Hindi ko maipinta ang mukha ng babae pagmulat ng aking mga mata. Pinunas niya ang aking mga luha. Bakas sa mga mata niya ang pag aalala.
"Naiintindihan ko" malungkot na tugon niya. Pinilit kong ngumiti habang pinupunas ang aking mga luha.
"Huwag po kayong mag alala, na touch lang ako sa kwento ninyong dalawa"
"Naming dalawa?" takang tanong niya.
"Love story po ng asawa ninyo"
Ngumiti siya at kumislap ang kanyang mga mata na para bang batang sabik na sabik sa ibibigay na kendi.
"Pano kami magkikita?"
"Anong itsura niya?"
" Mabait ba siya?" sunod sunod na tanong niya.
Ngumiti lang ako at sinimulang ilahad ang aking nakita. Tinapos ko ito sa pagpapalitan nila ng I do.
"Anong nangyari pagkatapos ng I do?" tanong niya.
"Time will only tell" nakangiting sagot ko sa kanya.
Nakangiting umalis ang babae at katumbas ng ngiting iyon ang bigat na dala ng nakita ko. Isa na namang masaklap na kapalaran. Dagdag sa bigat sa aking dibdib. Anong nangyari pagkatapos ng I do?
BINABASA MO ANG
Premonition
Mystery / ThrillerSa mundong iyong ginagalawan ,handa ka bang malaman ang iyong kapalaran?