Chatroom #33

2.9K 147 129
                                    

NCT Visual Ranking by Jisung

Jisung: Hi guys! Dapat kayong magpakabait sa akin! Ha-ha-ha! (tawang masama)

Hansol: Hulu nasapian si Jisung

Taeil: Magpakabait daw tayo sakanya. Utut mo, Ji!

Jisung: Ako lang naman ay naatasan ng ating manager hyung para magpasiya sa visual ranking natin.

Taeyong: Kabahan ka na, Taeil!

Mark: Ayan inaway mo pa si Jisung hahaha!

Taeil: Uy joke lang, Jisung! Ang gwapo mo nga eh! Alam mo bang crush na crush kita? Ikaw na, the best ka!

Ten: Wala Moon! Ihanda mo na ang sarili mo para sa #15 na spot

Jaehyun: Guys pwede na kayong kumalma dahil si Taeil na pinakahuli sa atin!

Jisung: Start na tayo! At para sa #1!

Yuta: Ay shet Jisung oppa! Jisung oppa! Saranghae!

Jeno: Ang gwapo mo talaga, Jisung! Walang kupas!

Kun: Mga sipsip hahahaha! Lumayas nga kayo! Basta ako alam ko lang na si Jisung ang tunay na visual sa NCT!

Jisung: At ang #1 ay si... Taeyong hyung

Taeyong: Hahahaha! Umuwi na kayo ang papangit niyo!

Winwin: Wala luto ang laban!

Mark: Magtataka pa ba tayo? Taeyong biased yan si Jisung eh!

Jisung: Next #2!

Donghyuck: Ji, diba tayo ang best bud? Ako! Ako!

Jaemin: Utut mo Dodong! Pinagtawan mo nga ang mango spin ni Jisung eh!

Johnny: Nako Jisung! Iwan mo na yang si Donghyuck! Ang kapal ng mukha na i-correct ka. Mangosteen daw? Hulul, mango spin talaga yun!

Yuta: Sipsip lvl of Johnny: 10000000

Jisung: #2 ay ako!

Doyoung: Ha???

Jisung: Bakit anong mayron Doyoung hyung? Umaangal ka ba?

Doyoung: Ha? Ang ibig kong sabihin... Hanggaling nga eh! Okay, #3 na tayo!

Ten: Mga lokong 'to talagang gagawin ang lahat tumaas lang ang ranking

Jisung: #3 ay si Kun hyung!

Hansol: Next na!

Mark: Aba, walang umaangal ah?

Jisung: #4 si Ten hyung at #5 Jaehyun hyung

Ten: Whahahaha! Ah, gusto ko lang bumati sa mga pangit kong kagrupo. Ha! #4 oh. Nakita niyo ba? #4 yan!

Jaehyun: #5 lang naman. Ayos lang yan guys talagang masakit tanggapin ang katotohanan.

Yuta: Mapang-asar yung JaeTen!

Jeno: Medyo bumababa na ang rank

Jisung: #6 ay si Yuta hyung!

Yuta: Huwaaa! Thank you! Thank you! Ah, nais ko lang sabihan na... ang pangit niyo guys! Mas gwapo ako sa inyo!

Jisung: #7 si Winwin hyung!

Winwin: Ako po ay nakikiramay sa mga bigong puso ng aking mga kagrupo pero ganun talaga ang buhay. Move-on guys!

Jaemin: Nangangalahati na ang rank!

Jeno: Ang gwapo mo talaga Jisung!

Johnny: Mahal kita! Te amo! Aishiteru! I love you! Saranghae! Shet hindi pa ba sapat yan?

Yuta: ^ desperado na ang isang 'to

Jisung: #8 si Jeno hyung at #9 si Mark hyung

Jeno: Sabi na ang gwapo ko talaga eh!

Mark: Oh kamusta naman kayo dyan sa baba? Hahahahaha!

Jisung: #10 si Johnny hyung, #11 si Hansol hyung, #12 si Doyoung hyung, at #13 si Taeil hyung

Johnny: Uy top 10 ata 'to!

Hansol: Wag kayong susuko guys!

Doyoung: Shet dalawa na lang ang slot!

Taeil: sino kaya ang #14 at #15 ?

Jaemin: Ako dapat ang sa #14! Hayaan niyo na si Donghyuck!

Donghyuck: Baliw! Hindi bagay sayo ang #14! Akin yan, Min!

Taeyong: Mga walanghiya nag-aaway sa pangalawang pwesto sa pagkapangit

Johnny: Ang hard ni TY hahahaha!

Jisung: #14 si Jaemin hyung

Donghyuck: Teka. Ha? Wait. Bakit? Saglit. Paano?

Winwin: Hahahahaha! Ano 'yan Donghyuck?

Jisung: #15 si Donghyuck hyung. Siya ang last place dahil inaaway niya ako palagi

Donghyuck: Hoy paano kung gwapo naman talaga? Bakit mo ibaba ang rank? Wala sa away 'to nasa kagwapuhan 'to

Yuta: Ang laki ng pinaglalaban ng batang 'to

Ten: Oh sige ipaglaban mo ang kagwapuhan mo!

Jaehyun: Langhiya nakakatawa si Donghyuck!

Jisung: I'm sorry hyung pero ikaw ang huli

Donghyuck: Wala! Madaya pinagtutulungan niyo ako! Para saan pa at tinawag akong main visual kung last place ako?

Taeil: Tanggapin mo na lang

Jaemin: Shet mas gwapo ako kay Donghyuck! Oh yeah!

Johnny: ^ Hahahaha! Grabe si Jaemin. Sa sobrang saya akala mo siya yung #1 eh no?

Donghyuck: Hello? Ah, ako po ay nanawagan para sa isang hustisya sa chatroom na ito. Nawa'y matulungan niyo ako.

NCT's ChatroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon