20. Nalilitong Damdamin

78 18 18
                                    

Yona's POV

*2 months after*

Dalawang buwan narin ang nagdaan ng maganap ang debut ko. Parang kaylan lang. Ang bilis ng panahon.

Ngayon sobrang abala ang lahat dahil sa nalalapit naring "Charter Week" na ginaganap daw every year dito sa school nato.

Paroot parito ang mga staff ng school at pati narin ang mga kapwa namin mag aaral.

"Best ano kaya kung sumali ka rito?" Sabi ni Tanya sakin na may itinuturo sa bulletin board.

Napasunod naman ako sa titingnan niya.

Bigla ako napasimangot.

"Ayoko." Maikli kong tugon sa kanya.

Ayoko ngang sumali diyan baka mamaya pagtawanan pa ko.

"Ano ka ba naman Yona, ang tagal ka na naming 'di nakikita sa intablado. Kaya sige na sali ka na namimiss namin ang ginagawa mo eh." Pagpipilit pa nitong si Kyla.

Todo iling naman ako sa kanila. Ayoko talaga. Ayos lang nung highschool pa ako kasi wala akong hiya na nararamdaman kapag nasa stage ako eh kaso iba na kasi ngayon eh.

Napabunting hininga nalang ang dalawa.

"Halina nga kayo. May next subject pa tayo." Pagyaya ko sa kanila.

Sabay sabay kaming pumasok sa room.

Nakita namin na nagkakagulo sa loob.

Nagkatinginan nalang kaming tatlo sa nakikitang kaguluhan sa loob ng classroom.

"Ahm guys, what's happening here?" Tanong ni Tanya sa kanila ng makalapit na kami sa upuan namin.

Di naman siya sinagot ng mga kaklase ko. Inisnob lang beauty niya.

Nakita ko ang tatlo na printe rin nakaupo sa upuan nila.

Napadako ang tingin ko kay Tj na abala sa pagkalikot ng cellphone niya. May nakapasak pang earphone sa tenga niya.

Ang gwapo niya. Arrgh hindi ang panget niya.

Nagulat nalang ako ng tumingin din ito sakin.

Bigla namang may nagrambolan na kung ano sa dibdib ko.

What the? Ito naman po ang puso ko.

Habang tumatagal lalo atang lumalala tong sakit kong to. Kung sakit ngang matatawag to.

"What?" Tanong niya sakin sabay hila ng isang earphone sa tenga niya. Titig na titig ito sakin.

Nyaks nahuli pa tuloy akong tumitingin sa kanya.Langya.

"H-ha a-ano may ano, may tatlong hito akong nakita, si mabait, si makulit at si mayabang." Muntangang sagot ko sa kanya. Pakanta ko pa ngang sinabi yun. New version ko yan sa tatlong bibe.

"Pffftt. Langya. Laughtrip ka talaga ms. Cute. Ngayon ko lang yan narinig ah. Bago ba yan?" Tawang tawang sabi nitong si Renz. Halos malagutan na ito ng hangin sa kakatawa.

Sige tawa lang. Mawalan ka sana ng hangin sa kakatawa mo.

Nakita ko namang natatawa rin ng palihim si Lance.

"May pinapatamaan ka ba?" Biglang tanong nito sakin na naniningkit pa ang mga mata.

"Huh? Bakit may tinamaan ba? Kung mayroon man eh di sorry nalang siya." Sabay upo ko sa upuan. Ayoko ng salubungin pa ang mga mata niyang parang anytime eh papatayin ka sa mga titig niya.

Hate You? Or Love You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon