Chapter 11 : Real Chapter

30 1 0
                                    

CHARLES'S POV

Nasa classroom na ang lahat dahil pinatawag kami ng adviser namin. May sasabihin daw importante chuchu. Tss.

"Okay class. Dahil complete na kayo at nandito na kayong lahat. Pwede ko na sigurong sabihin na pumayag na ang principal niyo na magkafieldtrip kayo." Dire-diretsong sabi ng guro. Straight to the point talaga? Wala manlang Entrance. Yung tipong papakabahin muna kami tapos biglang sasaya at sasabihing. MAY FIELDTRIP NA KAYO MGA SAKIT SA ULONG ESTUDYANTE!!! YEAH PARTY US!

Seryoso na.

Tahimik lang ang lahat at parang hindi pa natuwa sa narinig.

"Hay kayo talaga. Sa lahat naman ng section kayo lang ang hindi natuwa." Maam.

"Eh maam saan po ba pupuntahan?" Singit ni thea.

"Ah good. Buti nalang natanong mo yan. Actually isa lang talaga ang pupuntahan niyo. Lumang amusement park na siya pero safe at pwede pa namang sakyan ang mga rides. May mga tindahan din dun ng kung ano ano pero ang iba ay bawal niyong bilhin dahil delikado like guns." Paliwanag ni maam cruz.

"Really? Its fun. An abandoned amusement park. Cool" Sabi ni harry na may kakaiba sakanyang ngiti na naging dahilan ng pag angat ng mga balahibo ko.

"That's all. Class dismissed."

Nagsimula ng mag-ingay dahil sa pag-uusap nila kung sasama ba o hindi.

Ako ba? Sasama ako pag sasama si tiffany para maprotektahan ko siya.

Bakit? May mangyayari ba? Hay charles. Imagination mo nanaman.

"Huy! Sama ka?" Sabi ni tiffany habang papalapit sa akin.

"SAMA NA BUONG KLASE PARA MASAYA!!!!" Sigaw na rovick sa lahat at sumangayon din sila.

"Oo tama. Mas masaya kapag kasama ang lahat." Thea

"Ay feeler ka ate! Di ka kasama utut mo." Rovick. Nanahimik si thea dahil napahiya siya.

" Gusto niyo ng saya? Edi Mas masaya kung wala ka yata." Thea.

Ang kapal ng mukha ng babaeng to.

Nainsulto si jasmine kaya sinagot niya ito..

"Hoy babae! Ingat ingatan mo sinasabi ng mabaho mong bibig!!!!" Jas.

"Bakit? Kaya ba kong patayin ng bibig ko? FYI. Hindi sanay pumatay ang bibig ko. Eh kayo ba? Sanay kayo?" Mataray na sabi ni thea. Napaupo si jasmine at nanahimik nalang.

Hindi ko alam pero parang tinamaan ako sa sinabi niya.

Mas lalong nakunot ang mga noo ko dahil nakikita kong nagsesensyasan si tiff at thea.

JASMINE'S POV

Nag-uusap ang lahat kung sino ang makakatabi nila pero ako wala pang katabi. Si tiffany? Ayun pinagaagawan nila Leo, Charles at George. Masyadong mahaba ang buhok ng kaibigan ko.

Napatingin ako kay choco kaya nilapitan ko siya. Ah. Kung siya nalang kaya katabi ko.

Naglakas loob akong lumapit sakanya. Parang nagtatanong lang ng date.

"Hi choco. May katabi kana?"

"Yup. Si thea." He said while smiling.

Nadismaya ako sa narinig ko. But wait? Nagseselos ba ko. Oo aaminin ko, may gusto ako kay choco. Matagal na. Ginagawa palang kami ng nanay at tatay namin.

"Joke lang eto naman. HAHAHA" Leo said.

Agad nagliwanag ang mukha ko.

"Are you joking?" I asked.

"No i'm choco." Ugh. Kung hindi ko lang to gusto matagal ko na tong nabatukan ng million times.

"CHOCO!!!!"

"Joke lang. Eto naman. Sige tabi tayo."

YES! FINALLY!!!!

Napatingin ako kay tiffany. Siguradong matatawa kayo sa itsura niya ngayon.

Naiirita na siya dahil kinukulit siya ng tatlo.

"SHHH! SHUT YOUR MOUTH!!! SI LEO!!!! SIYA NALANG!!" Sigaw ni tiffany kaya napangiti si leo.

Ang dalawang halimaw naman ay umupo sa mga upuan nila ng parang namatayan.

Nakakatuwa tignan ang mga kaibigan ko. Nakakapanghinayang kung may magbabalak na paghiwahiwalayin kami.

.

-------

A/N:

Short update pero ngayon pa lang nagsisimula ang story. At dahi sembreak tuloy tuloy ang update ko. Idontcare kung walang magbasa basta i want to share my imagination. ;)

VOTE.COMMENT.

I Killed themTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon