Chapter 9

59 3 0
                                    

Mahapdi ang aking mga sugat. Hindi ako makapaglakad. Sa mga puntong ito gusto ko ng sumuko, pero bakit patuloy pa rin akong gumagapang? Tama nga siguro sila, nature ng tao ang tumakbo sa problema kaya eto ako ngayon patuloy na gumagapang matakbuhan ko lang ang nagbabadyang mangyayari.

"Maging matapang ka sa lahat ng oras adaliah,"

Rick. Naalala kong sinabi niya bago siya mamatay. Kung nandito ka lang sana rick. Sa mga oras na iyon biglang umihip ang malakas na hangin. Wala na akong oras. Kailangan ko ng maging matapang. Salamat rick, salamat. Sa puntong ito sinubukang tumayo ngunit bumagsak pa rin ako. Isa lang ang paraan, gamit ang natitira ko pang lakas, nagsimula akong gumapang. Patungo sa huli kong destinasyon.

PremonitionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon