38. Necklace o Bracelet

89 10 4
                                    

Yona's POV

Mag tatatlong linggo narin ang nakalipas mula ng umakyat ng ligaw ang dalawa at sa loob ng tatlong linggong iyon, sobra akong nastress. Sino di maiistress aber? Dalawa ang nanliligaw sa akin. Isang mabait at isang mayabang.

Lagi silang nagkocompete sa isat isa. Laging nagbabangayan. Hay naku! Sarap nilang pag uuntugin na dalawa.

Mahirap pala maging maganda ano? Hindi sa pagyayabang pero sige magyayabang na rin ako. Nahawa na ata ako kay hito.

Pansamantalang nag aayos ako ng sarili ko para pumanta na ng school. Matapos makapag sapatos, bumababa na ako para pumanta ng kusina at makapagbreakfast na rin.

Naamoy ko na mula rito ang niluluto sa kusina. Medyo maaga pa naman.

"Ma, ang bango naman po niyang niluluto niyo?" Sabi ko kay mama. Nagulat nalang ako ng hindi pala si mama ang nasa kusina kundi si kuya.

"Good morning little sis." Bati nito sa akin na natatawa pa.

Akala ko si mama talaga ang nagluluto. Naka apron pa siya ng kulay pink na hello kitty ang tatak. He looks so cute. Napangiti nalang akong pinagmamasdan siya.

Napaswerte ng babaeng mamahalin niya. Maliban sa gwapo na, maalaga, mabait, mapagmahal na anak at kapatid at baliw at tupakin nga lang minsan.

"Gutom ka na ba? Wait lang malapit na itong bacon." Sabi niya.

Hindi naman nagtagal at hinainan na niya ako. Siya pa mismo ang naglagay ng kanin, bacon, at hotdog sa plato ko.

"Kuya, may sakit ka ba?" Tanong ko sa kanya na ipinagtataka naman niya.

Nakakapagtaka lang ang pagiging maisakaso niya sa akin ngayon. Dati hindi naman siya ganyan sa akin.

"What do you mean sis?" Tanong niya habang tinatanggal ang apron at sumabay na sa akin kumain. Ngayon ko lang din napansin na naka uniform narin pala ito. Ang aga niya pala nagising.

"Kasi nakakapagtaka lang na masyado ka atang maasikaso sa akin ngayon unlike noon na puro ka pambubully sa akin." Sabi ko sa kanya.

Tumawa naman ito ng mahina.

"Bakit? Di na ba ako pwede magbago sis? Well, I just realize na bilang kuya ko, I have to take good care of you and protect you. Isa pa may mga manliligaw ka na kaya dodoblehin ko na ang pagbabantay sayo." Sabi niya sabay subo ng kinain.

Napangiwi naman ako sa huli niyang sinabi. Bantay sarado lang ang peg. Pero, infairness sa kanya natuwa ako sa pagiging sweet niya.

"Basta, kung sino man sa kanila ang sasagutin mo, make sure na hindi ka niya sasaktan dahil kung magkataon man, magtago na siya sa palda ng nanay niya." Mahaba niyang lintanya na ikinailing ko nalang.

"Opo!" Tangi ko nalang nasabi at nagpatuloy na sa pagkain.

Pareho na kaming natahimik. After we eat, hinatid na rin niya ako sa school. Habang binabaybay namin ang daan patungo sa school, napatanong naman bigla sa akin si Kuya.

"Sis, sino ba sa dalawa ang sasagutin mo? Aba tatlong linggo na silang parehong nanliligaw sayo ah? May balak ka bang paabutin ng isang buwan ang panliligiw nila." Sunud sunod niyang tanong s akin.

Napabuntong hininga naman ako. Ang totoo niyan, sobra akong nahihirapan magdecide kung sino sa kanila sasagutin ko. Alam ko isa sa kanila ang masasaktan.

Pareho na silang may puwang sa puso ko pero dapat isa sa kanila ang matimbang. Iisa lang ang puso ko. Buti sana kung dalawa to kaya kong pagsabayin ang dalawa kaso hindi eh.

Hate You? Or Love You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon