Chapter one

166 8 0
                                    

Harry's POV

Nakahanda na ako, ngayon na kasi ako aamin kay Mitch. First day palang, gustong gusto ko na talaga sya. Ang ganda nya kase, ang bait bait pa. Oh san ka pa? Inayos ko na ang unifrom ko at inamoy ang sarili ko, mabango naman ako.

Ayos na ang lahat, kinuha ko na ang flowers at chocolates na ibibigay ko sakanya. Asan ba si Mitch? Inikot ko ang buong classroom pero hindi ko sya makita.

" Chynna, nakita mo ba si Mitch? " sabi ko kay Chynna, alam kong hindi kami magkasundo pero kailangan eh. Kailangan ko makita si Mitch

" Duh. Of course naman, I have eyes noh! They're two pa nga oh! " sabi nya tapos inirapan nya pa ako. Kahit kelan talaga 'tong kapatid ni Charles napailing nalang ako

" I'm serious, Chynna. Where is she? "

" Oh well hi Serious, I'm Chynna Gorgeous Seof " hindi ako natawa sa sinabi nya, alam nya siguro na seryoso ako kaya inayos na nya " She's in the rest room, nagpapaganda. Eh wala naman na yun igaganda, psh. Trying hard "

Hindi ko nalang pinansin ang sinabi nya at dumaretso na ako sa gir's cr. Ibang klase talaga ugali ng babaeng 'to, parehas sila ng kuya nyang si Charles. Napaka misteryoso, parang may tinatago.

Ano naman kaya iyon?

Kahit matalino ako hindi ko masagot ang sarili kong tanong. Magkakaklase na kami simula ng mga bata pa pero hanggang ngayon, wala parin ako masyadong alam sakanila.

Hoo. Kinakabahan ako, hingang malalim. Wooh! Kaya mo 'to Harry! Nakangiti akong naglalakad patungo kay Mitch ng bigla kong nakita si Rovick . . . . . . . . nakaakbay sakanya.

Ang saya nila. Sweet na sweet

" Mas bagay nga naman kasi sila " bulong ko

Sa pangalawang pagkakataon, inagawan mo nanaman ako Rovick.

Tiffany Kaye's POV

Andito ako ngayon sa classroom, katabi si jasmine na nagddrawing ng dream boy daw niya. walang teacher na nagtuturo. Ewan ko ba kung may meeting sila o sadyang tamad lang sila magturo.

May mga tumatawa, nag aasaran, naghahabulan, nagbabatuhan ng papel, nag uusap. Psh. Pareparehas lang sila.

Mga plastik, mga walang kwenta.

" OHHHHH! Sweet child of mine~ " kanta ng mga lalaki na nasa harap ng black board.

Mga baliw. Sige, Magsaya lang kayo.

Papunta sa direksyon ko si rovick ng biglang umalis si jasmine at nagtatatakbo palabas ng room. Anong problema non?

"Hi Tiff" Bati sakin ni Rovick.

"Oh bakit ka nandito?" tanong ko.

"Bawal bawal? Wala naman. Nagtataka lang ako kay Harry. Kung bakit ang lamig lamig niya sakin ngayon."

*Kriiiiing kriiiiiing*

"Ay wait lang. May tumatawag" Sabi ni Rovick tapos lumabas na siya ng classroom. tumango nalang ako.

Hanggang ngayon wala pa rin teacher na pumapasok sa classroom, ganito ba talaga sila? Nagbago ang lahat. laging nananakit ng mga studyante at kung ano ano ginagawang gulo sa loob at labas ng school. Pero walang pakialam ang teachers at principal sa pinaggagawa namin. Palibhasa, sa panahon ngayon. Isa na sa pinakamakapangyarihan ang pera.

Kapag marami kang pera, lahat pwede mo na gawin. Kahit paglinis sa reputasyon mo, magagawa mo.

" Tama na! Maawa kayo sa'kin! Yan nalang baon ko ngayon eh! " napatingin ako sa unahan, sya nanaman. Si Hailey, sya lagi ang pinagtritripan ng klase dahil nga sya ang pinakamahina at walang laban.

" Sa tingin mo maawa ako sayo? Never in your wildest dream! Diba sabi ko sayo may allergy ako sa hipon, bakit yan ang pinaluto mo sa nanay mo!? " sigaw ni Chynna. Kahit kelan talaga, para syang anak ni Satanas. Lahat sila.

" Y-yan lang kasi nakayanan ni n-nanay na lutuin. M-mahirap lang kami Chynna, ilang araw na ako hindi nakakain sa isang araw dahil lagi mo kinukuha " pagpapaliwanag ni Hailey, kahit ako. Naaawa ako sakanya, hindi dapat sya ginaganyan.

" And now you're telling me it's my fault? Kasalanan ko ba na mahirap ang pamilya nyo ha!? Ang galing mo din manisi noh? " bigla kinuha ni Chynna ang baunan ni Hailey at binuksan ang sliding window

" Dapat dito, tinatapon "

" Wag! " bigla nalang pumunta si Hailey kay Chynna para pigilan pero napakabilis ng pangyayari. Natabig ni Hailey ang braso ni Chynna kaya sakanya natapon ang sinigang na hipon. Buti nga, arte kase. " S-sorry Chynna "

" Sorry? Ha! Sorry? Sa tingin mo sapat na ang sorry para matanggal ang dumi sa unifrom ko? Look, ang asim asim ko na tignan! " bigla nalang tinulak ni Chynna si Hailey kaya nauntog ang ulo nila sa armchair. Tatayo na sana ako para tulungan sya ng biglang may pumasok sa classroom, kaya pala biglang lumamig sa classroom.

" Stop it Chynna, uwian na daw " sabi ni Charles sa kapatid nya. Ang mga mata nya, napakalamig tignan.

Isa isa sila nagpuntahan sa kanya kanya nilang upuan para kunin ang mga bag nila. Balik nanaman sa dati, parang normal ang lahat. Inayos ang mga gulo gulong upuan, nilinis ang natapon na sinigang na hipon binura ang mga nakasulat sa blackboard. Akala mo kung sinong mga santo.

Ako nalang ang naiwan sa classroom, kaya inayos ko na din ang bag ko. Handa na sana ako umalis ng makita ko si Hailey nasa tabi ng teacher's table, umiiyak. Alam ko kailangan nya ng kaibigan kaya lumapit ako sakanya.

Pero mukhang natatakot sya sakin kaya napausod sya kaya bahagyang gumalaw ang lamesa.

" Wag ka matakot sa'kin. Handa ako maging kaibigan mo " sabi ko sakanya at ngumiti. Totoo ang sinasabi ko, walang halong biro.

" T-talaga? " tanong nya na parang nagdadalawang isip " Diba? Kaibigan mo din sila"

" Nagkakamali ka, kaibigan ako. Hindi kaaway " inilahad ko ang kamay ko para tulungan sya tumayo, agad naman nya ito kinuha " Tara na? "

Binigay ko sakanya ang puting panyo ko para punasan ang luha nya.

" S-salamat, kaibigan"

- - - - - - -

DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT. -youaremystar

I Killed themTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon