Third Person's POV
Nasa Quadrangle ang lahat ngayon dahil may laban ang school nila sa ibang school ng basketball.
"HOY CHARLES PAG IKAW NATALO PAPATAYIN KITA!'' Sigaw ni tiffany kay charles kahit magkalapit lang sila dahil baliw si tiffany.
"Oo na masyado naman akong cute para matalo. Ikaw wag mong papansinin yung mga lalaking nakatingin sayo ah." Mayabang na sabi ni charles. Pero inirapan lang siya ni tiffany!
"Okay! Sino nalang ang kulang?!" Sigaw ng coach nila charles.
"Si george po wala pa." Sagot naman ni choco. Kahit na may pagkanerd si george gwapo at tao pa din naman siya na naglalaro ng basketball.
"Sir puntahan ko nalang po baka nasa labas na at nagwapuhan sakin kaya di na makapasok kasi ang cute ko daw baka mabakla hehe." Pagmamayabang naman ulit ni charles na naging dahilan ng pagsiko sakanya ni tiffany. Kung hinahanap niyo si jasmine nandun siya sa tabi ni choco at nakikipaglandian. Si mitch? Katabi ni harry pero LQ sila. Ma-Long Quote sila means Sad sila. Ang corny ko na yata kbye.
Umalis na si charles at tiffany ng magkahawak kamay dahil malandi sila para puntahan si george kung nasa labas na nga. Pagdating nila sa gate ng school ay nandun nga si george at inaayos ang kotseng bulok niya.
"Oy! Ganda kotse natin ah." Pang-aasar ni charles habang papalapit dahil bulok nga ang kotse ni george.
"Haynako! Sira nga eh. Badtrip!" Inis na sabi ni george
"World War II pa yata to ah hahahaha." Pang aasar nanaman ni charles dahil mayabang siya.
"Oo naman. Eto ginamit ng lolo ko nung pinatay niya si magellan." George
"Oh? Akala ko si lapu-lapu pumatay sakanya. Yung lolo pedro mo pala." Charles
"Oo. Shhh wag ka maingay ah. Baka matuntun nila ak--" Hindi natapos ni george ang sasabihin niya dahil agad silang binatukan ni tiffany. "Hoy ano ba kayong dalawa puro kayo kabaliwan diyan! Hinahanap na kayo ni coach."
Sumunod ang dalawa kay tiffany habang nag pipigil ng tawa.
Tiffany's POV
"Woooh!!! Go charles!!!!" Sigaw lang ng sigaw ang school namin tanda ng pagchcheer sakanila. Kinikilig ako kasi tuwing makakashoot si charles titingin siya sakin tapos kikindat sabay sabing 'Mm. Sakit ng mata ko' Joke lang pero seryoso kumikindat talaga siya. Mainggit kayo please?
"ANO BA?! SHET NAMAN! TUMINGIN KA SA DINADAANAN MO!" Agad akong napalingon sa likod dahil sa narinig ko. Si chynna. Nakikipagtalo kay thea.
Pero mas lalo akong nagulat sa mga sunod na nangyari.
Tinulak ni thea si chynna.
Nahulog si chynna.
Namatay si chynna... (Dejoke. Tinulak at nahulog lang)
"WOAHHHHH!" Nagulat ang lahat at naging malakas ang sigawan nila na dahilan ng pagtingin ni charles sa amin. At naging dahilan din ng pagtama ng bola sa ulo niya. I-imagine niyo po. Kung ano yung itsura ni charles nung naheadshot siya. Ang magkapatid naaksidente. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maaawa basta ang alam ko lang mukha silang tanga.
Nang mahimasmasan na ang lahat ay bumalik na din ang mga players sa laro at dinala si chynna sa clinic. Si thea naman at ang mga alagad niya ay nagtatawanan. Aba loko to ah! Kahit galit na galit at bwisit na bwisit na ako kay chynna, sister in law ko pa din yon. Chos hahaha
Sa lalim ng iniisip ko natapos na pala ang laro. Ang bilis no? Hayaan niyo na hindi niyo naman makikita eh. Ano pang sense non kung magtatagal pa. Nagsayang lang tayo ng oras.
"Pssst. Si fafa charles mo tinamaan ng bola! HAHAHAHA" Jasmine
"Ha ha ha. Nakakatawa no? Grabe ang dami kong tawa." Sarkastikong sabi ko. Inaaway niya si charles eh. Love ko yun. Uyy joke lang dapat pakipot muna sa una.
"Ay. Eh pano na si Leo? Si George?" Jasmine.
"Pakealam ko ba sakanila. Sila tong may gusto eh. Mamatay sila sa inggit. Hahahaha *Devil's laugh*" Why? Totoo naman diba. Ay naman ang bad ko.
"Youre so mean!" Sabi ni jas at umalis na para landi-- i mean para puntahan si choco. Siyempre ako naman nakigaya din kaya nagpunta ako kay charles.
"Charles mukha ka kang tanga kanina! Hahahaha'' Pang-aasar ko. Mean na kung mean. I dont care its my pov not yours. Naks english yan magpalakpakan naman kayo diyan.
Akala ko maiinis siya pero hindi niya lang ako pinansin at nilagpasan.
Nakaramdam agad ako hg kirot sa puso. "Shh. Nabadtrip lang yon kasi napahiya silang magkapatid ngayon." Rovick.
Eh ano naman? Kasalanan ko ba? Ako ba yung tumulak sa kapatid niya? Ako ba yung nakatama ng bola sakanya? Hindi naman diba, So bakit siya nagkakaganyan ngayon!
Ewan ko sakanya! Nababadtrip ako sakanya! Masyado siyang moody. Paano pa kung kami na? Pero wait. Bakit ba ako nag-aassume? Hindi naman siya nanliligaw diba? TIFFANY ANG TANGA MO!
Ngumiti nalang ako at umalis na. Saan ako pupunta? HINDI KO ALAM
----------
(A/N: VOTE AND COMMENT )
BINABASA MO ANG
I Killed them
Teen FictionI killed them just to show that killing is wrong. But then i realized that killing is fun.