8. Annoying Hito

102 22 39
                                    

Yona's POV

One week. Yes one week na ang nakakalipas mula ng may mga naganap sa akin na hindi kanais nais at sa loob ng one week na yun hindi talaga ako pinatahimik ng mukhang hito na yun.

Naroong sunud siya ng sunod para na nga siyang aso napaka annoying niya promise.

Naroong pipikunin ako, aasarin, hihilahin ang upuan ko kung hindi naman niya hihilahin sisipain and worst nilalagyan niya ng kalat ang loob ng bag ko habang nagdidiscuss ang prof namin at ako naman.

Syempre mabubwisit, maiinis at nanggagalaiti sa galit.

Sino naman kasi ang siraulo ang matutuwa sa pinaggagawa niya.

Whole week kong naranasan sa kanya ang mga kalokohan ng lalaking mukhang hito and its feels like eel este hell.

Gaya na lang ngayon.

"Hoy babaeng mukhang lalake tumabi ka nga diyan hinaharangan mo dinadaan ko. Tsupe." At ang gago nakuha pa akong itulak muntik pa kong masubsob sa pader.

Ako mukhang lalake? Grrrr talagang inuubos nya pasensya ko.

Tinapunan ko siya ng matatalim na tingin.

Minumura ko na nga siya sa isip ko.

At ang loko nginisihan lang ako. Talaga naman.

Binalewala ko nalang ang ginawa niya at nakinig kay sir.

Pero..

"Aaarrrrgh.. aray... ano baaa? Ano naman ba problema mong hito ka?" Pasigaw kong litanya sa kanya.

Potek naman oh. Nanahimik na nga ako dito.

Akalain mo ba namang pagbuhol buholin ng loko ang buhok ko. Malas pa atang nagkaroon ako ng mahabang buhok.

Dahil sa malakas kong pagsigaw napatingin lahat sakin lalo na ang teror naming prof na si sir Dimagiba.

'Oh oh! Petey teyo dyen.'

"Ms. FUENTES." Hala patay bumubuga na ng apoy si sir Dimagiba. "What's wrong with you? Why are you shouting?" Sunod sunod na tanong ni sir. Halaka naman..

"Ahmmm.. ano po? Kasi sir si..."

Di pa nga ako tapos sumagot may sunod na naman siyang tanong. Haaaayyy naman.

"Who told you to shout in my classroom? Now get out of my room and bring a book with you and put it in your head. Doon ka sa gilid ng pinto pumwesto para nakikita kita." Galit na sabi ni sir.

'Whaaatt??Oh no! Pero kung di ko susundin si sir baka mas malala pa gawin niya.'

"Y-yes sir." Utal kong sabi.

Nakita kong nagtatawanan ang iba kong mga kaklase kasama na doon ang epal na mukhang hito idadag niyo pa si Carol.

'Aaarrrgghh mga bwisit.'

Habang ang dalawa kong mga kaibigan eh shock pa ata sa nakikitang pangyayari.

Napadako din ang tingin ko kay Lance. Napapailing na lamang ito sa nagaganap samin between his friend and me.

Kinuha ko na ang libro na gaya ng utos ni sir Dimagiba. Taas noo parin akong naglakad palabas ng room.

Pero bago ako tuluyang makalabas tinapunan ko muna ng matatalim na tingin ang binata na dahilan ng kahihiyan na nangyari sakin ngayon.

'Humanda kang mukhang hito ka may araw ka rin sakin.'

*****

Tristan's POV

Hate You? Or Love You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon