Meeting 17: You want to get Married?!

88 3 0
                                    

Meeting 17: You want to get Married?!

~*~

SKY

Dalawang oras ang itinagal ng aming pag-uusap. Lahat talaga kami nagulat sa lahat ng pwedeng gawin ni Pale. Kaya pala hindi ko nakikita ang papa ni kapre ni minsan dahil pala wala na to. Siguro napakasakit para sa mama niya na makita ang asawa niya na ganun. Hindi man ito ang totoong papa niya pero katawan nito ang ginagamit ni Pale. Masakit makita na ang minsan na minahal mo ay kalaban na ng lahat ngayon. 

Naglalakad kami ng magaling kong pinsan ngayon papunta sa parking lot. Pina-uuwi na kasi ni maam ang lahat matapos ang nangyari sa training grounds. 

"Nakakainis ka kuya! Hindi mo man lang sinabing darating ka!" Pagmamaktol ko sa kanya. 

Nakakainis lang naman kasi kase kahit na gagraduate na ako at magtatake-over na sa mga business ng family namin, heto parin siya gaya ng dati, babaero at kung anong gusto niyang gawin, gagawin niya. -__-

"Ano ka ba naman insan! Ayaw mo bang nandito ako?" Sabi niya ng nagpa-puppy eyes na parang tanga! Hindi bagay!

"Yung totoo? A—"Sasabihin ko na sanang ayoko talaga kaso huminto siya sa harap ng isang itim na motorsiklo at tsaka sumakay doon. Napataas na lamang ako ng kilay.

"Yan ang sasakyan natin?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi ko dinala yung kotse eh. Nagmamadali kasi ako kanina." Sabi niya.

"Eh .."Nag-aalangan talaga akong sumakay dun. Eh baka mahulog ako eh! Tanga kase ako minsan. Minsan lang no!

"Sasakay ka ba o iiwan kita diyan?" Taas kilay niyang tanong sakin.

"Oo na,  oo na!"

Mabilis lang kaming nakarating sa bahay. Umakyat muna ako sa kwarto ko para magbihis. Ipinagluto naman siya ni Manang. Tsk. Ang siba talaga ng niya kahit kelan!

Pagbaba ko ng hagdan, kumakain na siya.

"Wow Manang! Kahit kelan hindi kayo kumupas sa pagluluto!"

"Hahaha. Ikaw talaga iho! Kumain ka nga lang at ubusin yan." Natatawang sabi niya.

"Ang siba mo lang eh! Tsk." Napalingon siya sa akin ng may laman pa ang bibig. Ngumiti muna siya bago nagsalita.

"Eh sinong mas masiba sa'tin? Ikaw nga tumaba ka!"

"Hindi ah!" Tinignan ko ang sarili ko. Hindi ako tumaba noh! Asa namang tataba ako! Pinagloloko lang ako neto eh!

"Bakit ka nga ba pumunta dito ha? Alam kong hindi yun dahil sa'kin."

Biglang sumeryoso ang mukha niya. Si Manang naman sumenyas na may gagawin pa daw siyang labada kaya ayun, umalis sa kusina.

"I came here for good."

"What do you mean?" Naguguluhan kong tanong sa kanya.

"I'm 19 years old Sky. I run our business company in the States and Europe. Everything is almost perfect .." Sabi niya na diretso lang ang tingin.

Oo, lahi kami ng mga maykaya. Yes, you heard it right. At the age of 16, ang pinsan kong yan ang namamahala sa company nila sa States at Europe kaya nga after 3 years, di ko akalaing babalik pa siya dito. I thought he already started his life there.

"Yan naman pala eh! Bakit ka pa bumalik dito?" Lumingon siya at kunot-noong tumingin sa akin.

"Ayaw mo ba talagang nandito ako? Nakakadown ka naman .." Ang mukha niya, parang iiyak na naman. Haaaays.

"Oo na, joke lang eh. It seems like everything was perfect for you, bakit ka pa bumalik dito?" Napatungo lamang siya at tsaka nagsalita.

"Yes, everything was perfect. But it seems like, something is lacking .. someone is missing." Bumalik na naman siya sa pagkain niya. Ano na naman bang drama ito ng pinsan ko at may pa-someone-someone pa siya? Kung babae lang naman ang gusto niya, maramin naman diyan ah?!

"Someone? If you mean it's a woman, maaari ka namang humanap kahit saan ah! Sa gwapo mong yan?" Sarcastic kong sabi sa kanya. Natatawa ako sa drama niya.

"Isa nalang talaga at maiisip ko nang wala kang pakealam sakin. Ang sakit nun." Binalik na naman niya yung mukha niya kanina pero ngayon, natatawa mismo siya sa ginagawa niya. Adik talaga!

Pero kahit ganito ako, alam niya kung ano ba talaga ang ugali ko. Ganito lang talaga ako makipag-usap sa kanya. Magsasalita na sana ako ng bigla siyang nagsalita .. leaving me open mouthed.

"I realized that I was never really happy when I had relationships with any girls. It always feels empty .. I want to .. to marry." He said while he stares at me.

Mali lang ang nadinig ko di ba?

"You what?!" Mali lang talaga. Ang babaerong to? As in? For real?

"Bingi ka ba o bingi lang talaga?"

"Ano nga yun sabi eh!"

"I said I want to settle down and marry!"

Tumawa ako sa sinabi niya. As in natawa ako. Never kong inisip na titino pa talaga itong pinsan ko. As in never! Noong nasa middle school palang kami, papalit-palit siya ng girlfriend niya. Para ngang araw-araw eh may bago! Ganun siya kalala. Pero ngayon, after all these years? 

Napatigil ako sa pagtawa ng seryoso siyang tumitingin sa akin.

"Ah eh--" Naiilang naman akong tumigil.

"Kaya naman, tutulungan mo ako." Ano?!

"Ha? Bakit naman ako?! Alam mo namang wala akong alam sa mga ganyan e! Pero kuya, seryoso ka talaga sa sinabi mo? Hindi ka nagbibiro? As in for real? Mag-aasawa ka na? Wala nang bawian?"

Seryoso siyang tumingin sa akin. Nako, lagot ako neto. Nasabi ko na ba sa inyo na kung anong gusto niya, gusto niya itong matupad. Tsk. Haaaaays. Problema na naman ito oh!

"E hindi ko alam kung may papatol pa ba sa play boy eh?!" Nagpipigil talaga ako sa tawa ko. Hindi talaga ako makapaniwala sa narinig ko ngayon.

"Tsk. Kahit kelan hindi ka pa rin nagbabago." Sabi niya tska nilagay niya ang piangkainan niya sa lababo. 

"Haha. Masanay kana. Teka na kuya, diba tapos ka na sa kurso mo? Bakit ka nag-aral ulit? At sa school ko pa?" Tsaka ko naalala na na may kapangyarihan din pala siya. Mula noong bata pa kami, nung naglalaro kami, nadeskubre naming may kaangyarihan  din siya katulad ko. Kaso lang, nung lumaki kami ipinahandle ng parents niya ang kompanya nila kaya naman sa States na siguro niya hinasa ito at naging S rank.

"It's because of that Autumn Moon." Seryoso niyang sabi. Ahhhhhh. "Kilala mo si Raven?" Dagdag niya.

Teka?!

 "Huwag mong sabihin na siya ang gusto mong mapangasawa?!"

"Eh pano kong siya nga? She seemss so interesting in a way. She's kinda like you." Nako naman oh?! Anong interesting interesting ang pinagsasabi neto?! Si Raven? Si Cloud yung gusto nun eh?!

"Ano?! Hindi kami close at tsaka alam ng lahat na mahal na mahal niya si Cloud!"

"E di gagamitin ko yung charms ko!" Then he gave me his infamous smile.

Asan ako? Ayun, NGA NGA.

He Meets SheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon