Chapter 29

34 1 5
                                    

Sunset


Pagkarating ko sa aking opisina ay magiliw akong binati ni Sofia, sinagot ko nalamang siya ng isang ngiti at tango. Pagkapasok ko sa aking opisina ay agad kong nasulayapan ang isang tambak ng mga folder doon, marahil ay ito yung mga bagong album at mga bagong artista na dapat kong aprubahan. Another stressful day for you Ela bulong ko sa aking sarili. Umupo na ako sa aking swivel chair at sinindihan ang aking laptop at nagumpisa ng magtrabaho.


Pasado alas diez imedia ng kinatok ako ni Sofia sa aking opisina at kaagad itong pumasok.

"Mam. Ela anjan na ho sila Mr. Ramirez kasama ang 23DA" kaagad na kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Mam nakalimutan niyo po ba na may meeting kayo sakanila about sa bagong album na ila-lunch nila" paliwanag saakin ni Sofia napansin niya yata ang pagkagulat ko. Nasapo ko ang aking noo at napagtanto na ngayon nga pala iyon, nakalimutan ko yata sa sobrang dami ng ginagawa ko.

"Ok, sorry I forgot about it. Can you tell them to wait and come in after five minutes aayusin ko lang ang mga kalat sa desk ko so we can talk properly" agad naman siyang tumango sa request ko at tuluyan ng lumabas ng aking opisina.

Pagkalabas niya ay dali dali kong linigpit ang mga papeles na nakakalat sa desk ko at sandaling sinilip ang aking sarili sa maliit na salamin na dala ko at nag lagay na rin ng konting foundation sa aking mukha, I need to look presentable kahit papaano.

Mayamaya pa ay nauna ng pumasok ang kanilang manager na si Mr. Ramirez at nakipag kamay saakin. Kasunod nito ay sunod sunod na silang pumasok. Agad kong tinanggap ang kamay nito at malugod itong inginitian ganoon din ang ginawa ko sa iba pa.

"You can take your seat, so we can talk" muwestra ko ng upuan sa aking harap kaagad namang umupo si Mr. Ramirez doon at kasunod nito ay si Austyn na umupo naman sa upuan sa tapat ng kay Mr. Ramirez at ang iba naman ay sa sofa na umupo. Napalunok ako ng nagtama ang mata namin ni Austyn kasabay nito ay binigyan niya ko ng isang matamis na ngiti agad akong umiwas dito at binaling ang aking tingin kay Mr. Ramirez.

"Its nice to meet you finally Ms. Ela, hindi nakapagtataka na magkapatid nga kayo ni Theo you look like a girl version of him medyo soft nga lang ang features mo kesa sa kanya" puri niya sakin, doon ko lang napansin na bakla pala si Mr. Ramirez base na rin sa paraan ng pagsasalita niya at kung paano nag ningning ang mga mata niya habang binabanggit ang pangalan ng kapatid ko.

"Its nice too meet you too Mr. Ramirez you can just call me Ela masyadong pormal ang Ms." ngiti kong sagot sakanya.

"Alright then you can just call me Stefan too..
at Steffy naman pag sa gabi" habol niya malanding tono ang ginamit niya pag bigkas niya ng Steffy tila ba ay gusto niyang may arte talaga ito kapag tinawag mo siya sa ganitong pangalan, natawa nalamang ako sa sinabi niya.

"Alright Stefan or Steffy." ginaya ko ang tonong ginamit niya sa pagbigkas ng Steffy na ikanatawa naman nito.

"Anyway Ela may schedule nga pala kami ng shoot para sa bagong album ng 23DA mamaya sa tagaytay, baka gusto mong pumunta to visit I mean your brother used to do that kung nabanggit niya sayo." paliwanag niya saakin.

"Yes, I'll visit at oo nabanggit niya rin saakin iyon. Anong oras ba ito mag istart?"tanong ko sakanya.

"Mga alas tres ay nandoon na kami siguro mga alas quatro ay mag istart na kami hinahabol kasi namin ang sunset" tumango ako napa isip sa idea nila the album is entitled Below The Horizon and the sunset will perfectly reflects it.

The Chasing Game (Game Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon