11. Practice Part 1

107 23 66
                                    

Tristan's POV

"Mga pre tara na. Malamang kanina pa nila tayo hinihintay sa tagpuan ng mga babaeng yun." Itong si Renz hindi mo alam kung excited ba o sadyang nagmamadali lang.

Napapansin ko rin sa taong to na masyado ng nagiging close sa tatlong yun, kila panget.

"Oo na. Hindi ka naman excited pre. Ang ingay mo nakakairita ka sa tenga." Sabi ni Lance. Andito kasi sila sa bahay ngayon. 

Tumayo at kinuha na ni Lance ang susi ng sasakyan.

"Alright!! Let's go!" Ngingiti ngiti pa ang gago matapos pagsabihan ni Lance.

Siraulo talaga.

Bagay sila ni Tanya. Parehong retarded.

On the way na kami sa meeting place namin.

Kung naaalala niyo may activity na binigay samin si maam Sevilla. Kaya ngayong araw ng sabado na to naisipan naming magkita kita para pag usapan kung ano gagawin sa role playing namin.

Suhestyun na rin po ito ni Lance ang magkikita kami sa iisang place, sa mall.


"Andun daw sila malapit sa may jollibee naka pwesto." Biglang sabi nitong si Renz habang nakatingin sa cellphone niya.

Syempre di niya malalaman kung nasan ang tatlo kung hindi siya tinext ni Tanya.

Oo tama kayo ng basa. Nakuha niya po ang number ni Tanya ganun siya kabilis pagdating sa babae.

"Then lets go. Puntahan na natin sila ng matapos tayo agad." Sabi ko sa dalawa na sumunod naman sakin papasok sa mall.

Malapit na kami sa kinaroroonan nila ng mapansin ko ang hitsura ni panget.

'Pfftt, mukha ni panget nakabusangot. Lalo tuloy siyang pumapanget. Nag pout pa talaga. Ang cute.'

'What? Kelan pa naging cute ang panget?'

'An gulo mo rin Tj.'

Tuluyan na kaming nakalapit sa kanila.

Umiwas pa siya ng tingin at halos humaba na nguso niya.

'Tss weird niya. Kala naman bagay sa kanya ang magpout.'




****

Yona's POV

"Hoy girl ano ka ba naman wag ka nga sumimangot diyan." Puna sakin nitong si Tanya.

"Ehh kasi naman bakit kasi sa dami ng pwedeng makakagrupo sila pa talagang tatlo?" Pag aalburuto ko sa kanilang dalawa.

Sige sama na rin natin yung Carol na yun hay naku kainis talaga.

"Ano ka ba naman? Wala ka na magagawa. Eh si maam mismo pumili ng makakagrupo natin. Kaya pwede tigilan mo na yang kaartehan mo sumasakit ulo ko sayo. Isangtabi mo muna yang inis mo sa kanila lalo na kay Tj." Mahabang panenermon sakin ni Kyla.

"Tsaka girl ayaw mo nun? Mga sikat ang kasama natin sa grupo wag mo nalang isama dun sa sikat si Carol dahil naiinis lang ako sa kanya, dapat siya ang di kasali sa grupo eh." Halatang ayaw na ayaw ni Tanya kay Carol.

"Talagang ayoko makasama mga yun. Mas gugustuhin ko pang tayong tatlo lang." Himutok ko pa sa kanila.

Napairap nalang ang dalawa sa kakareklamo ko.

"Oh andito na pala sila Tj eh." Biglang sambit ni Kyla.

'Hay naman. Kabanas talaga. Wala na talagang magagawa ang pag iinarte ko. Andito na sila.'

Hate You? Or Love You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon