Chapter 3

125 10 2
                                    

Ramdam ko ang pawis sa aking mga noo. Panaginip lang pala. Walang mamatay pilit kong pinaniniwala ang aking sarili. Ngunit nanginginig pa rin ang buo kong katawan. Isa na namang pangitain. Nagtungo ako upang buksan ang mga kurtina. Dumampi ang mainit na sinag ng araw sa aking balat. Bumalot ito sa akin na para akong niyayakap. Umihip ang hangin na nagpagaan sa nanginginig kong katawan. Parang itong bumubulong na nakakapagpakiliti sa aking tenga. Mula sa itaas naamoy ko ang mabangong amoy ng nilulutong ulam. Nagprotesta agad ang aking sikmura. Gutom na ako. Lumingon ako papuntang pintuan at sa tabi noon makikita ang aming family picture, napakasaya namin doon ang sarap titigan. Bumaba ako at narinig ang masayang usapan ng aking pamilya, binati nila ako ng magandang umaga. Pandama, pang amoy, paningin, panlasa at pandinig. Mga senyales na buhay pa ako. Tama buhay pa nga ako.Pagbukas ko ng pinto, sumalubong agad sa akin ang pangkaraniwang gawain ng mga tao. My nagdedeliver ng dyaryo, nagdidilig ng halaman, busina ng maiingay na sasakyan at syempre meron ding nag tsi tsismisan. Sinundan ko ang linya ng aming kalsada. Kabisado ko pa ang mga linyang ito." linya ng kamatayan". Napalingon ako sa boses na aking narinig ngunit walang tao sa likod ko. Mag isa lang akong naglalakad. " Adaliah? " napatalon ako sa boses. At sa pagkakataong ito may tao na sa harapan ko. " Ung fortune teller?" Nagulat ako sa kanyang sinabi. Bilang lang ang nakakaalam ng sikreto ko. Mga iilang kaibigang pinagkakatiwalaan ko. Ngunit patay na sila ngayon. Namatay sila dahil saken. Tandang tanda ko pa ang takot sa kanilang mga mata ng sabihin ko ang kanilang kapalaran. Ngunit nagkunwari silang matapang at sinabing tao ang gumagawa ng kanilang kapalaran. Pero hindi pumapalya ang aking mga pangitain ,isa isa nila akong iniwan.

PremonitionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon