Chapter 8

52 3 0
                                        

Ferris Wheel

Its been weeks since i help Austyn para sa contest na sasalihan niya. Hindi naman pala siya ganoon kasama hes fun actually, kapag magkasama kami ay puro tawanan at asaran lang ginagawa namin syempre hindi pa rin mawawala ang kayabangan niya hindi na yata maalis sakanya iyong bagay na iyon.

"Hep hep hep, san ka nanaman pupunta Teala Beatrix Cohen? Akala mo ba hindi ko napapansin na lagi kang late umuuwi, hindi ka naman ganyan dati ahh." nakapameywang at nakataas ang kilay na sabi niya saakin. I know this time will come na tatanungin niya ako but of course i need to keep this alam ko namang hate niya si Austyn at paniguradong gagawa nanaman ito ng eksena.

"Your just paranoid Sue, my tatapusin lang ako, remember inutusan ako ni Sir. Alvarez na mag check ng mga papers" paliwanag ko sakanya. Actually kanina ko pa talaga tapos yung inutos saakin ni Sir but i need an excuse to Sue para hindi na niya ako kulitin. Pinagtaasan niya ako ng kilay na tila ba ay sinusuri niya ako kung totoo ba ang sinasabi ko.

"Alright basta text me kung nakauwi ka na at wag kang magpapagabi" sa wakas ay linubayan niya na rin ako, pagkabeso niya saakin ay kaagad din siyang umalis. Habang pa palayo siya saakin ay nakokonsenya ako sorry Sue but i need to do this i tell you everything soon.

Pagkatapos nun dumiretso na ako sa Rooftop kung saan kami laging nagkikita ni Austyn. As usual laging siyang may handang pagkain at blanket para upuan namin ngayon ang last day ng practice niya at bukas ay contest na.

"Sorry I'm late again" bungad ko sakanya. Umismid lang siya na tila nagtatampo minsan talaga ay maypagkaisip bata ang isang to.

"Ok lang sanay naman akong maghintay" patampo niyang sabi, sabay pout. Hindi ko na tuloy napigilan humagalpak ng tawa sa ginawa niya.

"Mas maganda ka kapag nakangiti" banat niya saakin. Sinimangutan ko lang siya at kinindatan pa ako ng mokong. Sa nakalipas na linggo ay napagpasyahan naming Ferris Wheel nalang ang kakantahin niya para sa contest bukod kasi sa idol niya si Yeng Constantino ay maganda rin ang meaning ng kanta niya. Nagumpisa na siyang magtistrum ng gitara niya habang ako ay nakikinig lamang sa kanya.

🎶Meron siyang di nalalaman sa akin
Takot man ako sa heights
walang magagawa dahil nandito na
Magkahalong kaba at pananabik
ang tuntungang bumuhat sa'min
Kailan man ay di niya alam,
'Di pa umaangat loob ko'y nahulog na

Sa piling mo ay nalulula
Unti-unti ring nasasanay
Sa piling mo ay nalulula
Ngunit parang ayoko na yatang bumaba
Bumaba, bumaba, bumaba🎶

Tuwing pinapanood ko siya ay lagi akong namamangha, yung timbre at lamig ng boses niya ay tama lamang, para siyang anghel na bumababa sa lupa. Pagkarating ng chorus ay pimikit na siya dinadama ang bawat salita sa kanta. I never wonder why girls falls in love with him. He has those Chinky eyes kung saan makikita mo ang lahat ng nararamdaman niya, manipis at mapula rin ang kanyang labi, makapal na kilay perfect set of nose samahan mo pa ng dimples niyang simisilay sa tuwing ngumingiti at tumatawa siya in short hes perfection.

Dumilat siya at diretsong tumingin saakin, minsan iniisip ko kung ilan na ba ang babaeng pinaiiyak niya kagaya nalang ng babaeng nakita ko sa mini garden yung babaeng nagmamakaawa sakanya.

"May problema ba? Are you stunned by my handsome face?" pagmamayabang niya saakin. Natawa nalamang ako sakanya kahit kailan ay ka dikit niya talaga ang salitang kayabangan. Napairap nalamang ako sa kawalan. Palubog na ang araw ng napagpasyahan kong umuwi.

"Basta bukas ha wag kang mawawala magtatampo talaga ako sayo pag di kita nakita dun" paalala niya saakin. Bago kami tuluyang naghiwalay ng landas.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Song Used: Ferris Wheel By Yeng Constantino

The Chasing Game (Game Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon