Chapter 2

196 9 3
                                    

Sa mga mababatong lupa na nakikita ko, ang pinakahuli mong gustong maranasan ay magpagulong gulong dito. Naaawa ako sa kanya nakita ko nakita ko ang mga luha na nagbabadyang tumulo sa kanyang mga mata.Halatang pinipigilan niyang umiyak. Sinubukan niyang tumayo ngunit bumagsak siya uli. Nakita ko ang pagkainis sa kanyang mukha. Sinubukan niya ulit ngunit hindi niya talaga kaya. Sinuntok niya ang damo sabay sabing "damn it ". Sa mga oras na ito gusto ko ng tumakbo sa kanya at sabihing tama na. Ngunit hindi sumusunod ang aking katawan. Isa lng akong audience na kailangang panoorin ang kanyang paghihirap. Nagsimula na siyang gumapang at ang pagkainis sa kanyang mga mata ay napalitan ng determinasyon. Humanga ako sa kanya ngunit ang paghanga ko ay napalitan agad ng pagtataka. Sinubukan niyang umupo, halata sa kanyang mukha ang hapdi na dulot ng kanyang pagkilos. Lumingon siya sa paligid at did I just saw her smile? Then , napalitan agad ito ng lungkot at ang luhang kanina niya pa pinipigilan ay nagsimula ng tumulo. Sumabay rin ang pagpatak ng ulan at pagtahimik ng kagubatan. Umihip ang hangin. Malungkot ang tunog. Para bang nakisabay sa kanyang pag iyak ang buong kapaligiran. Umagos na rin ang aking mga luha. Nakisabay sa pagdadalamhati sa mapanghusgang mundong ating ginagalawan. At sa oras ng pagdadalamhati ng lahat , isang pangyayari ang di ko inaasahan. Nagdesisyon na ang kapalaran. Sa ulo ng babae nakaturok ang isang bakal tumagos iyon sa kanyang noo. Ang mga luha niya ay nahaluan ng dugo. Nanigas lng ako sa nangyari di ko alam ang gagawin ko napahawak na lang ako sa aking bibig at nang oras na humarap siya sa akin.......sa mumunting oras na nagtugma ang aming mga mata..,

Napasigaw ako.

PremonitionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon