Chapter Seven: HarryMitchRovick

28 1 0
                                    

Third Killer's Short Point of View

Nakaupo ako malayo sa pinagpwestuhan ng table nila tiffany. May kanya kanya silang mundo nang biglang tumayo si tiffany at pumunta sa mga new students.

Napangiti ako. Unti-unti na silang nasisira. Kagaya ng pagsira nila sa akin. Si tiffany naman. Nakakatuwa. Masyado kasing maikli ang pasensya. Kaya ngayon tahimik lang nabadtrip agad.

Mga pikon sila. Mas madali silang sirain dahil hindi sila ganoong katibay.

Jasmine's POV

Sandali kaming natahimik ng umalis si tiffany. Ano ba kasing problema ng babaeng yon? Kung siya totopakin lang aba totopakan ko din siya. Ang unfair naman yata kung pagbibigyan siya no.

Ilang sandali pa ay umalis si george. Alam kong kay tiffany na yon pupunta. Ayaw niya lang ipasabi dahil ayaw niyang malaman ni charles ang gagawin niya. How childish they are. Seriously. Sobrang childish na ng barkada.

Pero kahit ganun sila. Tatanggapin ko pa din sila at iintindihin. Alam kong may matinding problema lang na pinagdadaanan ang bawat isa ngayon.

Naaawa ako sakanila. Nakakaawa.

Hindi nagtagal ay nagbell na. Ibig sabihin ay kailangan na naming umakyat sa classroom namin. Katabi ko si choco na naglalakad papuntang classroom.

Napatangin ako sakanya kaya umiwas siya ng tingin. Nung umiwas ako ng tingin ay naramdaman kong tumingin din siya sakin.

"Mag tinginan na kung magtitinginan. Hindi yung pakipot pa. Mukha kayong ewan. Fvck. HAHAHA" Pang-aasar ni rovick na nasa likod lang namin kaya siguradong nakikita niya ang sulyapan eksena namin ni chocolate. Nagtawanan kaming lahat pati na rin sila harry, Mitch at si Charles na ang tahimik lang kanina.

Nagtatawanan kami hanggang sa makarating kami ng classroom pero napatahimik din kami ng mapansin na ang lahat ay nakatitig samin. Pati narin si tiffany na nakikipagtawanan kila Thea habang binubully si maxine na kanina pa basang basa ng hot choco.

" Wassup guys. Ganyan na ba talaga ang reaksyon niyo pagnakakakita kayo ng gwapo? Oh well. Sorry at ganito na ko pinanganak gwapo na. Diba rovick?" Pagmamayabang ni choco.

" As if kilala mo na siya dati" Charles.

"Oo naman no. Kausap ko kaya yan habang papunta kami sa tiyan ng nanay namin habang nag lolove making sila ng tatay ko." Sabi ni choco na dahilan ng paghihiyawan ng lahat.

"Hay nako choco. Ang gross gross mo talaga. Ewwww" Sabat ni tiffany habang umaarte pa ng nandidiri. Pucha. Ang arte arte ni tiff ngayon. Grabe na hindi ko na kaya tong kaartehan na pinaggagagawa ng babaeng to. Pag talaga kami nagkabati uupakan ko to ng sampung beses.

Umupo na ako sa upuan ko, Hindi ko katabi si tiffany dahil kasama niya ang mga new students na ang aarte. Nakakashit lang na yung kaibigan mong walang arte maarte pa sa maarte ngayon.

Dumating na ang teacher pero hindi parin umaayos ang iba. Sanay na si maam kaya nagturo na lang siya kahit na nagkakagulo pa ang iba.

Tahimik lang kaming nakikinig sa guro nila choco, Rovick, Charles, George, Hailey at harry. Hindi pala nakikinig. Sigurado na sa mga mukha namin at tenga namin na mukhang nakikinig ay may kanya kanyang iniisip ang barkada.

"CHOCO!" Sigaw ng guro dahil napansin niya yata na hindi nakikinig sakanya si choco. Wow. Akala ko ba sanay na siya sa mga pangdededma sakanya ng klase na to but now sinasaway niya si choco.

"Yes maam" Sa itsura ni choco hindi halatang natatakot siya dahil ang angas angas parin niya. Ang gwapo gwapo parin niya. Aish

"Now. Anong itinuro ko kung nakinig ka talaga"

"Itinuro niyo po sakanila na gwapo ako maam. That's all thankyou." Hindi natuwa ang guro sa inasal ni choco kaya lumayas nalang ito at padabog na isinara ang pinto.

Umupo lang si choco at nabalot nanaman kami ng katahamikan pero ilang sandali pa ay lumapit samin si tiffany.

Anong problema ng bruha na to? Gusto ba nito na makalbo ko siya ng wala sa oras.

Mas lalo akong nagulat sa sunod na ginawa niya.

Wow. Si tiffany?! First time lumuhod sa harap namin.

"Sorry na. Please?" Pagmamakaawa niya. Ugh. Nababaliw na ba tong babaitang to. Nagtinginan lang kaming lahat maliban kay charles na nakasimangot.

"Sige na. Tumayo kana diyan." Charles.

"YEHEYYYYYY" Sa sobrang tuwa ni tiffany. Hindi niya namalayan na napayakap na siya kay charles kaya napabitaw siya at napatahamik si charles naman. Litaw na gums sa sobrang ngiti habang si george mukang pinagbagsakan ng langit at lupa ang muka. Teka pano babagsak ang lupa sa mukha niya eh nasa baba ang lupa. Aish weird jasmine

"Oh so okay na tayo? Ano pang inaarte niyo? Tara gala na." Masayang sabi ni choco. Oo nga last subject na ngayon and nagwalk out yung teacher so pwede na kaming lumayas at mag dora the explorer.

Nasa labas na kami ng school gate at naghihintay na may dumating na taxi.

Habang naghihintay kami. May isang paparating na magandang kotse na papasok ng school. Wow as in wow. Kanino kaya yun?

"Uyyy kotse ko oh. Paparating" Sigaw ni choco. Weh? Sakanya yon?

"Ay loko nilagpasan ako. Bumalik ka dito hoy!!" Sabi ni choco dahil nilagpasan siya ng magandang kotse. Okay now i know yun sakanya.

"Kotse pala huh" Charles.

"Oo akin yon. Na-carnap lang"

Nakapara na kami ng taxi at sumakay na. Minsan na lang ulit mangyari to. Kaso wala si harry at mictch. Speaking. Kamusta na kaya yung dalawang lovebirds na yon? Sabi nila mitch sila na daw. Well, Goodluck nalang sakanila. Aish!!! Jasmine shatap na Chismosa na masyado

Tahimik lang ako habang bumabyahe habang sila ay kumakanta na parang abnormal.

Tumingin nalang ako sa bintana pero nabigla ako sa nakita ko.

Hindi ko na sisirain pa si mitch at harry. Magiging masaya na ako para sakanila. Pero oras na saktan o lokohin ni harry si mitch ako mismo ang sisira sa mukha niya..

Bigla kong naalala ang mga katagang sinabi ni rovick. Kaya hindi nalang ako nagreact at nanahimik nalang dahil alam ko na tumatawa at nagsasaya si rovick ngayon para makalimot.

Ang pinagtataka ko lang ay bakit ko nakita si harry na nakikipaglandian sa ibang babae. Hindi ko nakilala ang babae pero sigurado ako na hindi si mitch yon. And take note. Sa kalsada po sila naglalandian. Grabe lang si harry kase what if kasama namin si mitch ngayon? Pano na kung nakita sila ni mitch. Hay naaaako. Mga lalaki talaga..

Hindi na ko makikielam. Bahala na si rovick kay harry....

I Killed themTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon