Nasaksihan ko silang mamatay isa isa. Sinubukan kong hamunin ang kapalaran ngunit sa huli nabigo ako wala akong nailigtas sa kanila. Kahit ang aking boyfriend. Simula noon pinangako ko na sa sarili ko na wala na akong hahahawakan pang ibang kamay. Natuto akong dumistansya sa iba. At ngayon itong babae sa harap ko.........biglang humawak ang babae sa aking mga kamay. Napapikit ako at naghanda sa maaari kong makita. Bumilis ang ikot ng mundo na para bang nasa isa akong space warp. Blanko ang lahat sa simula, hanggang unti unting nagkakulay ang lahat parang isang litratong dinideveloped. Namula ako sa nakita ko, isang lalaki ang nakatayo sa harap ko. Gwapo siya. Mula sa mapupula niyang mga labi, matangos na ilong, mapupungay na mga mata at samahan pa ng kanyang buhok na para bang nakadisenyo para lang sa kanya. Ang babaeng nagpapahula sa aken at ang lalaking ito ay naglalakad patungo sa isang intersection. Sa isang intersection sa loob ng isang minuto magkikita ang landas nila. Awkward!!! Nagkatitigan sila, parehas namula. Cute ^_^. At sa isang minuto nabago ang buhay nilang dalawa. Bumilis ang mga pangyayari . Pinilit kong makasabay. Para akong nakafast forward 8x. Hanggang sa nakatayo na lang ako sa isang simbahan. Hindi ko mapigilan ang mapangiti dahil ilang lakad lng sa kinatatayuan ko. Ikakasal na ang dalawa. Sila pala ang mag kakatuluyan. Bakas sa kanilang mga mata ang kaligayahan at paminsan minsan nasusulyupan ko silang ngumingiti na parang teenagers. Sana naranasan namin ito ng boyfriend ko. Sana hindi siya namatay. Napapikit ako sa sakit ng maramdaman kong tumusok sa akin ang aking mga kuko. Di ko namalayan na tinikom ko ang aking mga kamay ng sobrang higpit. Bago ako tuluyang umalis sumalyap muna ako sa dalawa at sinigurong makatalikod bago mag palitan ang dalawa ng I do.
BINABASA MO ANG
Premonition
Mystery / ThrillerSa mundong iyong ginagalawan ,handa ka bang malaman ang iyong kapalaran?