Nakarating ako sa isang lumang factory. Napangiti ako, tugmang tugma talaga ang lahat ng pangyayari. Di ko akalaing ito ang huling imahe na aking makikita. Ganto pala ang pakiramdam ng......
Naramdaman ko na lng ang biglang pagtuhog ng mga bakal sa aking ulo. Wala na kong maramdaman. Tanging ang buwan lang ang aking nakikita. Ang liwanag. Unti unting nadampian ng mga dugo ang aking paningin, hanggang unti unti na tong lumalabo.
Tama, ako nga ang babae sa aking panaginip, nang oras ng magtugma ang aming mga mata nakita ko ang sarili ko sa kanya, nakita ko ang sarili kong kamatayan. Hindi ko lubos akalain na ito ang magiging huli kong premonition, pero sa wakas tapos na ang aking paghihirap. Wala ng premonition. Wala na. Naalala ko na lang ang masasayang araw namin ng aking mga kaibigan. Kung paano nila ako kinukulit, kapag ayaw kong makipag usap, kung paano ako na late noong first outing namin. Lahat un ay ala ala na lng ngaun. Mga ala ala na unti unti ng nabubura sa isipan ko. Sa pagtiklop ng aking mga mata, tanging ang buwan lang ang makakakita. Unti unting nag dilim ang paligid at para bang bumalik sa akin ang memorya ko nung nalate ako sa outing.
"oh si adi, late na naman oh" buska ni kent
"naku may ginawa na naman kyo ni rick no?" sabi naman ni gail sabay bump saken
" hay naku tara na nga, excited na ko sa swimming eh" sabad ni lloyd
"oh ano tara na?" nakangiting tanong ni rick sabay lahad sa akin ng kanyang mga kamay
Napangiti ako, at sa pag abot ko ng kanyang mga kamay binitiwan ko ang mga salitang
"Tara na"
BINABASA MO ANG
Premonition
Mystery / ThrillerSa mundong iyong ginagalawan ,handa ka bang malaman ang iyong kapalaran?