Bumagsak ang lalaki na sinundan ng sigawan. Agad na lumuhod ang babae para sumaklolo sa kanyang asawa. Ang kasiyahang kanyang nadarama ay unti unti nang napalitan ng pag aalala. Ang mga labi ng lalaki na dating namumula ay unti unti nang nangingitim. Niyakap siya ng babae, ramdam niya ang pulso ng kanyang asawa na unti unti nang nawawala.
"I......" pinilit ng lalaking magsalita ngunit hindi na siya pinahintulutan ng kapalaran. Nawalan na siya ng buhay. Ang mga salitang gusto niyang sabihin ay mananatili na lamang na isang misteryo sa buhay ng babae. Isang puzzle na kailanman ay di na niya pa mabubuo. Nagsimulang umagos ang luha ng babae. Bawat patak ay katumbas ng mga pangarap nila na unti unting nabubura. Niyakap niya ang kanyang asawa na ngayon ay isa nang malamig na bangkay.
5 months
Ang sabi ng doctor na itatagal ng buhay ng lalaki. 5 months after that day ikakasal na siya. Sa mga oras na iyon, isa lang ang tangi niyang hiling. Makaabot sa kasal nila.
"Bakit ako pa?" Ang tanging tanong niya ng nakatulala siyang lumabas ng Hospital.
"BAKIT AKO PA?" pabulong kong tanong sa aking sarili. Ayoko na. Sa mga ganitong pangyayari ko naaalala kung gaano kasaklap ang sitwasyon ko. Sa mga oras na kamatayan lang ang nakikita ko. Oo nga, madaming masasayang pangitain ngunit sa oras na dumating ang masasaklap na parte,ang pagkamatay ng mga tao, nawawala lahat ng magagandang part. Parang isang makulay na masterpiece na binuhusan ng kulay itim. Matatakpan lahat, walang matitira kundi itim. Naiipon sila sa loob ko, araw araw nadadagdagan. Sa gabi bumabalik silang lahat na para bang kahapon lang nangyari. Mga taong walang mata, walang ulo, labas ang utak, isipin mo na ang lahat. Kung ikaw ang nasa sitwasyon ko ,gugustuhin mo bang maging fortune teller?
BINABASA MO ANG
Premonition
Mystery / ThrillerSa mundong iyong ginagalawan ,handa ka bang malaman ang iyong kapalaran?