Chapter 10: Start of my revenge

29 1 0
                                    

.Charles's POV

Friday ng umaga at maaga akong nagising. Napatingin ako sa bintana at sinilip ang labas ng room kung may mga tao pa.

Napagusapan kasi ng ilang students na tatakas daw sila para makauwi.

Gusto ko din umuwi pero hindi pwede.

Nandito di tiffany at kailangan ko siyang protektahan. Bakit? Eh kasi ayokong mag patalo kay george at blaze. Hell. Mas bagay kami 101% no?

*Kriiiiiing*

Pinatunog na ang bell hudyat na breakfast time na. Natuwa ako ng makita kong maraming estudyante ang naglabasan.

Mas gusto ko marami dahil natatakot ako na baka magsimula na ang lahat..

Pero oo nga paano ko mapoprotektahan si tiffany kung natatakot ako sa kamatayan. Hindi pwede. Kailangan maging matapang ako at harapin si kamatayan.

Lumabas na ako ng room. Nauna na ako kila george choco at rovick na natutulog pa rin hanggang ngayon.

6:30? Bakit ang aga nga yata tumunog ng bell?

Pagkalabas ko ng room ay nakasalubong ko si tiffany.

Umaygaddd. This is the chance. Yuck charles nagiging gay kananaman. -.-

"Hi nakakatawa'' Bati ko sakanya pero kumunot lang ang mga noo niya.

Hahhaha. So cute.

"Nakakatawa?" Tanong niya habang papalapit sa akin

"Yes. Kasi diba tiFANNY. Y kHehe. Corny ba?" Sabi ko pero hindi siya natawa.

Okay. Ang corny ko ba? Huhuhu. :(

Nakakatawa naman diba? Natawa nga ako eh. WAHAHAHAHA.

"Oo na corny na. Mag-isa ka lang ba? Tara sabay na tayo kumain." Aya ko sakanya.

"Sa tingin mo may kasama ba ako? HALA Charles!!! Don't tell me May nakikita ka bang hindi ko nakikita?'' Sabi niya. Ugh. Annoying tiff

"Hay nako. Ewan ko sayo. Tara na nga kumain na tayo." Sabi ko at hinawakan ko ang kamay niya,

Hawak kamay lang kami na naglalakad papunta at hanggang makarating sa canteen? I smell something veggyyy. Nakakasawa yung fishy eh. Haha.

"Hey ano sayo?" Tanong ko sakanya at tumawag na ng waiter. Yeah. May waiter dito. Para daw kasi di magkagulo sa pila. Ang genius ng school namin no? Nagkakapatayan na nga lang. Cheap but fun..

"Uhm. Egg and ham nalang tapos water."

Natapos na rin kaming kumain at nagpunta kami sa may likod ng school. Hindi naman siguro mapapadpad yung killer dito diba?

Nakaupo lang kami sa may bench habang nakatingin siya sa kawalan.

Tahimik lang kami ng basagin ko iyon.

"Tiffany crush kita." Walang anu-anong sabi ko.

Hindi ko alam pero bakit parang hindi na kami nagulat. Nginitian niya lang ako. Ano bang problema niya at ang tahitahimik niya?

"Fanny. Bakit ang tahimik mo?" Tanong ko.

"Eh ano gusto mo? Mag-ingay ako dito? Mag-wala ako? Sumigaw ako?"

"Hindi naman nakakabored lang kasing kasama pag ganun."

"Edi lumayas ka! May sinabi ba akong samahan mo ko. Nananahimik ako nanggugulo ka diyan. Kung ikaw kaya si tiffany? Magiging masaya kapaba? Hindi mo kasi alam pinag-dadaanan ko. Wala kang alam charles! Wala!!" Napagtaasan niya na ko ng boses kaya nagulat ako.

"Uhm. Ano s-sorry." Sabi niya at umalis na. Hahabulin ko pa sana siya pero she need space. Hindi pa kami pero magulo na agad.

JASMINE'S POV

Pagkagising ko ay wala na si tiffany. Kaming dalawa nalang ni hailey ang nandito. Hindi ko na siya ibubully dahil nakakasawa. Hindi ako naaawa sakanya wala lang talaga ako sa mood.

Nagpunta ako sa CR at naghilamos. Palabad na sana ako ng cr pero may naapakan ako.

Isang puting panyo..

Kinuha ko ito at ibinulsa. Hindi ko alam kung bakit? Hindi manlang ako nandiri dahil baka mamaya ay may sipon pa iyon.

Pagkalabas ko ng CR ay sumalubong sa akin si hailey na hindi mapakali at parang may hinahanap.

Weird...

Nakita niya ako pero hindi ko na siya pinansin at lumabas na. Asan na ba si tiffany?! Ptcha. Iniwan ako.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si tiffany pero..

"The number you have dialed is busy at the moment. Pleasee try again later." UGH. Malas.

But why? Bakit nga ba ako nagpapanic?

"Hi jasmine." Mas lalo akong kinabahan ng tawagin niya ako. Si choco.

"Yung totoo? Naligo kana?" Tanong niya habang papalapit. HALA. Hindi pa ko naliligo. Huhuhu. :(

Mabango naman yata ako diba? Inamoy ko ang sarili ko ng hindi ko pinapahalata sakanya. Hindi naman ako mabaho.

Hindi ko siya sinagot dahil nahihiya ako.

"Tss. Okay lang yan. Kahit taong grasa ka pa. Crush parin kita." Sabi niya tapos inakbayan niya ako at nagpunta na kami ng cafeteria.

But wait? Did i hear it right? Crush parin?

Hindi ko nalang iyon pinansin at kinain nalang ang pagkain na nasa harapan ko.

Asan na kaya si tiffany at hindi parin nagpaparamdam.

"Uy si tiffany oh!!" Sigaw ni choco. Speaking of tiffany.

Narinig siya ni tiff kaya lumapit si tiff sa amin.

"Ang lakas naman ng boses mo. Pakihinaan please?'' Tiffany.

"Sorry naman. Di ko alam kung saan yung volume button eh. Ikaw na nga lang nakikirinig ng boses ko nagrereklamo ka pa. Pasalamat ka nga at nabanggit ng mahiwaga kong bibig ang pangalang tiffany. Samantalang ang ibang babae diyan magpapakamatay muna para lang masabi ng napakagwapo na bibig ko ang kanilang cheaps na pangalan." Tula ni choco. Ay hindi pala sabi pala ni choco.

"Ano ba? Ang haba. Isulat mo nalang yan sa MMK." sabi ni tiffany at umupo na sa tabi ko. Okay OP ako.

"Hindi pwede. Sayang ang tinta ng ballpen. Pag naubos ang tinta hindi ako makakapagsulat pag di ako nakapagsulat wala akong lectures pag walang lectures di ako makakapagreview pag di nakapagreview di makakapasa sa exam pag di nakapasa di makakagraduate pag di nakagraduate hindi makakapagtrabaho pag di nakapagtrabaho hindi makakakuwa ng pera pag walang pera walang pagkain pag walang pagkain mamamatay ka. Kaya ang ballpen ang buhay nating lahat." Napanganga nalang kami ni tiffany sa sinabi ni choco.

.

"Choco ang sipag ng bibig mo." Sabi ko habang gulat parin ang expression ng muka ko.

"Sayang nga eh sa bibig ko napunta yung kasipagan. Tsk" Nanghihinayang na sabi ni choco.

"Oh tapos kana kumain? Tara na!" Aya ni choco at umalis na kami.

*

Habang naglalakad sa corridor ay may nagkukumpulan na mga estudyante sa harap ng classroom.

Dahil mga chismosa kami nila tiffany nakipagsiksikan kami sa mga nagkukumpulan para lang makapasok sa loob ng classroom.

Pagkatapos makasingit ay hindi naman inasahan ang mga nakita namin.

Tapos na ang palabas at narinig nalang namin ang huling sinabi niya.

"Today is the start of new hailey bitches. The Start of my revenge."

.

I Killed themTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon