Chapter four

50 1 0
                                    

CHARLES'S POV

Palabas na kaming lahat ng room ngayon. Sabay kaming naglalakad nila Rovick, Choco at George. Nasabi na din namin yung sa nakalagay kanina sa monitor. Sila na daw ang bahala. Psh. Sigurado hindi nanaman nila ipagkakalat yon dahil ayaw nanaman nilang masira ang pangalan ng school.

"Ayy! Si tiffany nga pala? Kanina pa siya hinahanap ni jasmine eh." Tanong ni george. Oo nga pala. Nasa clinic pa si tiffa ngayon. Iniisip ko kung babalikan ko pa ba siya dahil may kailangan akong gawin.

"Ah. Nasa clinic nga pala si tiff." Sagot ko kay george. Tahimik lang si choco dahil kumakain siya ng chocolate. Ng biglang sumingit si rovick.

"Tss. Clinic. Tambayan ng mga best actor at actress sa school." Pailing iling na sabi ni rovick. Aba! Hinuhusgahan ba nito si tiff.

"Uyy. Nagalit siya. Inlove ka na nga pare." Rovick. Nagulat kami dahil bigla nalang naglakad ng mabilis si george. Sumunod naman sakanya yung dalawa kaya naiwan akong magisa.

"Uyy! George! Pakopya muna homework" Rinig ko pang sigaw ni rovick habang hinahabol si george.

Napangiti nalang ako at saka pumunta na sa kung saan dapat ang pupuntahan ko.

JASMINE'S POV

Nagtext sakin si george at sinabing puntahan ko na daw si tiffany sa clinic.

Well may lihim na pagtingin si george kay tiff. Pero secret lang yun malamang lihim nga eh.

Papasok na ko ng clinic at saktong papalabas na din si tiff mula sa loob kaya agad ko siyang tinawag.

"TIFFANY!!!" Napatingin siya sakin at para bang gulat na gulat dahil nakita ako. Tumakbo ako papunta sakanya para lapitan siya.

"Ano? Tinititigan mo nanaman ang pretty face ko"

"Naks. Kapal talaga ng mukha atin ano po?" I smiled sarcasticly.

"By the way, Diba may lecture ka nung kahapon? Pwede pa kopya?" Tanong ko.

"Oo. Bakit?"

"Kasi ginising ako ng puso mo." Seryosong sabi ko. Halata namang nainis siya kaya umayos na ko. "Wala naman. Absent nga ko yesterday diba?"

"Ahh. Oo nga pala. May homework tayo. Btw, bakit nga pala wala ka?" Nagulat ako sa tanong niya. Jas! Ang tanga tanga mo talaga. Argh. Bakit ba kasi inopen ko pa ang topic na to eh.

"Uhm. Nevermind. Homework? Duh! Kopya nalang tayo kay george." Tumango naman si tiffany at sabay na kaming naglakad pauwi.

Anong meron? Bakit ang tahimik ni tiffany...

TIFFANY'S POINT OF VIEW

Nakauwi na kami ni jasmine ng condo. Pinagsama nalang kami ng mga magulang namin para daw hindi naman kami malungkot dahil mag-isa lang kami.

Nagtataka talaga ko kay jasmine. Ano bang problema at ayaw niyang ipaalam kung bakit wala siya kahapon..

Hindi kaya may tinatago to sakin?

Umakyat na kami at nagbihis na tapos humiga na kami. Tig-isa kami ng kami ni jas parehas lang single..

Tulog na yata si jas kaya nagisip isip nalang ako. Naaalala ko yung sasabihin dapat ni charles. Ang malas kasi sumakit pa puson ko. Gusto ko sanang itanong kaso nahihiya ako. Aish!

Papikit na sana ko ng biglang magsalita si jasmine kaya napadilat agad ang mga mata ko. "Hoy! Matulog kana. Mas malaki pa eyebags mo sa mata mo."

"Grabe to. Di naman." Narinig kong tumawa siya ng mahina.

I Killed themTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon