Chapter 27

29 0 1
                                    

Sakit



"Ms. Ela may bisita po kayo" tawag ni Sofia saakin mula sa intercom.

"Sino ba iyan?" tanong ko sakanya.

"Ms.Sue Beckett daw po" tugon niya saakin. Pagkapasok ni Sue ay dinamba niya agad ako ng yakap.

"I miss you Ela, akala ko ay hindi ka na uuwi pa dito" kaagad ko naman siyang yinakap pabalik. I really do miss her too.

"Akala ko ba ay sa susunod pa na araw ang uwi mo?" taka kong tanong sakanya, sumalampak muna siya sa sofa bago ako sinagot.

"Dapat pero dahil namiss kita at marami ka pang dapat ikuwento saakin ay umuwi na ako ng maaga "binigyan niya lamang ako ng it's your promise me na tingin. Napa irap na lamang ako dahil dito.

"Why couz ayaw mo ba akong makita?" mahihimigan mo ang pagtatatampo sa kanyang boses. Agad naman akong napailing dahil doon.

"Hindi naman sa ganoon Sue, of course i want to see you" kaagad namang napalitan ng ngiti ang kanyang labi. Kahit kailan ay hindi na talaga siya nagbago.

"So how was your new office and your new work" nakangiti niyang tanong saakin.

"Its fine, nakakapanibago pero ok naman"

"E, Si Austyn nagkita na ba kayo?" isang makahulugang tingin ang ibinigay niya saakin. Ipinagkibit balikat ko nalamang ito.

"Oo nagkita kami" simpleng sagot ko sakanya.

"Anong nangyari?" tanong niya muli saakin habang hindi pa rin inaalis ang mapanuri niyang tingin.

"Wala" naningkit ang mga mata niya sa simpleng sagot ko. Tila ba hindi ito ang gusto niyang marinig mula saakin.

"Yun lang di man lang kayo nag usap?" disappointed niyang sabi.

"What for, boss niya ako at artist siya under my company. Ano bang dapat naming pag usapan bukod sa gig nila at albums" natahimik siya sa sinabi ko at napaisip.

"I thought his mad at you for leaving without explaining" masking ako ay natahimik at napaisip dahil doon, kaagad ko namang inalis ang idea sa aking utak at sinagot siya.

"Maybe noon pero iba na ngayon its been four years Sue, he already move on" sagot ko sakanya.

"E, ikaw naka move on ka na ba?" diresto niyang tanong saakin. Kaagad naman ako umiwas ng tingin sakanya bago siya muling sinagot.

"Of course its been years, I should move on" mas lalo niya lamang akong pinagtaasan ng kilay tila ba ay may mali yung sagot ko sakanya.

"You should? My question is do you hindi ko tinanong kong dapat ba mo bang gawin o hindi" pinaningkitan niya lalo ako ng mata. Napabuntong hininga nalang ako sa tanong niya at tuluyan ng hindi nakasagot. Agad naman siyang umiling iling dahil dito.

"That's bad Ela. Masasaktan ka lang" umiwas muli ako ng tingin sakanya at pinokus nalang ang aking sarili sa weekly report na kanina ko pa sinusuri pretending that I was busy. Napabuntong hininga na lang siya sa inasal ko at tuluyan ng tumayo sa kanyang kinauupuan at lumapit saakin.

"Alright I think I should go now, magpapahinga muna ako." paalam niya saakin. Agad naman akong ngumiti at tumango sakanya. Bago pa siya tuluyang makalabas ng pinto ay muli niya akong dinungaw.

"I'm not yet done Ela marami ka pang dapat ikuwento saakin, Chao!" pagakalabas niya ay isang malalim na pahinga ang aking pinakawalan.
Kaagad kong binalikan ang article na kinana ko pa binabasa at muling tumitig dito. I guess Sue was right I need to move on its not healthy for me kung pa tuloy pa akong maapaketuhan ng lahat ng nangyari noon. I'm the boss here I should act like one. Sunubsob ko ang ulo ko sa aking desk at dun ay sandaling pinikit ang aking mga mata. Its been a week simula noong nakabalik ako rito ngunit pakiramdam ko ay halos taon na ang lumipas. I suddenly miss Paris. At muli ay napabuntonghininga na lang ako.

Sana ganoon kadaling ibalik ang lahat, yung mga oras na masaya pa kami, yung mga oras na ako pa ang mahal niya. Sana pagkagising ko ay wala na lahat ng sakit at pagmamahal ko sakanya, sana ay ganun kadali iyon. Muli kong tinitigan ang larawan sa aking harap, noon ay iniisip ko kung kaya ko ba siyang makitang may kasamang iba akala ko kaya ko, akala ko madali lang ang lahat, Isang butil ng luha ang bumagsak sa aking pisngi, hanggang sa sunod sunod na itong bumuhos, napahigbi nalang ako dahil sa bigat at at sakit na nararamdaman ng aking puso at Paulit ulit pinaalala sa aking sarili ang dahilan kong bakit ko ito ginawa. Kailan pa kaya darating ang araw na hindi ko iyon pagsisihan kahit na alam kong iyon naman ang tamang gawin.

The Chasing Game (Game Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon