7. THE BOX.. SURPRICE!!!

134 24 68
                                    

Yona's POV

"Bye kuya Wayne. Ingat po sa pagdadrive." Paalam ko kay kuya.

Lalalalalala..

Pakanta kanta pa ako habang papunta sa room namin.

Well, happy ako today halata naman di ba kasi pakanta kanta pa ako at pasipol sipol.

Alam niyo bakit ako happy?

Ganito kasi yun.

Flashback

"Anak halika ka nga muna rito." Tawag sa akin ni papa.

Paakyat na sana ako ng kwarto ng tawagin ako nito.

"Ahm, bakit po papa?" Bumalik ako para lapitan ito.

Maya maya sila mama at kuya naman ang lumapit dito. Nakaupo silang tatlo sa sofa samantalang ako sa isang upuan sa gilid nila.

Nakangiti ang mga ito sa akin.

"Anak, kung natatandaan mo, di ba may promise kami sayo ni papa mo about your debut?" Sabi ni mama na akin.

Tumango tango ako sa kanila.

"Opo, natatandaan ko po. Di ba you said were going to celebrate my debut here sa house?" Oo yun kasi plano nila.

Actually sa isang lugar ko gusto magcelebrate ng debut ko. Nasabi ko na nga sa kanila yun eh.

"Oo anak. But we decided to celebrate your debut sa ibang place na lang." Sabi ni papa.

'Waahh! Is it true? Sa ibang place daw? '

Pero...

"Eh papa, okay naman pong dito na lang sa bahay. Gagastos pa kasi kayo ng malaki kung sa ibang lugar natin i-cecelebrate debut ko." Naiitindihan ko naman kung dito lang sa bahay eh.
Ayoko lang gumastos pa sila ng malaki para lang mabigay nila gusto ko. "Ang importante naman po kompleto tayo sa debut ko."

Umiling iling pa si papa sa sinabi ko.

"No, my princess. It's your debut. Special ang araw na yun sayo kaya hayaan mong gumastos kami para sayo." Sabi naman ni mama.

" Little sis, wag ka na mag alala. Napag ipunan naman namin nila papa at mama ang debut mo." Sabi ni kuya na nakangiti ng todo sa akin.

"Yes our princess. It's all planned now. So, we decided to celebrate your debut at the resort. Isa sa mga resort sa batangas anak. Di ba yun ang gusto mo sa debut mo? Katunayan niyan nagpareserved na kami nitong nakaraan araw kahit next month pa yung debut mo. So, what do you think anak?" Pagpapatuloy pa ni papa.

Hindi ako halos makapagsalita. Hindi ko alam ano sasabihin sa kanila.

Nayakap ko na lang sila ng makabawi ako sa gulat.

"Thank you pa, ma at kuya, you grant my wish. Naiiyak tuloy ako." Sabay pahid sa namumuong luha sa mga mata ko.

"Your welcome anak. We want you to be happy kaya gift naming tatlo yan sayo. Kaw na bahala kung sinu-sino ang magiging 18 candles mo at 18 roses mo okay. Yun na lang kasi kulang eh." Sabi ni mama na niyakap ako.

Naggroup hug kami. Wala na ako masabi kaya niyakap ko na lang sila.

End of flashback

Oh di ba sino di magiging happy nun? Next month na kasi debut ko. Well, pili lang naman ang mga magiging bisita. Magkakarun ng 18 roses at 18 candles at kunting kasiyahan.

Hate You? Or Love You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon