kitchen para magpaalam kay Manang Fe pero may biglang nagsalita.

White ButterflyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon