Premonition

474 13 5
                                    

Huni ng mga ibon. Tahimik na paligid. Mahinang ihip ng hangin. Iisipin mong iyan ang karaniwang setting sa kagubatan. Ngunit iba ang gabing ito. Tahimik ang paligid. Wala ang mga huni ng kwago o ang hangin na dumadampi sa mga dahon ng puno. Para bang pinipigil ng kagubatan ang kanilang paghinga sa magbabadyang pangyayari. Ngunit isang tingin sa kalangitan ang magpapabago sa pananaw mo. Nagkukumpulan ang mga ulap na para bang nangangalit. At kung tititig ka pa mararamdaman mo ang nanlilisik nitong mga mata na diretsong nakatingin sayo. Ito ang parte ng buhay na ayaw mong maranasan. Hindi rin nakakatulong ang madilim na kapaligiran. Mga punong nakatago sa kadiliman. Kung nasa gitna ka nila iisipin mong hindi ka nag iisa. Iyan siguro ang nararamdaman ng babaeng nakikita ko ngayon. Nanginginig siya at I swear para siyang mababaliw. Hindi ko siya masisisi kung ako ang nasa sitwasyon niya baliw na ako. Para siyang isang paranoid na tumitingin sa paligid. Para bang ini expect niya na magkabuhay ang mga puno at isa isa siyang lamunin nito. Hindi ko siya masisisi ganun din ang nararamdaman ko. Bigla na lang siyang tumakbo na para bang may humahabol sa kanya. At sa isang iglap hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Parang nagkabuhay ang mga puno. Biglang umihip ang malakas na hangin na para bang pinipigilan siyang makaalis. Kumaluskos ang mga dahon na para bang nagpupumiglas para lang maabot siya. Umalulong ang mga lobo at humuni ang mga kwago. Napakaingay ng kapaligiran. Hindi ko namalayang tinakpan ko ang aking mga tenga. Nakihabol ang ulap at nagdilim ang buong kapaligiran. Tumatakbo pa rin ang babae. Ngunit isang malakas na kulog ang pinakawalan ng langit at nawalan ng balanse ang babae. Tuluyan na siyang pinaglaruan ng kagubatan at huli na para siya ay makaalis pa. Nadapa siya at nagpagulong gulong.

PremonitionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon