Chapter 8

83 6 1
                                    

Nagsimula ng umagos ang aking mga luha ang mga bawat patak na naglalaho ay katumbas ng mga pangarap na unti unting nawawala. Katumbas ng mga taong mahal ko. At katumbas ng mga ngiti ng kaibigan ko ng sabihin nila ang salitang "ok lang".

May magagawa pa ba ako?

Ang tanging naitanong ko. Isa lang ang paraan, tumakbo ako. Tama, tumatakbo na rin ako sa problema,sa opurtunidad at sa buhay. Tumatakbo ako sa lahat ng pwede pang mangyari. Narating ko ang isang kagubatan malapit sa amin. Napatigil ako. Hindi ako maaaring tumakbo habang buhay kailangan kong harapin kung ano man ang mangyayari. Tumakbo ako, hindi dahil sa problema kundi dahil sa mga punong bumubulong.

"Adaliah"

"Adaliah"

Mas binilisan ko pa ang takbo at di ko napansin ang isang kahoy na nakaharang. Napatid ako at nagpagulong gulong. Naramdaman ko ang paggasgas ng aking mga tuhod sa mababatong lupa ng kagubatan. Bawat gasgas na aking nararamdaman ay katumbas ng mga taong nakitaan ko ng kanilang kapalaran. Sorry Rick, di ko natupad ang aking pangako. Bumagsak ako pero pinilit kong makatayo. Ngunit di ko pala kaya. Napilayan ata ako. Bumagsak lang ako ulit at naramdaman ko ang hapdi ng aking mga sugat. Napaiyak ako sa sakit. Napakapit na lang ako sa damuhan at nabanggit ang mga salitang

"Damn it"

PremonitionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon