A/N:
Hi. Ang chapter po na to ay puro kakornihan at kaabnormalan lang ni choco. Eh kasi di tlga ko sanay magpatawa. Edi bibigyan ko kayo ng chapters para maenjoy niyo at magpatuloy pa kayo sa mga next chaptersssss. HAHAHA. Enjoy reading. XD
---------
Third Person's POV
Dalawang linggo na rin ang nakalipas simula ng nagbago si hailey. Hindi na siya binubully at nagiging maayos na rin ang buhay niya sa inaakala niyang impyernong eskwelahan na ito. Si chynna naman. Tuwing susugod kay hailey ay pinipigilan na lang siya ng mga kaklase niya.
Nasa classroom ngayon ang magkakaibigan na sila Choco, Charles, Tiffany, George, Mitch, Jasmine, Rovick. Wala si hailey at harry. Hindi natin alam kung bakit.
"KNOCK KNOCK" Choco.
"P*T*NGINA MO CHOCO! PAG YAN CORNY HAHAMPASIN KITA NG PAINTBRUSH NI MITCH!!" Saad ni rovick at nagtawanan na lamang ang barkada.
"Oo na sige na. Shatap na maki-ride ka nalang." Choco.
"Osige knock knock" Panimula ni choco kaya sinagot naman siya ng mga kaklase niya.
"1234567" Choco.
"Who?" Barkada.
"Got to believe in magic. Tell me one two three four five six seven." Kanta ni choco at tumawa ng malakas pero tahimik lang ang mga kaklase niya kaso katabi niya si rovick kaya mabilis siya netong napalo ng paint brush.
"Sige na nga last na. KNOCK KNOCK." Choco.
"Whos's there?" Sagot ng iba pero hindi na kasali si rovick dahil alam niyang corny nanaman ang sasabihin nito.
"Kamuning"
"Kamuning who?"
"Kamuning, Get me get me get me. Baby im yours kamuning get me." Ngayon naman ay wala paring tumawa.
"Utang ni inayyyy! Tumawa naman kayo. Kayo na nga pinapasaya ko pinapahiya niyo pa ko. Sige ganyanan na ah. Akala ko pa naman tunay na kaibigan kayo huhu." Reklamo ni choco at umarte ng parang bata.
"Oh sige na last na. Bilis pag hindi mo kami napatawa may dare." Tiffany habang nagpipigil ng tawa.
"KNOCK KNOCK."
"May doorbell pare!!!!" Sigaw ng inis na si charles.
Nagtawanan ang lahat bukod kay choco.
"Sakanya doorbell lang sinabi tumawa kayo. Ako may pakanta kanta pa. Nageffort ako pero pinahiya niyo ko. Hay ako nangalang. Knock knock choco. Whos there choco. Sembreak. Sembreak who? Sembreak like a diamond." Sabi ni choco habang tinatawanan ang sarili na parang baliw.
Umayos na sila sa tamang pwesto ng upuan pero napansin yata ni jasmine na tahimik si choco kaya lumapit siya dito.
"Psst. Choco. Ang tahimik mo?" Tanong ni jasmine.
"Wala naman. Ano ba gusto mo sa isang lalaki?" Tanong na sagot ni choco.
"Ah gusto ko? Gusto ko yung may kapatid din siya na lalaki. Para may mapagttripan ako. Haha."
"Ahhhh. Okay. " Sabi ni choco at tumatango tango habang may nakakalokong ngiti sakanyang mga labi.
"Hi Chester!!!" Sigaw ni choco sa kakadating lang na si chester.
Lumapit sakanya si chester habang may tanong sakanyang mukha.
"Diba kapatid kita." Proud na sabi ni choco kay jasmine habang hinihila si chester.
"Ha? Hindi ah. kapatid ba kita?" Naguguluhang tanong ni chester. Habang si jasmine naman ay nagpipigil ng tawa. Pasimpleng kinurot ni choco ang kamay ni chester pero hindi iyon sapat para masaktan siya.
"Ah sorry. Nagka-amnesia kasi to eh." Sabi ni choco kay jasmine at tumayo.
"Uminom ka na ba ng gamot mo ha? Inom kana baka magalit sila inay at itay... .Bwisit ka hindi ka nalang nakisakay." Pabulong na sabi ni choco.
"Eh wala namang sasakyan eh." Reklamo ni chester.
"Ugh. Ewan ko sayo. Sige dun kana. Chupiiii." Sabi ni choco at bumalik na sa pwesto kung saan naghihintay si jasmine.
"Hay nako choco. You're chocorny today." Masayang sabi ni jasmine kaya't napakamot nalang sa ulo si choco.
------
CUPCAKE'S NOTE
Kamusta? Short lang ba? Eh kasi special chap. Lang to. Pang palibang lang hahaha. Vote & Comment naman diyan mga kababayan. Hahaha. :(
VOTE. COMMENT. <3
BINABASA MO ANG
I Killed them
Teen FictionI killed them just to show that killing is wrong. But then i realized that killing is fun.
