Chapter five

47 2 0
                                    

Rovick's POV

Napayuko na lang ako sa desk ko dahil inaantok pa ko. Masyado akong naging busy kahapon.

Pabagsak na ang mga mata ko pero naramdaman kong may kumakalabit sa akin kaya inangat ko ang ulo ko para tignan kung sino ito.

"Bakit di mo sundan?" Pangiistorbo sakin ni choco.

"Ayoko nga. Sabi ng puso ko wag daw. Sabi nga nila diba follow your heart" Yumuko ulit ako sa desk ko para matulog. Alam ni choco na hindi pa ko nakakatulog kaya binibwisit niya ako.

"Kelan pa nagkabibig ang puso? Tss. Follow follow. Follow-in kita diyan eh" Pagkasabi niya nun ay naramdaman kong umalis na siya. Hayy. Sa wakas makakatulog na ko.

No! Binabawi ko na. Papikit na ko pero may nambubulabog nanaman eh. "TIFFANY!!! NATUTULOG AKO!!' Pabulong pero pagalit na sabi ko. "Ayy. Sungit. Meron ka ngayon? Oh eto oh." Inabutan niya ko ng isang... WHAT?! NAPKIN?! Pagkaabot niya ng watdahel napkin na yun ay nilayasan niya na ko. Aba bastos to ah.

Yumuko na ulit ako sa desk ko. Isa nalang talaga. Mapupuno na ko! Argh!!!!! Papikit nanaman ang mata ko ng biglang may kumakalabit nanaman sakin.

NABABADTRIP NA AKO!!!

Lalalalala~ wala akong nararamdaman!!!

Hindi ko ito pinapansin pero patuloy parin siya sa pagkalabit. Anak nga naman to ng nanay niya oo!

Lalalalal~

Napansin ko.. Bakit parang ang tahimik yata nila? Ako nalang ba ang tao dito? Pero sino tong kumakalabit? Kinilabutan ako kaya bigla akong napatingala at nagulat dahil lahat ay nakatingin sakin dahil kinakalabit ako ng principal.

Well, wala akong pake...

Nung kinaylangan ko ang tulong ng eskwelahan nato hindi nila ko tinulungan. Binalewala lang nila ako...

Binaliwala lang nila ang buhay ng nanay at tatay ko...

Naglakas loob ako na sagutin ang principal na ikinagulat naman ng mga kaklase ko. Pwera kay choco at george. Alam nila kung bakit ganito ako sa mga nagttrabaho dito..

"Dont you see? Im sleeping?!" Taas noo kong sagot. Napasmirk nalang ang principal. Ano? Ganyan nalang siya lagi? Ngingiti ngiti.

Lumapit ako sakanya at may binulong. "Dont you dare challenge me Mr.Principal. Well. Stupidpal is better. Cause excuse youre not a prince.. Get it? And ohh. If you kick me out of this school i'll tell them what you did.." Napaatras ang principal sa sinabi ko. Minsan talaga pag galit ka. Napapaenglish ka nalang.

Tuluyan na siyang umalis at pumalakpak naman si choco na kumakain ng chocolate.

"Ang galing mo talaga. Idol" sabi nito at umakbay pa sakin. So gayyyy. Nagalisan narin ang lahat dahil snacks na at naiwan nalang kami nila tiffany,jas,charles,choco at george.

"Guys. Tara na?! At nagugutom na ako" Sabi ni george na humahawak pa sa tiyan niya. Sabay sabay kaming nagpunta ng cafeteria.

TIFFANY'S POV

Nakapila kaming apat nila charles george at jasmine. Kukuwa na sana ako ng pagkain ng lagyan ni george ng chicken ang plato ko. Pero ibinalik naman yun ni charles at nilagyan ng isda ang plato ko. Binawi naman ulit yon ni george at nilagyan ulit ng chicken.

Nabadtrip na yata ang dalawa kaya sumagot na si charles " Wag chicken. Magkaka-chicken skin siya" Nanlalaking matang sabi ni charles.

Napasmirk naman si george at sumagot din. " Wag isda. Magkakakaliskis siya"

"Edi maganda. Magiging isang magandang sirena siya" Charles

Napansin yata ni jasmine na nagkakainitan na ang dalawa kaya sumingit siya sa usapan. " George, Charles. Walang manok at sirena okay? Dun nalang kami kakain ha?" Masayang sabi ni jas.

I Killed themTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon