Chapter six: Transferee

56 2 0
                                        

Tiffany's POV

Nasa classroom kaming lahat ngayon dahil pinatawag kami ng adviser namin. May sasabihin daw. Well, I dont care. Sabi nga ni miley cyrus its my mouth i can say what i want to. Parang sa gawa lang yan. Sarili ko to. Kung ano ang gusto kong gawin. gagawin ko...

"Tiffa! Ba't ang lalim ata ng iniisip mo?" Tanong sakin ni charles. Ang kulit talaga ng lalaking to.

"Nalunod ka?'' Sarkastikong sabi ko. Okay magiging korni muna ko. Kahit ngayon lang. Inisnaban na niya lang ako dahil alam niyang wala lang patutunguhan ang paguusap namin.

Dumating na ang guro kaya umayos na kaming lahat. Unexpected nanaman. Ano apba talaga ang meron at ang aanghel ng mga kaklase ko. Nahagip ng mata ko si choco na ang tahimik. "Tsokolate! Ang tahimik mo?" Tanong ko habang tinitignan ang sinusulat niya sa mukhang napulot lang niyang papel.

"Anghel kasi ako. Mabait ako. Mukha nga lang demonyo. Pero gwapo" Sagot nito sakin at tinakpan na ang ballpen na ginamit niya. Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Pinansin ko ang sinulat niya sa papel. Isang drawing ng mata ang nakita ko doon.

Isang pamilyar na mata..

"Ano yan? Yeah. Alam ko papel yan na may drawing na mata pero ano ibig sabihin niyan?" Tanong ko sakanya pero hindi niya ko sinagot. Nginitian niya lang ako. Ang tahimik. Ang weird.

I Killed themTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon