Rich
Its already Midnight nang nag text siya saakin birthday daw ng nakababata niyang kapatid at iniimbitahan niya ako. Kinabukasan ay nagisip agad ako ng ireregalo ko sa kapatid niya, nabanggit kasi niya saakin na ito ang dahilan kung bakit siya sumali ng singing contest kahit ayaw niya, nangako kasi siya sa kapatid niya na bibigyan niya ito ng isang laptop sa tenth birthday nito. Dahil sa wala akong naiisip na maireregalo ay naalala ko na naikwento niya pala saakin na mahilig pala sa libro ang kapatid niya kaya sa huli ay napag desisyunan kong regaluhan nalang siya ng The Maze Runner dahil mahilig daw ito sa science fiction.
Pasado alas diyes ng umaga ng daanan ako ni Austyn sa bahay sanabihan niya kasi ako na wag na daw akong magpahatid sa driver namin at baka mawindang daw ang magulang at kapatid niya tutal ay saglit lang naman kami at ihahatid niya naman ako pauwi. Kinatok ako ng kasambahay namin upang sabihin na nariyan na siya sa baba agad naman akong nagbihis at sandaling nag ayos isang Navy Blue Floral Print dress ang napili kung suotin at pinartneran ko nalang ito ng isang white gladiator sandals. Pagkababa ko ay prenteng nakaupo si Austyn sa sala namin habang ang mga dalaga naming kasambahay ay pasimpleng nag papacute sakanya, hindi man lang nahiya tong mga to at dito pa nagkalat pagkababa ko ay agad din silang nag si alisan.
"Kanina ka pa ba sorry natagalan ako" salubong ko sakanya. Agad naman siyang tumayo pagkakita saakin at ngumiti showing his dimples again.
"Nope kararating ko lang, ok lang naman alam ko namang matagal mag ayos ang mga babae" aniya. Kaagad din naming napagpasyahang umalis dahil kelangan naming makarating si bahay nila bago mag alas dose. Buong akala ko ay maydala siyang kotse ngunit wala naman pala kaya nagtaka agad ako kung paano kami makakarating sakanila.
"San tayo sasakay?" nagtatakang tanong ko sakanya. Isang ngiti lamang ang binigay niya saakin at saka ay hinigit niya na ako palabas ng village namin.
"Mahal na prinsesa ipagpaumanhin niyo po na wala akong magarang sasakyan para isakay kayo, pero nakikita mo ba yan ang tawag jan ay Jeep o Jeepney sa ingles jan tayo sasakay dahil alam kung di ka pa nakakasakay jan wag ka ring mag alala dahil safe jan akong bahala sayo" natawa nalamang ako sa paraan ng pagpapaliwanag niya alam ko naman na jeep ang tawag jan hindi naman ako ganoon ka ignorante kaso nga lang ay tama siya na ngayon lang ako makakasakay jan. Ngumiti lamang ako sakanya at binigay ang kamay ko bahala na, siguro ay safe naman ito gaya nga ng sabi niya siya ang bahala saakin.
Sa may bandang unahan ako umupo at nasa tabi ko naman siya sabi niya saakin ay mas safe daw dito bukod sa wala akong makakatabi ay madali ring bumaba. Hindi ko inexpect na ganito pala dito masikip mainit at siksikan pero kahit papaano ay nag eenjoy ako sobrang random kasi ng tao rito may ibang simple lang at ang iba ay mukhang may kaya sa buhay base na rin sa suot nilang damit at gadgets na dala nila. Wonder if my mom and dad ride this thing before kahit nga siguro si kuya ay hindi pa nakakasakay sa ganito mas maarte pa kaya iyon saakin. Halos 30 minutos din ang inaabot namin dahil sa traffic pero kahit papano ay worth it ito dahil for the first time naranasan kong maging normal na tao.
"Ok ka lang ba?, hindi ka ba nahirapan hayaan mo mamaya ay mag tataxi na tayo" nagaalalang tanong niya saakin pagkababa namin.
"Ano ka ba I'm fine in fact nag enjoy ako that was my first Jeepney ride be thankful dahil ikaw ang kasama ko" nakangiti kong sabi sakanya. Nawala naman ang mukha niyang nagaalala at napalitan ito ng isang ngiti.
"Buti naman, but you should thank me for letting you experience it" nakangiting niyang sabi saakin.
"Ok fine, thank you. Pwede bang umulit ulit tayo mamaya?" tanong ko sakanya. Nagulat naman siya sa tanong ko at biglang natawa.
"Hayy, alam mo bang kinabahan ako dun dahil akala ko nahirapan at napilitan ka lang kanina. Pero sige na nga since nag enjoy ka naman yun ulit ang sasakyan natin mamaya." sagot niya saakin. Kaagad namang nagliwang ang mata ko sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
The Chasing Game (Game Series 1)
Teen FictionTeala Beatrix Cohen,perpekto para sa lahat ng nakakakilala sakanya, looks, wealth and attitude she got it all. And because she's perfect she also need someone who's perfect as her. Paano kung mahulog siya sa isang taong kabaliktaran niya a boy who o...
