Chapter 31

30 0 0
                                        

Friend


Nagising akong masakit ang ulo. Pagdilat ko ay puting ceiling agad ang bumati saakin, Linibot ko ang aking mata sa paligid at napagtantong hindi pala ito ang aking kwarto nasaan kaya ako. Pilit kong inalala ang mga nangyari kagabi ngunit kauti lamang ang naalala ko dahil sa matinding sakit ng aking ulo.

Bumukas ang pintuan sa aking gilid at iniluwa nito ang isang lalaking naka puting t-shirt at black na pajama, gulat akong napatayo ng mapagtatanto kung sino siya. Anong ginagawa niya dito. Shit what did I do last night. Bago pa man magkaroon ng sari saring imahensyon ang utak ko sa mga maaring kahihiyang nagawa ko kagabi ay nagsalita na siya.

"Masakit ba ang ulo mo? Tara na sa labas mag breakfast tayo." kaswal niyang sabi na tila ba wala lang sakanya na andito ako sa bahay niya hindi ba awkward dahil may girlfriend na siya ano nalang ang iisipin ng girlfriend niya pag nalamang andito ako sa unit ng boyfriend niya baka isipin niya na kabit ako ng boyfriend niya no way hindi ako ganun ka desperada.

"Umm ano nga palang nangyari kagabi at bakit ako andito?" nahihiyang tanong ko sakanya. Kuryoso niya akong tinignan bago bahagyang tumaas ng gilid ng kanyang labi tila ba mangha siya sa aking mga sinabi. Tinignan ko naman siya ng masama.

"Wala ka bang maalala kagabi?" natatawa niyang tanong saakin. Ngumuso ako at yumuko sa hiya bago tuluyang tumango. Sana pala ay hindi na ako uminom, damn it bakit ko ba kasi naisipan iyon.

"Wag ka kasing iinom kung hindi mo kaya" Nangaasar niyang sabi. Ngumuso ako ay pinaningkitan siya ng mata, tinawanan niya lamang ako bago tuluyan akong tinalikuran upang lumabas na ng kwarto.

"Tara na masamang pinaghihintay ang pagkain" aniya bago tuluyang lumabas ng pintuan.

Kaagad akong nagayos ng aking sarili bago tuluyang lumabas ng kwarto. Naabutan ko siyang nakaupo na sa hapag habang busy sa kakakalikot ng kanyang cellphone malamang ay ka text niya ang kanyang girlfriend sa mga oras na to asking if shes awake and eat her breakfast. Thoughts of it makes my heart ache a bit ngunit ipinag kibit balikat ko nalamang iyon at dumiretso nang upo sa silya sakanyang harap.

"Sorry nga pala sa abala, nakakahiya naman sayo." may alinlangan kong sabi sakanya. Kaagad siyang nag angat ng tingin saakin at ngumiti.

"No problem magkaibigan naman tayo diba, gusto sana kitang iuwi sainyo kaso lang sabi mo kasi kagabi ayaw mo pang umuwi so i decided to take you here instead." ngumiti ako sakanyang sinabi. Friends, so somehow pala he still considered me as his friend, the thought of it pains me inside siguro nga mas ok na yun kesa wala diba. Friends is better than nothing.

Tahimik kaming kumain paminsan minsan ay naguusap ngunit madalas ay busy siya sakanya telepono. Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng biglang nag ring ang kanyang telepono.

Hello
Good Morning
Bakit, Namiss mo ako no.
Don't worry I missed you too.
Ok I'll see you later Becky take care ok eat your breakfast ingat ka.

Yan lamang ang narinig kong sagot niya sa kausap niya bago niya ito ibinaba so tama nga ang hinala ko it's Rebecca Elisse Madrigal. Sino pa nga ba Ella of course they will call and text each other everyday or every hour they where in a relationship its normal. Kumbinsi ko sa aking sarili ibinaling ko nalamang ang aking buong attention sa pagkain sa aking harap. I should care less about it labas na ako doon I'm already his past. And past should be forgotten already.

"After you eat ihahatid nakita sainyo." nagulat ako sakanyang sinabi at kaagad na umiling.

"No magtataxi na lang ako nakakahiya naman sayo nakakaabala na yata ako." Sagot ko sakanya. Kaagad siyang ngumiti saakin at muling sumagot.

"No I insist I won't let you commute at isa pa what are friends are for right ihahatid na kita just wait for me here magbibihis lang ako." pakatapos nun ay agad na siyang umalis sa aking harap at dumiretso na sakanyang kwarto.

Linibot ko ang aking tingin sakanyang sala his unit seems so clean and well organized his sofa is black maging ang mga carpet sa sahig ay kulay black din accept for the curtains and pillows it's white. It looks so simple but at the same time ay mahahalata mo na lalaki ang nakatira dito with the black and white motif it suit well. Nadako ang attention ko sa mga stante sa gilid doon nakalagay ang mga pictures niya maging ang mga placards at awards na nakuha niya. Seeing all of this makes me wanna cry he made it so far natupad niya ang mga pangarap niya and I'm happy for it sana lang ay nasaksihan ko iyon at kasama ko siya sa bawat tagumpay niya, how many times did he doubt himself or does he ever doubt himself sa mga panahon na nasa kalagitnaan palang siya ng pagsikat I wanna know how did he managed it studying while doing gigs and some other stuff. Sana ay nasaksihan ko iyon sana ay nadamayan ko siya sa mga panahong napanghihinaan na siya ng loob o di kaya sa mga panahong pagod siya at walang tulog dahil sa gigs at pagaaral.

Naputol ang aking malalim na pagiisip ng nakita ko siyang papalabas ng kanyang kwarto. His wearing a Grey V neck shirt with maong skinny jeans, his hair is messy like the old times ang kaibahan nga lang ay basa pa ito ngayon. He smiled at me ng makita niyang nakatingin ako sakanya.

Nang makarating kami sa parking lot ay nakita ko agad ang kanyang itim na Suzuki Altera agad naman niya akong pinagbuksan ng pintuan nito. Buong biyahe ay tahimik lang kami pinili ko nalamang libangin ang aking sarili sa mga sasakyan at tanawin sa labas ng sa ganon ay mapawi ang Awkwardness na nararamdaman ko. Mahigit isang oras din ng itinagal ng biyahe papunta saamin. Nang matanaw ko ang gate ng aming bahay ay tumuwid na ako ng upo at nagayos ng aking sarili.

"Salamat nga pala sa paghatid nakakahiya at naabala pa kita gusto mo bang mag coffee muna kahit saglit?" anyaya ko sakanya tumingin muna siya sa kanyang relo bago tumigin saakin.

"Pasensya na nagmamadali kasi ako nag aantay kasi saakin si Becky nangako kasi ako sakanya na susunduin ko siya sa taping niya at sabay kaming mag lulunch." aniya. Tumango na lamang ako sakanya at nagpasalamat bago tuluyang lumabas ng kanyang kotse. Habang papalayo siya ay nakaramdam ako ng inggit kay Rebecca she's lucky to have Austyn with her I know it coz I've experienced it before.

Siguro nga may mga bagay na mahirap ng ibalik lalo na kapag sobrang laki na ng damage na nagawa nito sayo. As much as possible I want to be happy that Austyn is still considering me as a friend ngunit alam ko deep inside its hurting me. Na sana ay kagaya nalang ng dati ang lahat, siguro nga thats the main problem of people they keep coming back to the past they keep recalling all those memories they had before instead of moving forward and start building another new memories. Mahirap ma stock sa past lalo na kung alam mong ikaw nalang ang naiwan doon, ikaw nalang ang patuloy na nakakaalala ng bawat detalye nito habang sila ay nakapag umipisa ng gumawa ng bagong mga alaala ng wala ka.

The Chasing Game (Game Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon