Chapter two

117 4 1
                                    

Tiffany's POV

Tahimik at sabay kaming naglalakad ni Hailey ngayon pauwi ng bigla siyang magsalita.

"Tiff. Salamat ah. Hindi ko inaasahan na magkakaroon pa pala ko ng kaibigan dito kahit papano." Masayang sabi ni hailey.

Tumawa ako. Isang pekeng tawa. "Wala yun. Pag talagang inaatake lang talaga ng kademonyohan yong si Chynna wala na tayong magagawa. Haha" Pagkasabi ko nun hindi na siya sumagot. Nginitian niya nalang ako at tumingin sa harap namin.

Pero yung mga ngiti niya sa labi ay napalitan. Para siyang nakakita ng multo.

Nang tignan ko kung ano ang nakita niya. Nakita ko si Harry..

May kakaiba sa mukha niya na hindi ko maipaliwanag. Para bang may tinatago..

Pero hindi ko nalang yun pinansin at agad ko siyang tinawag.

"HARRY!!" Agad naman napatingin si harry at para bang nagtataka kung bakit ko kasama si hailey. Habang si Hailey naman ay agad na napahawak sa braso ko.

Nang papalapit na si Harry lalo kong naramdaman na nanlalamig at nanginginig na ang mga kamay ni Hailey.

"Ohh. Ba't kasama mo to?" Tanong sakin ni Hailey.

Sasagot na sana ako pero biglang dumating si Chynna. At kasabay ng pagdating ni Chynna ang mas lalong paglamig at paghigpit ng kamay ni Hailey sa braso ko. Kahit ako nagulat nang nakita ko si Chynna.

"Heyy tiffany? Why is that animal holding your arms?" Mataray na sabi ni Chynna.

"Excuse me little poor girl. Can you please just go. And DUH. Stop holding her arms . Kase I know diba maraming bacteria sa squatters area. Umalis kana at wag mo na kaming hawaan dito. Get it?" Then hinawakan ni Chynna ang buhok ni Hailey. Sa itsura ni Hailey. Alam kong nasasaktan na siya dahil sa mahigpit na hawak ni Chynna sa buhok niya.

Dahil hindi ko na masikmura ang ginagawa ni chynna. "CHYNNA!! Tumigil kana nga! Hailey. Umuwi kana." Agad namang tumakbo si Hailey palayo.

" Tiffany. Umamin ka nga ha. Kaibigan mo ba yung Hailey na yon. Omygash. Anong klaseng kabaitan ba ang sumapi sayo? Kaya lang naman tayo ganito.. Masama.. Kase ayaw lang natin na inaapi tayo." Iritang sabi ni chynna.

"Ok fine. Sorry na." Sabi ko kay Chynna.

"Tumigil na nga kayo. Tara uwi na tayo." Sabat ni Harry. Papasok na sana kami sa kotse ng bigla kaming nakarinig ng isang sigaw.

Sigaw sa loob ng school. Bale nasa labas kase kami ng school ngayon. Isang nakakatakot na sigaw ang narinig namen. Para bang humihingi ng tulong.

Marami ding estudyante ang nagtaka kung saan ng galing ang sigaw na yon...

Hindi na ko nagpatumpik pa at agad na umakyat papunta sa taas..

CHARLES'S POV

Nasa parking ako ngayon ng bigla akong nakarinig ng isang sigaw. Pero mas lalo akong nagtaka ng makita kong ang maraming students na nagtatakbuhan. At ang ilan naman ay may sumisigaw pa.

Hinanap ko agad kung nandon ba sa mga nagtatakbuhan ang barkada ko. Lalo na si Chynna. Baka masaktan na yun sa stampede.

Agad akong umakyat kung saan nanggaling ang mga students na nagtatakbuhan. Habang mabilis akong naglalakad nakarinig pa kong ng ibang nagchichismisan.

narinig kong sa library ng galing ang mga nagtatakbuhan. Mas lalo ko pang binilisan ang lakad ko.

Nang nakapunta na ko sa library. Ang daming estudyanteng nagkukumpulan sa may pinto. Ang ilan ay may nasusuka pa. Napatingin ako kay Tiffany na kakadating lang din kagaya ko. Nagtinginan lang kame pero bigla siyang nagsalita.

I Killed themTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon