Nang makarating ako sa aming eskwelahan. Nagdalawang isip ako kung bubuksan ko ang pinto ng aming classroom
"ADALIAH"
Pangalan ng section namin. Kapangalan ko. Ano bang meron sa Adaliah? Napatulala ako ng ilang minuto bago nagdesisyon na pumasok sa aming classroom. Isang typical na reaksyon ang aking nasiksihan. Maingay, magulo. Napangiti ako. Naiinis ako dati sa kanilang kaingayan ngunit sa mga munting oras na ito nagagalak ako sa ingay na kanilang ginagawa. Pandinig. Tanda na buhay pa ako. Umupo ako sa dulo. Minasdan ko ang kaguluhang ginagawa ng aking mga kaklase. Minasdan ko ang kanilang mga mukha. Isa isa. At ang tanging tanong ko lang sa sarili ko,
"May naitulong ba ako sa kanila?"
Noong araw na iyon nagdesisyon akong umalis. Pero bago ko iwanan ang aking tahanan, minasdan ko muna ang bawat detalye nito. Kung paano nakasalansan ng maayos ang mga kaldero sa kusina,mga laruang nakakakalat sa sahig at iba pang maliliit na bagay na nagdedetalye sa aming bahay. Noong araw na iyon, niyakap ko ang aking mga magulang. Mahigpit na yakap. Pinigilan ko ang mga luhang nagbabadya sa aking mga mata. Bakas sa mga mata nila ang pagtataka. Minasdan ko ang aking mga kapatid. Masaya silang naglalaro. Mag iingat kayo ang tanging naisip ko. Niyakap ko rin sila. Isa-isa. Ang mga luha kong nagbabadya ay nagsimula nang tumulo. At bago pa man sila makapagtanong, tumakbo ako palabas. Kasabay ng pag alingaw ngaw ng tunog ng pintong sinasara ang salitang
"Paalam"
BINABASA MO ANG
Premonition
Mystery / ThrillerSa mundong iyong ginagalawan ,handa ka bang malaman ang iyong kapalaran?