Meeting 15: Her Playboy Cousin

71 3 0
                                    

Meeting 15: Her Playboy Cousin

~*~

SKY

Nagising ako mga bandang ala sais pa ng umaga. Kumakalam na ang tiyan ko kaya naman bumaba na ako sa kusina para kumain ng kung anong niluluto ni Manang. Naalala kong wala pala si Manang kahapon dahil may inasikaso daw. Ewan!

Pagkarating ko ng kusina, nadatnan ko si Manang na naghihiwa ng bawang at sibuyas.

"Good morning po!" Bati ko sa kanya na ikinatigil niya.

"Oh iha good morning din. Ayos na bang pakiramdam mo? Wala ka na bang lagnat? Sabi ng mama mo may lagnat ka kagabi e?" Sunod sunod niyang tanong sa kin.

Lagnat?

 Ngayon ko lang naalala. Yung mga babaeng yun! Urrrrrgggh humanda sila! At tsaka si .. si .. 

 Cloud .

 Pakiramdam ko namula ako ng naisip ko ang pangalan niya.

Siya yung nagligtas sa akin kahapon. Uwaaaaaaaah. Baka kung ano ano na ang pinagsasabi ko sa kanya kahapon . >////< Uwaaaaah nakakahiya! At tsaka .. tsaka .. yung binuhat niya ako .. at tsaka ..

"Iha ayos ka lang? Namumula ka ata? May lagnat ka pa ba?" Sabi ni Manang tsaka lumapit sa akin at sinapo ako sa noo.

"Wala naman ah. Bakit namumula ka?" Nagtataka niyang tanong.

"Ho? Ah kase po nagugutom na ako eh." Pagdadahilan ko naman. Namumula? Ako? Di ah! Asa naman akong kikiligin ako noh!

"Ganun ba? Sige umupo ka na at nang maipaghain na kita." Sabi niya at nagtungi na sa niluluto niya.

"Sige po." Sabi ko. 

Jusmiyo. Bakit ko pa ba inaalala ang mga nakahiyang pangyayari kahapon?! Magtathank you nalang ako kay Cloud pagkarating ko mamaya. Haaaaays . Nagugutom na talaga ako. Haaaaaaaay buhay.

Sinabi na rin ni mommy na si Cloud ang nagdala sakin sa bahay. At tsaka pinangaralan ako ng bongga. Kesyo bakit daw ako nagpabully dun sa mga babaeng yun at bakit daw naiwan ko ang cellphone ko. Sorry na, naging tanga lang!

Patay! Ang dami ko na tuloy utang kay Cloud! TwT

Papasok na ako ng room ngayon at sa kasamaang palad, nandun na si Cloud. Nakasubsob sa desk niya at nakasalampak ang headset. 

Dahan-dahan akong lumapit sa upuan ko na katabi lang ng sa kanya. Tahimik lang ang buong klase. Ayaw siguro nilang gumawa ng ingay para magising si Cloud. Ako rin. Ayokong mag-ingay dahil baka .. baka ..

"Bakit ba nagtitip-toe ka diyan ha tanga?" Sabi niya out of nowhere.

Patay!

Hindi ko muna siya sinagot. Malay mo iba ang sinasabihan niya?

"Sino pa ba ang nag-iisang tanga sa skwelahang ito ha?" He said again in a rusky voice. Yung parang bagong gising?

"Hindi naman ako yung nag-iisang--" Napasapo na lamang ako sa bibig ko. Ang daldal ko talaga. Ngayon alam na niyang nandito talaga ako. TwT Patay!

Inangat niya ang ulo niya kaya naman napatingin ang buong klase sa amin. 

Messy brown hair na ng bagong gising, green charming eyes, silver headset, at mukhang napaka-gwapo .. 

Bigla akong napaiwas ng tingin. Ano ba tong iniisip ko?! Imposible!

"Talaga lang ha?" Sabi niya at bigla siyang tumayo saka lumapit sa akin. Napatingin naman ako sa kanya. Please wag niyo siyang hayaang ipahiya ako Lord!

He Meets SheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon